news

ABS-CBN issues official statement on why young actor Jiro Manio has been axed
by Trisha Alvarez posted on June 13, 2009  STATS: 39059 Views | 556 Comments

ABS-CBN has run out of patience with Jiro Manio and has cut him loose, removing him not only from a top-rated primetime series but also from its roster of talents being handled by Star Magic. In a previous interview with an executive, he talked about Jiro's health problem.

Photo By: Noel Orsal

Ilang linggo pagkatapos ng thanksgiving party ng Tayong Dalawa with the entertainment press, isang nakakalungkot na official press statement ang inilabas ng Corporate Communication ng ABS-CBN headed by Bong R. Osorio tungkol sa isa sa cast members ng top rating primetime teleserye ng Kapamilya network.

Kinumpirma ng ehekutibo ang pag-alis ng multi-awarded young actor na si Jiro Manio sa Tayong Dalawa.  Sa nakaraang thanksgiving party ng Tayong Dalawa ay kalat na ang balitang nagkakaroon ng problema ang produksyon kay Jiro at di malayong tanggalin na sa soap opera.

Nagbigay naman agad ng pahayag ang Business Unit Head ng Tayong Dalawa na si Deo Endrinal sa mga isyung ikinakabit kay Jiro, kabilang na ang  di niya paglitaw sa taping.

"Nung ano yun, hindi pa naman uso ang H1N1 virus.  Hika ang number one na pinagsimulan.  Dumating talaga sa point na hinihika  talaga siya sa set. Nung unang dalawang araw  talagang inatake siya ng hika at saksi  talaga ang mga tao sa set na talagang  major hika. So, kailangan namin siyang pauwiin.

"Tapos pangalawang beses hindi na naman namin siya mai-call dahil sa hika. So, pagkatapos noon kailangan naming patakbuhin yung kuwento. Kailangan na naming gumawa ng paraan dahil hindi makapag-commit ang bata at ang pamilya ng bata kung kailan nila puwedeng ipag-tape yung si Jiro. So, kailangan naming gumawa ng aksyon. Soap opera ito, e. Hindi naman tayo puwedeng maghintay sa isang character."

THE STORY MUST GO ON. "Hindi siya sumipot ng taping dahil may sakit siya.  Oo, yun ang dahilan. Hindi naman namin alam yung... Attitude problem wala dahil bago naman siya nagkasakit, bago nangyari yung period na yun, anim na buwan namin siyang katrabaho at sumisipot siya. On time siya. Never siyang na-late. Happy  kami sa delivery niya."

Bukod d'yan, may intriga rin na nagda-drugs raw si Jiro.

"Hindi ako makakapag-commit kasi hindi ko alam  kung ano siya beyond sa programa. Normal siyang katrabaho. Napakagaling niyang artista. Actually, nahirapan kami kung paano i-exit ang character niya. Nahirapan kami. Ah, pero kinailangan naming gawin para  tumakbo ang kuwento. Otherwise, kung maghihintay kami, walang mangyayari sa amin. Mabibitin  kami at hindi rin tama dahil  maraming ibang artista ang naaapektuhan 'pag nabitin.

"So, minabuti na  lang namin na i-exit ang character ni  Jiro tapos  'pag okey na siya ulit,  yung trabaho kung sakit man yan, kung personal man 'yang problema,  'pag okey na  siya ulit, may opportunity kami na ibalik siya. Pero hindi ko  rin yun maipa-promise kasi istorya nga 'yan, kailangan 'yang tumakbo. Pero sa ngayon habang nag-uusap tayo hindi pa namin pinapatay ang character niya sa script.

"Hindi pa namin siya pinapatay [sa istorya]. Meaning sinasabi ko nga, gusto ko ipangako na aantayin namin siya. Pero kung kinakailangan na, kung sa iigting ng storytelling mo. Pero habang nag-uusap tayo ngayon, kahit  ipabasa ko yung script na lumabas na hanggang  bukas wala pang eksena na pinapatay siya," mga pahayag noon ni Deo kay Jiro.

