news

Luis Alandy steps into Mark Gil role in Ngayon at Kailanman TV remake

by Rose Garcia posted on June 6, 2009  STATS: 10013 Views | 24 Comments

 

Luis Alandy doesn't mind being given character roles. "Kahit na kontrabida yung role ko, nabigyan ko ng justice yung role na ginampanan ko. Hindi ko na pinapasok sa utak ko na kailangang bida ako. Naranasan ko na rin maging bida."

 

Photo By: Noel Orsal

Dalawang taon na raw si Luis Alandy bilang isang Kapuso star at nagpapasalamat raw siya na sa loob halos ng dalawang taon, never niyang masasabi na nabakante siya.  Kaya naman nang magkaroon daw siya ng pagkakataon, sinulit na niya ang pagbabakasyon ng less than two months sa States.

Kaya masaya raw siya na sa pagbabalik niya, may panibagong project siyang gagawin, Ngayon at Kailanman, kunsaan siya ang magre-reprise ng dating role ni Mark Gil.  At sa mga nakapanood ng movie version nito, siguradong bawat isa ay magsasabing isa ang role niya sa magmamarka sa bagong afternoon series ng GMA-7.

Kuwento ni Luis tungkol sa role niya: "Because of me, nawala sa amin ang hacienda. Ako yung dahilan kung bakit din... parang napalitan si Heart [Evangelista], or sa movie na natin i-base. Napilitan si Sharon na bumalik sa hacienda para pakasalan si Richard now played by JC de Vera. Parang pinapaano ko sa kanya na siya lang makakatulong sa akin dahil hinahabol na ako ng pinagkakautangan ko."

Napanood lang daw niya ang movie nang malaman niyang kasama siya sa cast at pinadalhan daw siya ng kopya, two weeks pagkagaling niya ng U.S.

HAPPY WITH ROLES. So far, masaya raw siya sa mga character roles na binibigay sa kanya ng network.

"Mas okey sa akin ang mga character roles at saka, tulad dati sa Impostora at La Vendetta, kahit na kontrabida yung role ko, yung ending naman, nabigyan ko ng justice yung role na ginampanan ko.

"Yung mga ganun kasi, hindi ko na pinapasok sa utak ko na kailangang bida ako. Naranasan ko na rin maging bida. Pero with my two years na naka-contract ako sa GMA, limang soap opera na rin ang nagagawa ko."

During their Kapamilya days, nagkasama at nagkasabay na silang dalawa ni Heart at hanggang ngayon nga na pareho na silang mga Kapuso. Hindi ba pumasok sa isip niya na sana, he was in JC's shoes instead na kapatid ni Heart sa Ngayon at Kailanman, na siya sana ang leading man?

"Hindi ko naisip yun, ah," natatawa niyang sabi. "Hindi ko pa naisip actually.  Ako naman, I'm happy for JC kung nasaan man siya ngayon in terms of his career.  Ako, happy naman ako sa career ko... not really support roles, I don't wanna say support roles, pero it is supporting roles kung paano nila tawagin. But, it's more of character roles. 

"I've done naman mga bida-bida sa mga movies. Sa mga special, sa series hindi pa. Pero, kung sabihin nga, never give up on a dream. Kung minsan, gusto ko rin magbida, pero hindi pa ngayon ang panahon siguro, darating din."

MATTERS OF THE HEART. In his last series, Luna Mystika, he was also with Heart, kaya kumportable raw siyang katrabaho ito.

"Kami naman ni Heart kasi, since galing kami sa kabila, nagkakilala na kami ro'n.  At ease kami sa isa't isa kung paano kami mag-usap. Anything under the sun, nasasabi niya. Tapos naaasar ko siya with her ex niya."

Hindi siya na-attract kay Heart?

"Nagagandahan ako sa kanya, pero hindi umabot sa ganoong level na nagkagusto or na-in love. Siguro, crush-crush na medyo bagets pa, bago pa lang siya. Kasi, alam ko, noong time na yun, uso pa ang mga Chinese, Japanese, Korean looks. So, yun..."

