news

Lolit Solis clarifies report that she has seen alleged video of Hayden Kho and KC Concepcion

by Eric Borromeo posted on June 3, 2009  STATS: 186661 Views | 1708 Comments

 

Controversial talent manager Lolit Solis talks about the alleged video of KC Concepcion and Hayden Kho, and the sexual harassment complaint filed by Yasmien Kurdi against Baron Geisler.

Photo By: Noel Orsal

Nakapanayam sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ kaninang tanghali, June 3, ang talent manager na si Lolit Solis. May mga naisulat kasi sa ilang tabloid na napanood na raw ng ex-manager ni Dr. Hayden Kho ang diumano'y sex video ng cosmetic surgeon at ng young actress na si KC Concepcion. Pero mariin itong pinabulaanan agad ni Lolit.

"Hindi. Hindi ko napanood, Ogie [Diaz, program host]. Sabi ko nga, 'yon ang ayokong mapanood kung sakali dahil madi-disappoint ako. 'Saka ayokong maniwala dahil hindi kapani-paniwala. Dahil, di ba, si KC, napaka-anong bata... Yung parang may disiplina, nakatapos, naka-graduate ng college. Wala ka talaga na narinig na nagwala siya," umpisa ng kontrobersiyal na talent manager.

"'Saka ang sabi ko nga, si KC, hindi mahilig sa guwapo," patuloy ni Lolit. "Di ba, hindi naman guwapo si Rico Blanco [dating vocalist of the band Rivermaya]? Saka si Lino [Cayetano, film director]. Hindi naman mga kaguwapo, di ba? Si Dr. Hayden naman, kahit na manyakis ang bakla, may itsura. 'Saka hindi ako maniniwalang nandodo'n si KC. Wala. Wala akong napanood."

Ano ang katotohanan na napag-usapan na raw nila ito sa radio program ni Arnold Clavio?

"Hindi," tanggi ni Lolit. "Sabi ni Arnold, nakita daw niya. Sabi ko, baka kamukha lang niya [KC]. Sa totoo, wala akong nakitang ganyan. At ayokong paniwalaan 'yan dahil kilala ko nga ang batang artistang 'yan. Hindi ako maniniwala.

"Kung sakali man, siguro, nabaliw na lang si KC!" biro pa ng talent manager.

Patuloy niya, "Kung sakaling totoo, ayokong panoorin. Parang nakita mong lumaki [si KC]. Parang anak mo na rin 'yan, e. Saka ang dami-dami pa niyang advocacy. Nagpapakain ng mga gutom na bata, nagpupunta sa Mindanao, di ba? Parang hindi totoo."

YASMIEN-BARON ISSUE. Napag-usapan din ang tungkol sa reklamong sexual harassment ng talent ni Lolit na si Yasmien Kurdi laban kay Baron Geisler. May advice ba siyang ibinigay sa Kapuso star?

"Sabi ko kay Yasmien, 'Ikaw naka-experience niyan, hindi ko nakita 'yan. Hindi ko naman alam kung ano ang totoo. Ngayon, kung ano ang nasa puso mo, kung ano ang inaakala mong tama, go!' Siya ang nakaranas nun. Kung talagang nabastos siya, siya lang ang may karapatan, di ba? Kumbaga, kung ano ang makapagpapaligaya sa 'yo. Kung ano ang inaakala mong mabuti...tama, gawin mo.

"Alam mo ngayon, 'pag babae ka, dapat alam mo kung saan ka nakalugar, e. Bilib na bilib ako sa ginagawa ni Katrina [Halili]. Kesehodang hindi na nagtatrabaho, 'ayun siya. Siguro, wala nang kadatungan ang bakla, di ba? Pero tinutuloy-tuloy niya ang laban."

May nagpa-padrino ba sa kanya para maayos ang kaso ni Baron?

"Meron," pag-amin ni Lolit. "Alam naman natin na alaga ni Kuya Maryo de los Reyes si Baron. Naawa ako kay Baron, kumbaga, nagkamali siya nung una. Baka hindi naman gano'n kaano ang image ni Baron. Kung hindi naman ito gano'n kagrabe, ayusin na lang, di ba?