ABS-CBN OFFICIAL STATEMENT. Narito naman ang nilalaman ng official press statement ng ABS-CBN sa pagkawala ni Jiro sa Tayong Dalawa at pati na rin sa nagha-handle ng career niya na Star Magic.

"Tinanggal na si Jiro Manio sa produksyon ng  Tayong Dalawa,  at hindi na rin siya iri-represent as 'talent' ng Star Magic.

"Narating ang desisyong ito matapos ang maraming pagkakataong ibinigay kay  Jiro upang itama ang ilang maling  gawi at bumalik ang kanyang interes na gampanan ang kanyang role sa nasabing teleserye.

"Nauna rito, nakausap si Jiro ng Star Magic upang pag-usapan ang problemang kanyang pinagdadaanan. Nangako siya na babalik sa pagtatrabaho. Ito ay hindi niya tinupad at patuloy ang hindi niya pagsipot sa kanyang taping.

"Mahusay na artista si Jiro at nakapanghihinayang ang kanyang pagkawala sa Tayong Dalawa, pero kailangang bigyan ng tamang leksyon ang ganitong 'unprofessional at irresponsible behavior.'"

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

556 Comments

  • 556  sanagbulan

    04/02/2010 | 01:57 AM
    wow
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 555  sanagbulan

    04/02/2010 | 01:57 AM
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 554  alphabet01

    07/07/2009 | 05:05 AM
    I often see Jiro Manio around, he lives 2 blocks from my house. I say he hangs with people from the wrong side of the track, usually makes quot;TAMBAYquot; sa kanto late at night til wee hours doing u know what.. with crackheads = Sayang na bata.

    Jiro choose people to befriend.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 553  marina28

    06/16/2009 | 10:46 PM
    It does not make sence.

    Sabi ni Deo Edrinal eh becauseo of ASTHMA or hika daw kaya inalis si Jiro sa soap. Because of hika kaya laging absent si Jiro sa shooting and since the soap need to go on eh they decided na tanggalin na lang muna si Jiro....

    PERO bakit iba and statement ng ABS? Sabi ng ABS, I quote, -narating ang desisyong ito matapos ang maraming pagkakataong ibinigay kay Jiro upang itama ang maling gawi at bumalik ang kanyang interes ng gampanan ang kanyang role sa teleserye.= Kung totoo na hika lang ang issue eh kailan naging MALING GAWI ang hika?

    I remembered, pati yung dialoque ng tatay ni Jiro na umalis na raw ng bahay nila si Jiro at nagsosolo na dahil ayaw na daw pasaway sa tatay.

    Dahil ba yun sa hika? Malakas ang mga blind items na its becuase of drugs daw kaya naloloko ang batang ito. Naku sana magbago na sya agad at sayang ang talent at future nya. Hindi pa naman sya guwapo, magaling lang umarte.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 552  an2ni

    06/15/2009 | 08:37 AM
    may nagsabi dito na cheap daw ang effects ng gma? hello! mas cheap kaya ang abs! as in halata! hahaha.....pwede wag i-compare! at ang issue dito si jhiro hindi effects ng network! kakatawa!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 551  missworld

    06/14/2009 | 10:23 AM
    Nakapanghihinayang ang pagkawala ni Jiro sa TD. Mukhang may problema ata sa Pamilya ung bata. I heard sa statement nung father niya sa SNN, quot;hindi baling hindi na niya ako ituring na amaquot; or something, umalis na din si Jiro sa bahay nila, e san na xa nakatira ngayon. Kung wala na xang work at pinabayaan na din ng Star Magic at lumayas na din sa kanila, paano na e2 mabubuhay. Kawawang bata. Sayang magaling pa nmn siyang artista at cute pa ha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 550  cyber_explorer07

    06/14/2009 | 02:03 AM
    TOP 10 DAYTIME AND PRIMETIME PROGRAMS IN MEGA MANILA
    June 10, 2009; AGB Nielsen

    Here are the Top 10 daytime and primetime programs on June 10 based on the overnight survey of AGB Nielsen Philippines among Mega Manila households:

