Quark Henares (inset) used to go out for coffee with Katrina Halili, whom he directed in Super Noypi, and he feels sorry for what she's been through, but after filing charges naming his mother Dr. Vicki Belo (main photo) as an accessory to the crime, he feels she's gone too far in seeking justice. "Suddenly, because you all have the sympathy... then suddenly, you have the right on attacking people? You don't have the right."

 

Photo: Noel B. Orsal (Vicki), Mark Pimentel (Quark)

Finally, Dra. Vicki Belo's son speaks up about his mother. Ito ay kaugnay ng  pag-file ng complaint ni Katrina Halili kamakailan sa apat pang itinuturing na accessory sa sex video nila ni Hayden Kho na na-upload sa Internet.

Ayon kay Direk Quark Henares, panganay na anak ni Vicki, nagulat at hindi nila akalain na maging ang kanyang ina ay gagawing "accessory to the crime" gayong sa paniniwala nila, ito ay isa ring biktima.

"Apektado na nga siya... I mean, of all people, siya na nga yung throughout the six months of ano, siya yung, she's been crying about it. First of all, she was betrayed, then, biglang naging public circus.  Nalaman niyang may video siya and everything at pagkatapos ngayon, siya pa ngayon ang mastermind. So, it's very, parang very sad..."

NO RIGHT TO ATTACK. Sina Direk Quark at Katrina ay minsan nang nagkasama sa isang pelikula. Si Direk Quark ang director ng Super Noypi kunsaan kasama si Katrina. Itinuturing daw niyang kaibigan ang young actress.

"Katrina is a friend. I directed her at Super Noypi. After that, we had coffee a few times. I never thought that she would do this. Yun nga, as much as I feel for her. I really feel bad for Katrina. I really feel sorry for her but that doesn't mean... suddenly, because you all have the sympathy, you all have this... then suddenly, you have the right on attacking people? You don't have the right.

"Especially si Doktora... siya nga yung ano... parang she knows how it is to be talked about by the public, to be picked on."

Hindi nga raw maiwasan ni Direk Quark na sumama ang loob kay Katrina.

"For Katrina, yes.  And if you notice, Katrina is a Flawless endorser and my mom is a part of Flawless. I mean, after everything Katrina did to her, parang sinabi pa niya na, okey, let's leave the past with the past. Let's make her an endorser of Flawless.

"I think, it's kinda sad, ikaw na nga aggressor, I mean, you're the person who took someone's boyfriend away and then now, you'll gonna do this? It doesn't look good."

TRIED TO SELL VIDEO. On the other hand, inamin naman ni Direk Quark na kilala nga raw niya ang ibang mga taong itinuro na accessory to the crime na sina Dr. Herbert "Bistek" Rosario and Eric Chua.

"Actually, si Bistek, kaibigan ko 'yan noong high school pa. Si Eric naman, inamin niya sa akin before, we saw each other sa isang bar at sinabi niyang, 'Pare, sinubukan kong i-offer 'yan before sa ABS-CBN, they offered me P200,000 lang.'

"So, sinabi niya sa akin, so, parang sinasabi niyang hindi ako ang naglabas nun, sinubukan kong ibenta sa ABS. Inamin niya sa akin, so, siyempre, kilala ko si Eric, college pa."

Inamin din ni Quark na may communication pa rin talaga sina Hayden at Dra. Belo.

"Yes they are. They are very close."