"Pero alam mo si Yasmien, sa lahat ng alaga ko, siya yung pinaka-'kukok.' Yun bang kapag sinasabihan mo, 'pag feeling niya pinipilit mo siya, lumalayo. Yung hindi ka papakinggan. Si Yasmien kasi parang bata, e. Iha-handle mo siya na parang bata rin. Parang, 'Yung nanay ko nga, hindi ko pinapakinggan, siya pa?' Kaya ayokong pilitin, kasi baka kung ano pa ang gawin."

HAYDEN KHO ISSUE. May nakikiusap din ba sa kanya na tigilan na si Hayden?

"Sabi ko nga, kamuntik na talaga akong mapunta sa 'team Hayden,' kasi nga dahil kay Vicki Belo [ex-girlfriend of Hayden]. Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Vicki. Ang talaga lang nakapag-turn off sa akin nung araw na nag-meeting kami... Walang pagsisisi.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1708 Comments

  • 88  bataanmatamit

    06/03/2009 | 06:11 PM
    Kung totoo man ito? Siguro panahon na para ilagay sa tamang kalagyan si Hayden Kho.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 87  pmartin

    06/03/2009 | 06:10 PM
    siyempre kailangan ng ebidensya para maniwala. Pero tandaan natin na si Maricar - isang doktora, napakaganda, wholesome ang dating - may video. Di ko sinasabing malandi si KC pero hindi porket wholesome ang image ay wholesome sa totoong buhay.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 86  bataanmatamit

    06/03/2009 | 06:09 PM
    Nanay Lolit.... ang galing mo talaga. Bilib ako sa 'yo!!!!

    Love u!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 85  lostris

    06/03/2009 | 06:08 PM
    puwede! hindi naman ganun santa si kc katulad ng akala natin. lakas nga mag smoke nyan e.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 84  greenfield_alps

    06/03/2009 | 06:07 PM
    24
    juice_meh
    June 3, 2009
    18:03 PM
    ___

    nag-taka ka pa. tanging istasyon na yan ang bumabaloktot ng katotohanan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 83  greenfield_alps

    06/03/2009 | 06:05 PM
    well. of course deny to death yan lalo na si kc at mega. to the rescue na namn yan ang dos. kung alam lang ninyo.

    simulan na ninyo mag-hananp ng kopya ngayon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 82  juice_meh

    06/03/2009 | 06:03 PM
    ... obvious na obvious headline pa lang panay kartina- hayden. sa GMA hayden lang kasi mat iba pang babae di ba? si kat lang ang lumaban. hay naku...pero hindi nila pinapangalanan. sabagay abs nabubuhay sa mga report about GMA artist kasi yung kanila panay pagtatakip nila. tapos gma wala namang pake sa kanila. hay naku sana mabago na itong ganitong style di ba?! nakaka awa. kaya hirap na hirap kayo noon kay Ted failon eh. kasi feeling ni ted sisiraan sya ng ibang network sa nangyari pero ginawa ba ito ng ibang network di ba hindi?! mag isip isip sana ang nanunuod. kaya ang ama ko nagagalit na sa GMA kasi di man lang daw inaalagaan ang artist nila, open pa rin sila sa lahat ng panig.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 81  greenfield_alps

    06/03/2009 | 06:03 PM
    ayaw ninyong maniwala...pwes ngayon simulan nyo nang maniwala.

    kaloka.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 80  shanvenice

    06/03/2009 | 06:02 PM
    NAKAKA-PUZZLE NAMAN YUNG KAY HAYDEN AT KC. KUNG TOTOO MAN YON, WALANG TAONG MAGLALAKAS NG LOOB NA ILABAS YON DAHIL MALAKAS ANG KAPIT NI KC AT MAIMPLUWENSYA. AT KUNG TOTOO MAN YON...WOW HA, MAY TINATAGO RIN PALANG KULO.
    AT KUNG DI MAN TOTOO YON..PARA ANO AT NILABAS NILA ANG GANITONG BALITA?
    DI NA NIYA KAILANGAN NG ISSUE DAHIL SIKAT NAMAN ITO.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 79  hmmmackhoy

    06/03/2009 | 06:01 PM
    9
    hazelhal
    June 3, 2009
    17:54 PM

    May naniniwala pa ba kay LOLIT SOLIS ? The queen of scams !


