"Sabi ko nga kay Vicki, 'I will love you forever, pero ito ang talagang di ko magagawa.' Alam ko nagtatampo si Vicki. Di ba, may deklarasyon na ako na ayokong makulong si Hayden, baka mamaya sa pagmamahal sa kanya ni Vicki, baka pati si Vicki magpakulong."
Nagbigay din ng kanyang panig si Lolit tungkol sa kumakalat na audio na diumano'y ang sinasabing "script" niya na nabanggit ni Mrs. Irene Kho sa TV Patrol World noong May 25.
Kuwento niya, "Ganito 'yan, nung May 20, nag-dinner kami ni Vicki tapos makipag-meet daw ako kay Hayden. May 21, nag-meet kami sa bahay ng nanay ni Vicki do'n sa Dasma. In fairness sa kanila, nakita ko 'yon. May nilabas na tape yung dalawang assistant na abogado ni Lorna Kapunan [legal counsel of Hayden]. Sabi ko pa, 'Ay, ang ganda!' Balak ko pa nga harbatin, e. Kasi mukhang iPod, maliit na tape, itinapat kay Hayden, e. Dapat iinterbyuhin nila si Hayden. Tapos, ngayon ako, siguro dahil sa lakas ng boses ko, 'saka kung anu-ano pinagsasabi ko. Siguro 'yon ang nakuha ng tape.
"Ang ibig kong sabihin, hinahamon ko sila, ilabas nila yung buong tape para malaman kung ano talaga ang usapan, bakit ganoon ang mga dialogue ko. Ako, inaamin ko, nung nagpunta ako do'n, tinuruan ko pa ang nanay ni Hayden. 'Alam n'yo, mag-sorry lang kayo para sa inyong anak, baka patawarin kayo ng tao.' 'Hayden, ganito ang sabihin mo, I'm sorry ganito ang kasalanan ko, ina-admit ko ang kasalanan ko...'
"Talagang binibigyan ko sila ng advice, kasi nga akala ko, kakampi na 'ko kay Hayden. Kaya lang nung na-realize ko, ay, hindi dapat kampihan ang taong 'to! Kasi mas grabe pa ang gagawin nito 'pag later on, di ba?
"Kung sino man ang maglalabas nun na akala makakatulong sa kanila ang tape na 'yon, go!" hamon pang muli ni Lolit.
Patuloy niya, "Inaamin kong lahat nang sinabi ko do'n totoo. Dahil 'yon naman talaga ang sinabi ko. Naka-splice [yung tape]. Ang maririnig mo lang ako na tinuturuan ko si Mrs. Kho na ganito gawin. Tinuturuan ko si Hayden. Tapos sinasabi ko sa kanila, bukas pupunta si Katrina sa NBI.
"Iniba na nila ang isyu ngayon. Hindi na lang ako, pati si Bong [Revilla], di ba, sinisira nila si Bong tapos sinisira nila ako? Dina-divert na nila ang isyu. Ang isyu, 'wag nating kalimutan, yung pagbi-video ni Hayden sa mga babae. Kahit na anong gawin ko, kahit na may kagagahang sinabi ako, patawarin n'yo ako. Pero 'wag po nating ibahin ang isyu. Basta ang isyu ngayon dito ay yung pagkuha ni Hayden ng video na ngayon ay kumakalat."
Ano ang masasabi niya sa nagpapakalat ng naturang audio?
"Kung makakatulong ako sa pagtatanggol nila kay Hayden, di okay. 'Yan naman ang trabaho ng PR. Lahat gagawin nila para sa kanilang kliyente. Kung makakatulong ako, okey lang," sagot niya.
Sa huli, ito ang naging pahayag ni Ms. Solis: "Kung magalit si Vicki sa pagtatanggol ko kay Katrina ngayon, sa pagtatanggol ko sa mga babae, wala akong magagawa. Pero ang sa akin, 'pag nakalagpas 'to, 'pag na-divert ang isyu tungkol dito, ano na lang sa susunod ang gagawin ng mga lalakeng pinapatulan ng mga babae yung mga nagiging ano nila? Lahat ng 'yon, akala tama ang ginawa nila.
"At isa pa, kung siguro si Hayden, walang pinag-aralan, hindi doktor, okey lang, e. Kaso doktor siya. Imadyinin mo isang doktor gano'n ang gagawin?"
(Abangan dito sa PEP ang kumpletong report tungkol sa audio recording ng meeting na binanggit ni Lolit sa artikulong ito.)




CALLED OUT
ALL COMMENTS
1568 lalapearl
We love this family....
1567 rockasia1
1566 supergail
1565 LARA
1564 team_kapamz_ako
xcited na akong makita-joke joke
cguro sasabihan niya lolit nga
linya nya from Dapat Ka Bang Mahalin...
-kung saan, kailan at papaanong paraan, magpasabi ka lang,hindi kita uurungan.-
1563 be_beautiful
1562 careermuna
1561 baniknik
1560 im_tryland
1559 yorgwaps
1558 yorgwaps
1557 yorgwaps
1556 longhair4ever
1555 balugababe
tingnan mo yan kay piolo at sam nawater lang dahil napakiusapan kaya walang kadala dala
1554 girlash_ever
1553 girlash_ever
1552 chokaran
SIGURADO NATO MGA MARE, IBANG SHARON CUNETA ANG MAKIKITA NIYO PAG DATING NIYA NEXT WEEK. giyera patani na ito!!!! kaloka!!! nakakatakot!!! dinawit kasi favorite daughter niya na inosente naman talaga and lintik lang ang walang ganti!!! nakakatakot!!!! tune in to abs cbn. she will blurt everything!!! go ate shawie!!! we support you!!!!
1551 queenkimz
girlash_ever
wala pa.galit na si mega dahil pinangalanan na nila si kc.nung una ayaw patulan kahit na obvious na si kc ang bkind item ngayon na nagsalita na ang lolit sabay hugas kamay yari sila ni clavio dahil baka naku pagnapatunayan na nagsinungaling silang 2 malamang sa loob ng bilibid puro garapata at ipis sabay bakokang ang makukuha ng 2 shungang eto.
1550 janinejaninejanine
1549 girlash_ever
update naman kanino galit si Mega? kay lolita ba ,hayden, o kay arnold? nasa balita na ba ha?
more comments