John Lloyd Cruz on Ruffa Gutierrez: "Magkaibigan lang kami. Tapos."

Roldan Castro
Tuesday, June 16, 2009 @ 12:30AM  |  184050 views

 

"When love happens to a person, wala ka namang choice. Kahit na may naging asawa pa 'yan, may naging anak pa 'yan, kumbaga, hindi naman judgmental ang love, e. Yung buong pagkatao ng taong yun ang tatanggapin mo," says John Lloyd Cruz.

 

Photo By: Noel Orsal













Marami ang nakapansin na malungkot at maluha-luha si John Lloyd Cruz sa birthday presentation niya sa ASAP '09 noong Sunday, June 14. Dala ba yun na tumanda siya ng isang taon—he will turn 26 on June 24—o talagang may pinagdadaanan siyang problema?

Ilang araw kasi bago ang birthday celebration ni John Lloyd ay hinamon siya ni Annabelle Rama na aminin sa publiko ang tunay na nararamdaman niya para sa anak niyang si Ruffa Gutierrez. Si John Lloyd ang sinasabing dahilan ng pag-alis ni Ruffa sa kanilang tahanan sa Dasmariñas Village, Makati City. (Click here to read related article.)

"Birthday blues lang yun," sagot ni John Lloyd.

Pero halatang malungkot ang mga mata ng aktor nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa rehearsal ng Star Magic World Concert Tour last Sunday, June 14.

NO BIRTHDAY CELEBRATION. Wala raw balak si John Lloyd na i-celebrate ang birthday niya. Gusto niya ay dumaan na lang ito. Sa June 23 ang dating niya sa Los Angeles at kaarawan na niya the following day.

"This year, lilipas lang  talaga ang birthday ko. Wala akong major plans. So, 'ayun, dun ako magbi-birthday. Then, [June] 25,  punta na ako sa Ontario [Canada] para dun sa show. Kasi may rehearsal, may blocking pa kami dun," sabi niya.

Iniintriga na ngayon na magkikita sila ni Ruffa sa L.A. dahil papunta rin ang actress-TV host doon sa panahong nandoon din si John Lloyd.

"Bakit naman hindi?" rason niya. "I mean, why not kung makita ko siya? Ang talagang kikitain ko ay yung mga kaibigan ko. Pero siyempre, meron kaming medyo the same group of friends in L.A. Pero may sarili siyang lakad dun at parang may party siya para sa Roof A Child Foundation.

Kung may gift siyang gustong matanggap galing kay Ruffa sa birthday niya, ano yun?

"Wala. Sabi ko nga, wala ako sa mood mag-celebrate. Wala talaga akong hinihiling talaga ngayon, e. I'm not even expecting a party for myself. A simple text message on the day of my birthday from the three of them [Ruffa, Bea Alonzo, Sarah Geronimo], yun lang masaya na ako. The fact na naalala nila ako sa birthday ko, okey na yun," malaman niyang pahayag.

What about kay Annabelle?

Tumawa muna si John Lloyd bago sumagot. Aniya, "Wala... Wala akong ini-expect from her. Unang-una, hindi naman kami close. Bakit naman niya ako reregaluhan?"

Ano naman ang ireregalo niya kay Ruffa, na ka-birthday niya sa June 24; although she is turning 35?

"Tingnan ko," sagot ni John Lloyd. "Punta ako sa States, baka may mahanap ako dun.

"Shoes? Tingnan ko. Sinukat ko sapatos nun, e! Kasya sa akin!" natatawang sabi ng aktor.

1  2  3  Next »

Related Articles

550 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name