    -===========================================
    merom depende sa sinasabi niya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 78  greenfield_alps

    06/03/2009 | 06:01 PM
    totoo talaga na may kc-hayden video na-iforward na nang friend ko sa akin. kaloka si kc di ako makapaniwala sa una mas grabe pa ang eksena niya compare kay maricar. kay katrina di pa nga masyado. maloloka si mega pag napanood niya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 77  chinks

    06/03/2009 | 06:01 PM
    hehehhehehe...maniwala kayo! hindi yan video pero may mga text messages na nakita si belo noon na galing kay KC...ITO ang text...quot; i'm hot and horny where are you? quot; Ganyan ka liberated si KC.Hindi inilabas ni belo yan kasi may respeto sya kay mega. Besides lahat ng babaing na involve kay Hayden sila ang tumatawag at nagtetext para makipag sex sa doctor. Magaling nga kasi!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 76  bigfoot12

    06/03/2009 | 06:01 PM
    di nmn ako fan ni kc pero eto yata ung issue n di ko papaniwalaan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 75  queenkimz

    06/03/2009 | 06:01 PM
    hay naku o lolit sabi na naman ni arnold pero nag bitiw ka nang salita noon na sabi mo may lalabas pa na video na ikakagulat ng lahat dahil hindi mo akalain na magagawa.
    e sino yun si bea?naman nalaman mo lang na nagwawala na si mega kasama si gabby at kiko kaya sabay bawi ka.sabihin mo kay arnold antayin niya pagbalik ni mega at iharap ang video na sinasabi niya.
    wala dito si kc para ipagtangol ang sarili kaya kinakawawa niyo...madaling gumawa ng kwento lalo na kung sikat at walang nakikitang masamang ugali sa tao...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 74  juice_meh

    06/03/2009 | 06:00 PM
    ngek kung mayroon si kc tignan mo kakampihan na agad ng ng ABS si katrina?! not like now support pa nila ang mani ac na eto kahit ba drugs echos eh. ang ginawa nyang pag video ang mali. parang sinabi nila na ok lang mag video basta i claim mo na naka drugs ka. at yung babe nagbibigay sa inyo. now onder GMA never did this thing to them. Pwedeng pwedeng iclaim na si Maricar reyes at Marianna del rio brazilian ay parehong contract artist ng ABS pero di nila ginagawa di ba. eto na lang yung reporter nila dati na si Riki Kwek may mas piggy video yun pero hindi isyu ng GMA look at that. I am not kapuso or something pero look naman. last time naiinis me kay Anthony Taberna nagbitiw pa na huwag maniwala sa laht ngnapapnuod echos ... sinsabi nya na nakakaawa daw si hayden at family nito . yung family nya oo. pero ni si hayden di naawa sa sarili nya eh. hay naku. ano ba yan abs ano pa ba ang gagawin nyong move para hindi kayo mamersonal sa mga isyu at reports nyo obvious na obvious headline pa lang panay kartina- hay
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 73  A_Cross_Between_The_Two

    06/03/2009 | 05:58 PM
    funny lang, if it's true... magkasama pa naman si maricar at kc sa Lovers in Paris.. baka mainggit si Papa P.. hehehe. joke.. peace! _
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 72  majalcoh

    06/03/2009 | 05:57 PM
    tama yan manay lolit ipag laban mo ang mga kalahi ni gabriella silang wag mo pansinin nanay ni hayden at si vicki..ang issue yung about sa video wag ibahin ang issue.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 71  slms324

    06/03/2009 | 05:57 PM
    basta me kontrobersiya, anjan si lolit


    hehehehe.....


    manay tama na, manahimik ka na.


    dahil sa bunganga mo andami mo ng nabangga.


    ikaw rin taga kalat- ikaw rin taga linis...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 70  kcsha

    06/03/2009 | 05:56 PM
    hay nako, basta ako HINDI naniniwala dyan sa sinasabing video na yan kay KC, sinisiraan lang si KC para pumangit ang tingin ng tao sa kanya...


    WE LOVE YOU KC...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 69  apayagamin1

    06/03/2009 | 05:54 PM
    kacheapan ang title ng article.... halatang gustong manira...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About