    Daytime:

    1. Dapat Ka Bang Mahalin? GMA-7 - 25.3
    2. Eat Bulaga GMA-7 - 23.4
    3. Ngayon at Kailanman GMA-7 - 21.7
    4. Boys Over Flowers ABS-CBN - 20.7
    5. Daisy Siete GMA-7 - 18.5
    6. Hole in the Wall GMA-7 - 16.5
    7. Wowowee ABS-CBN - 16.7
    8. Kambal sa Uma ABS-CBN - 14.8
    9. Hotshot ABS-CBN - 14;
    10. Precious Hearts ABS-CBN - 11.8

    Primetime:

    1. May Bukas Pa ABS-CBN - 33.5
    2. Tayong Dalawa ABS-CBN - 32.8
    3. Zorro GMA-7 - 31.7
    4. Only You ABS-CBN - 30.6
    5. Totoy Bato GMA-7 - 28.8
    6. 24 Oras GMA-7 - 28.4
    7. TV Patrol ABS-CBN - 26.3
    8. Adik sa ‘Yo GMA-7 - 26.1
    9. One Liter of Tears GMA-7 - 21.4
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 549  bongmanyak

    06/14/2009 | 01:49 AM
    number one tayong dalawa
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 548  annabel_galvante

    06/14/2009 | 01:36 AM
    kung talagang tinanggal na si jiro, ang palalabasin sa tayong dalawa ay: mawawala na lang siya at magtatago. tapos, di ba siya ang nakapag video ng confession ng tatay niyang si stanley habang kausap si anita linda? well, pagkatapos kausapin ni stan si jr, aalis ito at naiwan ang cellphone na may video ng confession. since wala na si jiro, palalabasin na may makakapulot ng cellphone at doon makikita ang confession ni stanley. at doon na din malalaman ang totoo. di ba nga kasi, pahahabain ang story para umabot hanggang august? iyon lang po.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 547  lifeisgood2008

    06/14/2009 | 01:00 AM
    Tayong Dalawa rules!! Jiro/Stan bumalik ka na please bago matapos ang teleserye.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 546  clarisse_dawn

    06/14/2009 | 12:02 AM
    and one more thing,
    atleast ang ABS-CBN
    binibigyan ng break ang lahat
    ng talents nla, e ang GMA?
    nung sumikat si Angel Locsin dati,
    halos lahat ng projects kanya.
    ngayon, si Marian? nakakasawa na..
    tska, gz2ng gz2 ng GMA ng away,
    tama bang gawing Darna si Marian?
    nakatatak na sa lahat na sa panahon
    ngaun si Angel ang nagiisang
    Darna. Marian-lovers/GMA-fans hate me, that's my opinion
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 545  clarisse_dawn

    06/13/2009 | 11:58 PM
    GO ABS-CBN!
    Alam naman ng lahat na
    kau ang number 1,
    Mahahalata naman na
    cheap ang GMA, i-base nalang
    sa mga effects. eew.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 544  talunangabs

    06/13/2009 | 11:16 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 543  purplewind

    06/13/2009 | 10:14 PM
    kwawa nman cya,,anyway hes too young,,maybe he needs the normal life of a teenager,,he started to work too early,,sometimes its the parents fault of ones complexities,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 542  cagayan

    06/13/2009 | 10:04 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 541  mycomment

    06/13/2009 | 09:23 PM
    cguro khit ilagay lang ng pep ung ABS-CBN vs GMA, khit wlang ibang isulat, babaha ng comments d2... harharharhar...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 540  dospoako

    06/13/2009 | 09:15 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 539  PEP_Webmaster

    06/13/2009 | 08:49 PM
    commencing rundown on this article. posters who used excessive spaces have been warned before. any reports on other commentators will be greatly appreciated. once we have the data, we will remove--and if ever, ban--the offenders.

    thanks.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 538  monkeydoggiedoggie

    06/13/2009 | 08:47 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 537  matetdionusa

    06/13/2009 | 08:31 PM
    BTW...he is good but he wasted his opportunities....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About