news

Family of Ruby Rose Barrameda-Jimenez identifies her remains

by Erwin Santiago posted on June 11, 2009  STATS: 126347 Views | 286 Comments

 

The body of Ruby Rose Barrameda Jimenez (in photo), sister of former actress and beauty queen Rochelle Barrameda, has been identified by her family two years after her mysterious disappearance.

Photo By: Screen grab from gmanews.tv

Kinumpirma ng pamilya Barrameda na ang bangkay na isinilid sa isang drum at isinimento at inilagay sa isang steel box ay kay Ruby Rose Barrameda Jimenez, ang nawawalang kapatid ng dating beauty queen at aktres na si Rochelle Barrameda. Natagpuan ang bangkay ni Ruby dalawang taon matapos ang misteryosong pagkawala niya.

Ayon sa panayam ng GMA News kay Rochelle, natukoy nila na ang bangkay sa loob ng dalawang toneladang steel case ay walang iba kundi si Rochelle sa pamamagitan ng suot nitong khaki na slacks, stripes na shirt, at hikaw. Kinumpirma rin ito ng Philippine National Police Crime Laboratory sa pamamagitan ng dental record ni Ruby. Naiahon ang steel box sa karagatan sa bandang Navotas kahapon, June 10.

Isang impormante raw na nasa custody ng pulisya ang nagturo sa kinaroroonan ng steel case. Ito rin ang nagsabi na bangkay ni Ruby Rose ang nakasilid dito.

Noon pang March 14, 2007 nang mapaulat na nawawala si Ruby Rose. Nag-alok ng P500,000 na reward ang pamilya niya sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan nito. Pinaniniwalaan na dinukot si Ruby sa isang lugar sa Alabang, Muntinlupa.

Nilibot din noon si Rochelle sa iba't ibang TV programs upang manawagan sa kanyang nawawalang kapatid. At pagkatapos nga ng mahigit dalawang taon ay natapos na ang kanilang paghahanap, ngunit hindi nila akalain na ganun ang sasapitin ni Ruby.

Kuwento ni Rochelle, may pangitain na ang kapatid niya kung paano siya mamamatay.

"Naging biruan namin 'yan, e. Biruan namin na, 'Hoy ha, pag mawala si Ate o ako, pag may nakita kayong drum sa ilog o sa dagat, kunin n'yo, baka kami na 'yon," kuwento ni Rochelle.

THE SUSPECTS. Malaki ang paniniwala ng pamilya Barrameda na ang asawa ni Ruby na si Manuel Jimenez III ang nasa likod ng malagim na sinapit ng kapatid. Nasa custody ni Jimenez ang dalawang anak nila ni Ruby.

Nagpupuyos sa galit si Rochelle nang ma-interview siya ng media kahapon pagkatapos matagpuan ang steel case na kinaroroonan ng bangkay ng kanyang kapatid.

"Ang kapal-kapal ng mukha ninyo para sabihing wala kayong alam! Ang kapal ng mukha n'yo! Sana kung anuman ang nararamdaman namin, maramdaman n'yo rin, maramdaman din ng pamilya n'yo!" mariing pahayag ni Rochelle tungkol sa pamilya ng asawa ng kanyang kapatid.

Pero pinabulaanan naman ng abugado ni Manuel Jimenez III na si Mario Aguinaldo na may kinalaman ang kanyang kliyente sa sinapit ni Ruby. Ayon sa abugado, napatunayan daw na walang kinalaman si Manuel sa isinagawang imbestigasyon noon ng National Bureau of Investigation (NBI).

THE ACCEPTANCE. Kaninang umaga, June 11, ay nakapanayam ni Arnold Clavio sa pamamagitan ng telepono si Rochelle sa morning program ng GMA-7 na Unang Hirit.

 "Napakahirap para sa amin. Hanggang ngayon, yung acceptance, mahirap," sabi ni Rochelle nang kumustahin ni Arnold ang kalagayan ng kanilang pamilya pagkatapos nilang matagpuan ang bangkay ni Ruby.