Happy naman daw siya sa non-showbiz girlfriend niya na nagtatrabaho sa call center for two years na, although wala pa raw sa plano niya yung pagpapakasal.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

24 Comments

  • 24  flameheart888

    06/08/2009 | 08:27 AM
    ganda ng preview ng bagong show ng GMA
    ngayon at kailanman.. parang pelikula
    ganda talaga gumawa ng GMA hindi kinukuripot ang mga show nila, di tulad ng ABS.. chipipay na chipipay..congrats GMA! sulit ang bayad ko sa Gma pinoy TV..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  elijah_may

    06/07/2009 | 08:04 PM
    he's agood actor.Sana mapansin sya at mbgyan din ng leading role same with Paolo Contis.Pero sa isang banda mas challenging i-portray ang character roles. Kumbaga sa recipe they are the salt and pepper that makes the dish delicious devah!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  asidik

    06/07/2009 | 06:48 PM
    goodluck, Luis Alandy!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  winshill

    06/07/2009 | 02:35 PM
    good actor with rumored dark secrets...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  msTrue

    06/07/2009 | 02:13 PM
    me hawig sila ni piolo pascual.......pero mas magaling umarte si luis di nga lang nabibigyan ng magandang break kahit nandun sya dati sa abs...pero sa gma mas maganda napupuntang roles kahit kontra bida......
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  aimhigh_dreamhigh

    06/07/2009 | 01:49 PM
    haay kontrabida na naman siya? sana bigyan dins iya ng mga bida roles... mukhang pera character niya dito, pero sa ending palang ata mare-reveal na siya yung dahilan kung bakit namatay yung tatay nila... oh well total mega spoiler daw oh =D
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  bumble_bee

    06/07/2009 | 01:21 PM
    Magaling talaga sya and I think ok sya as Marian's leading man sa Darna..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  shellphone

    06/06/2009 | 11:22 PM

    MAgaling syang actor.Goodluck.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  echoserangdaga01

    06/06/2009 | 11:06 PM
    infernez magaling syang umarte, like ko sya. sana alagaan sya ng gma....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  careermuna

    06/06/2009 | 09:16 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  careermuna

    06/06/2009 | 09:13 PM
    love ko na sana more tv roles at movies,..kina CARLOS AGASSI,JAMES BLANCO,JAKE ROXAS,ONEMIG BONDOC,..MATT MNEDOZA,..we miss them,,,.,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  leaf2000

    06/06/2009 | 08:35 PM
    i like him..kita nga na at ease sila ni heart even sa luna mystika...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  kapuso_sosyal

    06/06/2009 | 07:50 PM
    i saw the teaser. parang maganda sya. i see quality in it. hindi ko inabot ung movie eh. sana kasing ganda sya ng mga previous dramaramas.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  pepzie007

    06/06/2009 | 06:44 PM
    kissable pa rin lips mo ha in fair view!!!

    anyways..ggod luck sayo!!!

    isa ka sa mga may K kung mag act...!love you LUIS...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  ike

    06/06/2009 | 05:28 PM
    Glad that he is oncluded in Ngayon at Kailanman. Magaling siyang aktor and I like him and Heart don sa Luna Mystika. May chemistry sila sa roles na he likes the girl a lot but the girl treats him as a friend. I can predict that NAK will be another hit, just like Luna Mystika, for both of them.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • offshore

    06/06/2009 | 05:04 PM
    gentleman indeed!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • akoyisangpinoy

    06/06/2009 | 01:14 PM
    nasa GMA na pala si luis ... fave ko siya dati , goodluck!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • florenz13

    06/06/2009 | 12:30 PM
    gwapo rin!

    sana nga next time i-try sya sa lead role..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • solidaridad

    06/06/2009 | 11:52 AM
    Bakit nga hindi siya mabigyan ng leading role. Guwapo at mahusay umarte. Bakit laging binibigay kina Dennis Trillo and Mark Anthony ang mga leadong roles. Mas magandang lalaki siya at mas mahusay umarte doon sa dalawa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • palengkera

    06/06/2009 | 11:44 AM
    luis alandy is such a well-mannered gentleman.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About