news

ABS-CBN issues official statement on why young actor Jiro Manio has been axed
by Trisha Alvarez posted on June 13, 2009  STATS: 39161 Views | 556 Comments

ABS-CBN has run out of patience with Jiro Manio and has cut him loose, removing him not only from a top-rated primetime series but also from its roster of talents being handled by Star Magic. In a previous interview with an executive, he talked about Jiro's health problem.

Photo By: Noel Orsal

Ilang linggo pagkatapos ng thanksgiving party ng Tayong Dalawa with the entertainment press, isang nakakalungkot na official press statement ang inilabas ng Corporate Communication ng ABS-CBN headed by Bong R. Osorio tungkol sa isa sa cast members ng top rating primetime teleserye ng Kapamilya network.

Kinumpirma ng ehekutibo ang pag-alis ng multi-awarded young actor na si Jiro Manio sa Tayong Dalawa.  Sa nakaraang thanksgiving party ng Tayong Dalawa ay kalat na ang balitang nagkakaroon ng problema ang produksyon kay Jiro at di malayong tanggalin na sa soap opera.

Nagbigay naman agad ng pahayag ang Business Unit Head ng Tayong Dalawa na si Deo Endrinal sa mga isyung ikinakabit kay Jiro, kabilang na ang  di niya paglitaw sa taping.

"Nung ano yun, hindi pa naman uso ang H1N1 virus.  Hika ang number one na pinagsimulan.  Dumating talaga sa point na hinihika  talaga siya sa set. Nung unang dalawang araw  talagang inatake siya ng hika at saksi  talaga ang mga tao sa set na talagang  major hika. So, kailangan namin siyang pauwiin.

"Tapos pangalawang beses hindi na naman namin siya mai-call dahil sa hika. So, pagkatapos noon kailangan naming patakbuhin yung kuwento. Kailangan na naming gumawa ng paraan dahil hindi makapag-commit ang bata at ang pamilya ng bata kung kailan nila puwedeng ipag-tape yung si Jiro. So, kailangan naming gumawa ng aksyon. Soap opera ito, e. Hindi naman tayo puwedeng maghintay sa isang character."

THE STORY MUST GO ON. "Hindi siya sumipot ng taping dahil may sakit siya.  Oo, yun ang dahilan. Hindi naman namin alam yung... Attitude problem wala dahil bago naman siya nagkasakit, bago nangyari yung period na yun, anim na buwan namin siyang katrabaho at sumisipot siya. On time siya. Never siyang na-late. Happy  kami sa delivery niya."

Bukod d'yan, may intriga rin na nagda-drugs raw si Jiro.

"Hindi ako makakapag-commit kasi hindi ko alam  kung ano siya beyond sa programa. Normal siyang katrabaho. Napakagaling niyang artista. Actually, nahirapan kami kung paano i-exit ang character niya. Nahirapan kami. Ah, pero kinailangan naming gawin para  tumakbo ang kuwento. Otherwise, kung maghihintay kami, walang mangyayari sa amin. Mabibitin  kami at hindi rin tama dahil  maraming ibang artista ang naaapektuhan 'pag nabitin.

"So, minabuti na  lang namin na i-exit ang character ni  Jiro tapos  'pag okey na siya ulit,  yung trabaho kung sakit man yan, kung personal man 'yang problema,  'pag okey na  siya ulit, may opportunity kami na ibalik siya. Pero hindi ko  rin yun maipa-promise kasi istorya nga 'yan, kailangan 'yang tumakbo. Pero sa ngayon habang nag-uusap tayo hindi pa namin pinapatay ang character niya sa script.

"Hindi pa namin siya pinapatay [sa istorya]. Meaning sinasabi ko nga, gusto ko ipangako na aantayin namin siya. Pero kung kinakailangan na, kung sa iigting ng storytelling mo. Pero habang nag-uusap tayo ngayon, kahit  ipabasa ko yung script na lumabas na hanggang  bukas wala pang eksena na pinapatay siya," mga pahayag noon ni Deo kay Jiro.

