Puspusan na ang ginagawang pagsasanay ng aktres na si Marian Rivera para sa fight scenes at paglipad niya bilang bagong Darna sa telebisyon.
Ayon sa panayam ni Lhar Santiago kay Marian para sa 24 Oras ng GMA-7, wala na raw nararamdamang kaba ang aktres, lalo na ang paglipad sa tulong ng harness.
"Mahilig kasi akong sumakay sa mga rides, e. Yung mga harness, medyo nae-enjoy ko siya. Parang hindi ko naisip na, 'Ay, kailangan kong gawin 'to para sa training.' Parang nae-enjoy ko lang siya habang tumatagal," paliwanag ni Marian.
Nakadagdag din sa excitement ni Marian nang malaman niya kung gaano kaganda ang itatakbo ng Darna. Dito kasi muling mapapanood ang mga classic villains ni Darna; gaya ng Babaing Impakta, Babaing Lawin, Babaing Tuod, Babaing Linta, at ang Babaing Ahas na si Valentina.
Ang mga nabanggit na mga karakter ay nagampanan na noon ng ilan sa mga respetadong aktres gaya nina Gloria Romero (Babaing Impakta), Liz Lorena (Babaing Lawin), at Celia Rodriguez (Babaing Ahas) sa Lipad, Darna, Lipad ni Vilma Santos noong 1973.
Ayon kay Marian, "As in hanggang magsimula siyang mag-Darna, alam ko napakarami pang istoryang mangyayari at mga kanunu-nunuan pa kung saan nanggaling yung bato, alam ko, ilalatag din 'yan, e."
Pinupuri rin halos lahat ng makakita kay Marian sa training dahil sa husay ng kanyang kilos at ganda ng kanyang tindig.
"Kaya po nagte-training ako ng wushu para at least kahit action siya, may pagka-babae pa rin yung dating niya," sabi ng aktres.
Makakatambal ni Marian sa Darna ang isa sa top leading men ng Kapuso network na si Mark Anthony Fernandez, na gaganap bilang Efren. Samantalang magiging reunion naman ni Marian ito sa child aktor na si Robert "Buboy" Villar, na gaganap bilang sidekick ni Darna na si Ding. Unang nagkasama sina Marian at Buboy sa Dyesebel.
"Kaya excited din akong makasama kasi na-miss ko si Buboy, lalo na yung tandem naming dalawa," sambit ni Marian.
Si Marian ang pang-labing-isang aktres na gaganap na Darna sa isang full-length movie or TV series. Nauna na sa kanya sina Rosa del Rosario sa Darna (1951) at Darna at ang Babaing Lawin (1952); Liza Moreno sa Si Darna at ang Impakta (1963) at Isputnik vs. Darna (1963); Eva Montes sa Darna at ang Babaing Tuod (1965); Gina Pareño sa Darna at ang Planetman (1969); Vilma Santos sa Lipad, Darna, Lipad! (1973), Darna and the Giants (1973), at Darna vs The Planet Women (1973), at Darna and Ding (1980); Lorna Tolentino sa Darna (TV series, 1977); Rio Locsin sa Bira, Darna, Bira (1979); Nanette Medved sa Darna (1991); Anjanette Abayari sa Darna, ang Pagbabalik (1994); at Angel Locsin sa Mars Ravelo's Darna (TV series, 2003).
Si Marian pa lang ang ikalawang aktres na makakaganap sa dalawang klasikong Pinoy comics characters na sina Dyesebel at Darna. Ang unang nakagawa nito ay ang Star For All Seasons na si Vilma Santos.






kahit busy ako sa buhay ko di ko pinaplampas si MR, part na xa ng life ko...
goodluck MR..am xcited na sa DArna..
tsak isa p parang ang arteng pakinggan ung tagalog kausap mo tapos pa english english k.tsaka totoong tao kc cya at d maarte.yon lang yon.at huwag nyo n problemahin kung d cy lagi nagsasalita s english
Soar Higher Yummy Darna.
tess_29simply
pretty
June 19, 2009
09:31 AM now i wonder......marunong ba talaga mag english c marian? he he he he! just asking! kht kailan hnd ko cya narinig mag english....
______________________________________
Hindi na importante kung marunong syang mag english o hindi. Who cares? Do you? We her legions of fans surely DONT! So why would you?
Importante marami syang napapasaya. Yung makabsa nga lang ng artikulo tungkol sa kanya eh masaya na ang mga fans nya yun pang mapanood sya at makita. Importante sa kanyang maraming taga hanga eh totoo syang tao. At multi talented. Yan lang ang mahalaga.
Ngayun kung namumrunblema kau eh hindi na kasalanan ni Marian yun. Problema nyo yan. He he he hehe!!!
Marian,bagay sa iyo ang Darna!
Keep it up!
Kapuso rocks!
naku hwg na patulan ang mga yan! ang hahambog akala mo sila ke gagaling mgenglish..pwede ba? tama comment mo my dear..dito sa america ang daming pinoy na naburo na ng ilang decada ni hindi pa din makapag-english no!!! america na ito ha? kya tigilan ako ng m ga bitter na iyan..wla na kasi maipintas kay marian kya kung ano-ano nanaman gusto ibato!!!
Pati ba namang kung nag eenglish si Marian or nagtagalog affected kayo? hahaha
Mga tagahanga nga hindi. Bakit si Nora Aunor nag eenglish ba noong kasikatan nya as superstar? Bakit si Vilma Santos nag eenglish ba as Star For All Season ng kasikatan nya? Bakit si Juday nag eenglish ba? Si Maricel Soriano nag eenglish ba? hahaha
Kung tanungin ng str8 english si Angel could she answer also in str8 english? Sagot hindi, malamang taglish hahaha.
Kaya tigilan nyo na yang pasosyal nyo si Echo nga english ng english mali mali grammar. hahaha
if ur saying that marian is a copy cat darna of angel, eh para mo na rin sinabing si angel ay copy cat darna of vilma santos, hehe! medyo kulang sa pag-iisip itong si mismogizmo. siguro di rin ito nakapagtapos ng pag-aaral katulad ng idol nya.
bakit kaya ang ibang tao dito napaka big deal ang pag english ni marian.... hoy di lang jan makikita kung may utak ang isang tao.... sa pagsasalita ng english... mas gusto ko na c marian kesa naman sa iba pinipilit mag english mali naman... mas maganda na tangkilin natin ang sarili natin wika....
go go go DARNA!!!! lipad