May denial pa ba sa pamilya nila sa sinapit ng kanyang kapatid?

"Hindi na," sagot ng aktres. "Pero we're trying na unti-unting matanggap. Yun na lang ang ipinagdadasal namin, na i-guide niya kami sa laban na ito. Kasi nag-uumpisa pa lang kami ngayon."

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

286 Comments

  • 286  engkantada

    08/24/2009 | 09:33 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 285  mika_irish

    06/19/2009 | 03:00 AM
    tayong mga mamamayan dapat eto ang pag tuunan natin ng pansin, sana magtulong tulong tayo para suportahan ang pamilya ni ruby barrameda nakakatakot isipin na may mga ganitong tao tulad ng mga jimenez, ganun ganun ang pagpapapatay nila sa mga biktima.. mga hayop!
    kainis!
    masusunog din kayo sa impyerno pamilya jimenez! hhmmp!!

    nakikiramay ako sa pamilya barrameda.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 284  khikkai

    06/18/2009 | 02:28 AM
    ito ang dapat bigyang pansin ng gobyerno..di yung mga scandal video na lng lgi inaatupag nila!!! asan na ang mga politikong kakandidato? dito kayo sa kaso na ito mgpasikat no!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 283  aaaaaaaaaa

    06/15/2009 | 05:32 PM
    Di nakakatakot ang mga Jimenz na yan! Dapat ilitson ng buhay para di na pamarisan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 282  ravenathena

    06/15/2009 | 04:50 PM
    nakakatakot ng pamliya jimenez. asan na ba yong senado? gabriella? human rights? bat sa subic rape case at sex scandal ang OA ng media at ng lahat2 pro sa ganitong kaso parang wala lang? natatakot ba sila sa pamilyang jimenez? kung panoorin mo yong interview ni atty. jimenez ii , nakakatakot nya talaga! lang sadness, lang sympathy kahit ganyan na ang nangyari sa daughter in law ya. parang nag hinahamon ya pa yong witness! parang mafia lord siya talaga...kawawa yong mga anak ni ruby..walang ka alam alam. sana makita rin nila mother nila..parang bin brainwash pa sila ng pamilyang jimenez eh...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 281  freevybes

    06/15/2009 | 02:40 PM
    Contrary to what the Jimenez' idiot lawyer wants the public to believe, it was logical for her to be in the compound. I know because I also am in the same situation but recognized the warning signs and left before harm could be done. I am now hiding out until my court case is through. It is logical that her in-laws wanted her close not because they were stupid. By keeping her close, it is a way of GLOATING at someone they despised. I am sure they occasionally dump some trash as a way of snearing and laughing at the fate that befell her. RIP RUby ROse!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 280  nagmamaganda

    06/15/2009 | 10:30 AM
    Paging bong revilla... ngayon ka nakisawsaw.. mas heinous to kasa sa sex video ni katrina na mukhang nag enjoy ka naman sa panonood.. mga kababayan mo sa cavite ang gumawa nito.....ganito din ang nangyari kay bentain di ba??? sinemento din tapos ibinaon sa pampanga... kakatakot naman...kawawa naman si ruby.. tinalo pa nya ang kriminal sa sinapit nya.... mga demonyo lang ang may kakayahang gumawa nito... sana lang magka hustiya sa sinapit nya...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 279  dietherocampo

    06/15/2009 | 05:59 AM
    Hidi matatahimik ang kaluluwa ni Ruby Rose hangga't di sya nabibigyan ng hustisya.
    Panawagan lang po namin mga ordinaryong tao, sana hindi maimpluwensyahan at di masilaw sa pera ang mga pulis at judge nahahawak sa kasong ito..

