Engaged na ang actress-TV host na si Rica Peralejo sa kanyang boyfriend of 10 months na si Joseph Bonifacio, isang pastor sa Victory Christian Fellowship, kung saan miyembro rin si Rica.
Noong una ay hindi raw pinapansin ni Rica si Joseph kahit na nagkikita na sila sa Victory. Pero noong marinig niya raw itong magbigay ng sermon, humanga siya sa batang pastor hanggang sa pagtagpuin na nga ng Diyos ang kanilang mga puso.
Pagkatapos ng sampung buwan ng kanilang relasyon, nag-propose na nga ng kasal si Joseph sa Sonia's Garden sa Tagaytay at tinanggap naman ito ni Rica.
Sa live guesting ni Rica sa The Buzz last Sunday, June 7, nagbigay siya ng detalye tungkol sa proposal, pati na rin sa kanilang relationship ni Joseph, sa interview ng co-host ng programa na si Kris Aquino.
Inumpisahan ni Kris ang interview sa pamamagitan ng pagbabasa ng text message na ipinadala ni Joseph sa The Buzz para kay Rica.
Ayon sa text message ni Joseph: "Hi sweetheart! It's been a week since you made me the happiest man alive by saying yes. I constantly marvel about the idea that I'm about to marry the girl of my dreams, who's also my best friend. See you later!"
Kris: Bakit, saan kayo pupunta?
Rica: Wala lang.
Kris: You've been together ilang buwan?
Rica: Ten months.
Kris. Okay. At ang ikina-shock ng marami... siyempre, nowadays it is shocking, di ba? Yung as in hindi pa raw kayo nagki-kiss?
Rica: Ah, okay, yeah, hindi pa kami nagki-kiss.
Kris: Sa lips. Siguro naman beso-beso meron.
Rica: Meron. And we hug and we hold each other's hands. Pretty much normal, wala lang kiss and everything.
Kris: Siyempre naman everything else wala, kung kiss nga wala, e. Because he is a pastor?
Rica: Not really. I said this yesterday, when I guested on Wowowee na, he could be a businessman, di ba, kahit ano pa ang trabaho niya. But I would still make the same stand, na I would want to get to that. Kasi marami na rin naman akong pinagdaanan. And I found that it doesn't really work that way, especially for me. I don't condemn people who do that, I don't say that it's the wrong thing. Kaya lang ako, sa lahat ng nagpadaanan ko, I really like to be careful.
Kris: You know that this is the right path to take. Tama, di ba?
Rica: Yes.
Kris: It is in Sonia's Garden [proposal]... anong oras exactly?
Rica: Actually, dapat mga 9 p.m., ready na kami. Mga nine, 9:30, ready na siya. Siyempre, nalaman ko ito after na ng lahat. But I think his brother... Kasi his brother helped him with everything, changed plans. His brother is David... I think you met him already.
Kris: I met him sa bookstore. Kasi ang tagal-tagal ng pilahan. Naawa ako sa kanya kasi ang tagal-tagal niya. Siya yung nagkuwento sa akin. Sinabi niya, "My brother is dating an actress." Sabi ko, 'Who'? "Rica." Oh, your brother is a pastor. Hindi mo pa ina-announce nung time na yun. Tingnan mo, madali akong ka-chika! Sa bookstore lang nakaka-chika na ako. O, tapos?
Rica: Yun pala, yung iba sa engagement, sa proposal, na aside from the one you're going to marry, it's the relationship around you. It's like our friends, our spiritual family, na nag-help talaga sa kanya to prepare everything. Like yung best friend ko, siya yung talagang in charge of all the flowers, ganun. Yung brother naman niya is an artist, so parang siya yung sa designs.
Kris: Painter siya, di ba? O, naalala ko!
Rica: Oo, ang galing ni Ate Kris!






sa pag vvideo type ng proposal..aba is a common thing.. in able to remember a good and wonderful thing that happenend to them .. once in there life. gusto lang nila itreasure ang memories...
bkit wla ba kayo nyan...
bwahahahhhaha... bitter
and I love hearing goodnews from the people I admire and got to know even though they don't know me...esp from ABS-CBN family...
nice
i like her...
congratz RICS
GOD bless
ASK ME TO STAY, sabi mo kay HAZELHAL, itikom na lang nya bibig nya kung wala syang masabing maganda. Kaya lang, parang yong sinabi mo against hazelhal, parang di rin maganda heheh. Parang nilait mo rin si hazelhal?
hazelhal
June 9, 2009
15:17 PM Bakit kailangan i video pa ang pagpropropose? Di naman kaguwapuhan ng boyfriend niya ! Kailangan ba talaga ipakita pa on TV ang video ng pagpropose? Di naman kilala ang BF at di naman nakaka excite. Dapat sinarili na lang nila. Parang OA ang dating !
-----
I respect ur opinion, but ask ko lng ngayon k lng b nakapanood ng proposal? it's their choice to videotape it...
mas maganda nman yung proposal na tinitape kesa mga videoscandals...
we don't have the right to judge their decisions and most of all to judge the people behind that video... its their life...if u don't like it then don't watch it as simple as that...and never say bad to others...
invite ko mga di nagsisimba dito. Magaling na preacher yan si Pastor Joe. Kahit sinong dalaga mapapa inlove sa kanya once he preach, kasi antalino ang man of Godly wisdom talaga.
Si rica, mabait yan. Di yan papansin pagnakikita ko... di tulab ng ibang celeb..
I met you here In California 3x at sobrang bait and down to earth mo. Pati yong brother mo na kasama mo.
Napakabait mo during meet and greet.Sinigurado mo talaga na naentertain mo lahat bago ka umalis.
During the concert game ka rin sa audience. Enjoy lahat sa pagka accomodating mo.
During our dinner wala kang pa-star attitude. Talagang akala mo matagal mo kaming kilala at sobrang bait mo talaga.Goodluck!
God speed....