ABS-CBN OFFICIAL STATEMENT. Narito naman ang nilalaman ng official press statement ng ABS-CBN sa pagkawala ni Jiro sa Tayong Dalawa at pati na rin sa nagha-handle ng career niya na Star Magic.

"Tinanggal na si Jiro Manio sa produksyon ng  Tayong Dalawa,  at hindi na rin siya iri-represent as 'talent' ng Star Magic.

"Narating ang desisyong ito matapos ang maraming pagkakataong ibinigay kay  Jiro upang itama ang ilang maling  gawi at bumalik ang kanyang interes na gampanan ang kanyang role sa nasabing teleserye.

"Nauna rito, nakausap si Jiro ng Star Magic upang pag-usapan ang problemang kanyang pinagdadaanan. Nangako siya na babalik sa pagtatrabaho. Ito ay hindi niya tinupad at patuloy ang hindi niya pagsipot sa kanyang taping.

"Mahusay na artista si Jiro at nakapanghihinayang ang kanyang pagkawala sa Tayong Dalawa, pero kailangang bigyan ng tamang leksyon ang ganitong 'unprofessional at irresponsible behavior.'"

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

556 Comments

  • 296  bloosompink

    06/13/2009 | 04:09 PM
    jojolito tanong mo sa mga underpaid at cheap talent fees ng mga artist nyo, sabagay starlets nga naman hahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 295  dospoako

    06/13/2009 | 04:09 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 294  mango_07

    06/13/2009 | 04:08 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 293  jojolito1000

    06/13/2009 | 04:05 PM

    oo nga. ano ba kinalaman ni jiro manio sa kung ilang taon na ang TV network. hahaha.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 292  mango_07

    06/13/2009 | 04:05 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 291  shakshark

    06/13/2009 | 04:04 PM
    watevah

    hi din!hehehe...
    sayang..sinabhan pa nmn kitang engoot dun akso binabawi ko na..
    nasasaktan si kapamila4rever para sayo..hehehe
    joke joke lng nmn yun
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 290  callcentergirl

    06/13/2009 | 04:02 PM
    deceiving kasi.. 2 na naloko si sharkshark at si joreine.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 289  callcentergirl

    06/13/2009 | 04:00 PM
    si sharkshark utak dilis.. ay hindi utak pandaca pygmea.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 288  christianmikko

    06/13/2009 | 03:59 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 287  blackspear01

    06/13/2009 | 03:57 PM
    so that's the reason why hindi siya masyado nagpapakita sa TD scenes aside from those phone calls to ramon and JR.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 286  callcentergirl

    06/13/2009 | 03:57 PM
    wala naman nkiki-argue na di kayo 59 years eh.. basta 3rd tv station lang kayo. tapos. epal talaga tong si jiro no? kelan pa nauna ang 3rd sa first?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 285  jojolito1000

    06/13/2009 | 03:56 PM

    maliit siguro talent fee na binibigay kay jiro kaya hindi na sumisipot sa taping.
    hehehe.

    tapos tipid pa sa pagkain ang taping ng dos kaya talagang hihikain ang bata.
    hahaha.

    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 284  abs4everfan

    06/13/2009 | 03:56 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 283  shakshark

    06/13/2009 | 03:53 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 282  franchescaryanne

    06/13/2009 | 03:52 PM
    266
    beaches_wells
    June 13, 2009
    15:41 PM

    haha! natamaan k b? READ or rather UNDERSTAND my post... did i SPECIFICALLY mention either kapuso or kapamilya?? i was referring to FANS in general. lols. bato bato sa langit ang tamaan... hindi nakailag. rofl. next tym INDINDIHIN mo muna bago ka mgreact. hahaha.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 281  callcentergirl

    06/13/2009 | 03:51 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 280  talunangabs

    06/13/2009 | 03:50 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 279  watevah

    06/13/2009 | 03:49 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 278  dospoako

    06/13/2009 | 03:48 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 277  callcentergirl

    06/13/2009 | 03:46 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About