    Yong judge sa custody ng mga bata, magkano kaya natanggap nyang pera?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 278  simplysinglelizzy

    06/14/2009 | 11:59 AM
    May You Rest In Peace Ruby Rose
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 277  malaguku0403

    06/14/2009 | 11:52 AM
    massasama b tlg ang mga jimenez? grabe nmn cla, may u rest in peace ruby, justice for her
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 276  simplysinglelizzy

    06/14/2009 | 11:42 AM
    May Rest In Peace Ruby Rose.
    Sana Mabigyan ng justice ang pagkamatay mo. How I wish na Assasin ako sa totoong buhay at hindi lang sa online games, para naman mapatay ko na iyong mga jimenez na yan. Pag iisipan ko na lang kaya na maging hired killer para sa mga masasamang tao.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 275  simplysinglelizzy

    06/14/2009 | 11:40 AM
    Paging NPA, Abusayaff, MILF please lang bigyan ng leksyon ang mga jimenez. dapat sila ang kidnap-pen niyo at hindi iyong mga taond inosente or iyong mga civilian na walang ginawang masama sa kapwa.Huwag Umasa sa mga Police at NBI Kasi nababayaran din sila at nasisilaw sa malaking halaga. Recession ngaung at global crisis tayo ngaun , for sure masisilaw din mga police at nbi na yan sa malaking pera.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 274  dietherocampo

    06/14/2009 | 11:20 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 273  MarkLapid

    06/14/2009 | 11:09 AM
    kung may kakilala kayong hitman,NPA or Abu Sayyaf baka mapakiusapan natin na tulungan ang pamilya ni Ruby.kahit konti makatulong tayo di lang kay Ruby Rose pati na rin sa iba pang pinatay nila.
    Bulok ang batas sa Pinas,,baka mabaligtad ang kaso.Aabutin ng taon yan...

    Kailangan itumba ang mga demonyong ito sa lalong madaling panahon!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 272  jeeez

    06/14/2009 | 11:00 AM
    kung naging npa pa ako....ttirahin ko yung kagaya pamilya jimenes at mag kurakut ng bayan....sa atin hindi natin maasahan ang hustisya pag mayaman ang kalaban.....ang aasahan nalng natin ang karma...pero kailan pa kaya...hay! mga demonyo kau....condolence nalng sa barrameda family.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 271  tere0793

    06/14/2009 | 10:41 AM
    sObrang sama naman ng gumawa nito kay rose.
    grabe, sana makarma yung taong gumawa nun...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 270  mjfn0421

    06/14/2009 | 10:05 AM
    dapat managot ang sinuman gumawa ng karumal-dumal na krimen
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 269  MarkLapid

    06/14/2009 | 09:28 AM
    Tama kayong lahat! wala ng pag-asa ang Pilipinas kaya kanya-kanyang sikap na lang tayo..Yang mga politiko ang anay na sumisira sa atin....
    May impormasyon na nagsasabing meron tlagang politiko at police na protector ang mga demonyong Jimenez na yan..Kahit sa Customs office,,nababayaran nila ng pera..

    Sigurado,makulong man yan,,makakalabas din agad..Ang daming kakagat sa suhol..Syempre gaganti yan sa pamilya Barrameda...

    Yong dating helper nila ipinapatay din daw..sana marami pang family victims ang lumabas para mabulgar ang baho ng sindikatong Jimenez...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 268  sosingmasa

    06/14/2009 | 09:09 AM
    Jimenez sounds like heinous. No wonder. Mga demonyo sila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 267  sosingmasa

    06/14/2009 | 09:04 AM
    Oo nga, bakit ang mga balitang tinututukan ng senado sa atin eh walang ka-kwenta-kwentang balita gaya ng sex scandal na para bang pinaka-importante na national issue na. Bakit di nila tuunan ng pansin ang mga corruption sa gobyerno gaya ng lagay-lagay ng mga mayayaman para pagtakpan ang mga gawaing illegal? Kaya tuloy halos lahat na sa atin gusto nang umalis ng pinas kasi the people behind the govt are only concerned abt what comes in their own pockets than doing whats best for the country. Sa totoo lang, I dont think may pag-asa pang makaahon ang pinas dahil sa mga kabulukan ng gobyerno.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About