Meryll Soriano allows ex-husband Bernard Palanca to "borrow" their son

Rose Garcia
Thursday, June 11, 2009 @ 01:52PM  |  27054 views

 

"As much as possible, gusto ko rin silang magkita palagi....Wala namang schedules, kung kailan niya gusto. So, ako naman, sinabi ko sa kanya noong nag-usap kami na anytime na gusto niyang hiramin, that's for him also," says Meryll Soriano about her agreement with  Bernard Palanca for him to spend time with their toddler Elijah whenever he's free.

Photo By: Noel Orsal













Kitang-kita ang kaseksihan ng aktres na si Meryll Soriano nang dumating siya sa screening ng Kamoteng Kahoy, ang ikalawa sa huling entry for Sine Direk na kasalukuyan nang napapanood sa mga sinehan. Ginanap ang screening last Tuesday, June 9, sa Cine Adarna ng University of the Philippines, Diliman, Quezon City.

Character ng isang inang namatayaan ng anak dahil sa pagkalason sa kamoteng kahoy ang ginampanang role ni Meryll sa pelikula. Hindi raw niya ginamit ang pagiging ina niya in real life sa pag-i-internalize sa character niya dahil malayo naman daw ang totoong character niya sa role.

Meryll is a happy mom to Elijah, ang anak nila ng dati niyang asawang si Bernard Palanca. Very proud nga ang aktres kapag ang anak na ang kinumusta sa kanya.

"Ay, naku, napakadaldal! Napakaputi at napaka-guwapo!" bulalas ni Meryll. "Magtu-two [years old] na siya sa August. Nagsasalita na! At parang kailan lang, pinoproblema ko ang [first] birthday niya, poproblemahin ko na naman ang [second] birthday niya. Ang bilis, ano?"

FATHER'S RIGHT. Ayon kay Meryll, sobrang nag-iba ang priorities niya mula nang maging ina siya. Hindi rin daw niya ipinagkakait kay Bernard ang karapatan nito sa anak. Matatandaang naghiwalay sina Meryll at Bernard bago pa man isilang ng aktres si Elijah.

"As much as possible, gusto ko rin silang magkita palagi," sabi niya. "Kasi, ang pangit naman na lumaki si Elijah na...di ba? Okey naman kami ni Bernard, civil. Like, 'Puwede ko ba siyang hiramin?' Ganun. Wala namang schedules, kung kailan niya gusto. So, ako naman, sinabi ko sa kanya noong nag-usap kami na any time na gusto niyang hiramin, that's for him also. 

"Ayoko namang ma-miss out niya. Kapag matagal na nga siyang hindi nagte-text, ako yung, 'Ano kaya, balak ba niyang dalawin? Ang laki na, o nagsasalita na.' Kasi, para sa kanya yun, e."

Pero hindi pa nga lang daw sila umaabot sa puntong puwedeng mag-sleepover ang anak kay Bernard.

"Wala pa kami dun. Dun muna tayo sa hiram. Anong oras tayo uuwi? Saka na yun!" natatawang sabi ni Meryll.

Nakikita naman daw niyang grateful din si Bernard sa pagiging welcome niya bilang ama ng anak nila.

"Oo naman, lahat naman kami sa pamilya. Kasi, kahit bali-baligtarin ko ang mundo, siya pa rin ang tatay. I don't think it will work kung sobrang galit ako at pagkatapos, mararamdaman din ng anak ko.

"Hindi naman ako pinalaki ng nanay ko na ganoon. Never kong narinig ang nanay ko na nagsalita ng masama tungkol sa tatay ko, ever. So, that is a good example for me na i-impart ko rin sa anak ko. Kasi, hindi naman talaga tamang mag-away."

(Si Meryll ay anak ng kapatid ni Maricel Soriano na si Bec-Bec Soriano sa TV host na si Willie Revillame.)

Naibibigay naman ba ni Bernard ang responsibilidad niya sa anak in terms of financial support?

"Nagbibigay siya ng supplies. Mga diapers...ganoon. Pero basically, ako talaga. At saka siyempre, si Papa ko," sabi ni Meryll.           

1  2  Next »

Related Articles

38 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name