news

Jackie Rice: "Wala po akong boyfriend. Wala rin po akong ka-live in."

by Glen P. Sibonga posted on June 18, 2009  STATS: 25685 Views | 39 Comments

 

"Gusto ko lang lahat ng ginagawa ko may pagbabago. Ayoko naman yung palagi na lang ganyan. Every project gusto ko, iba. Like yung sa Tadyang, mother role na yung ginawa ko. Sa Dyesebel, parang sinira ko yung tiwala sa akin ni Alfred [Vargas], parang naging balimbing ako. Mabait tapos masama. Tapos dito sa Aagawin at saka sa men's magazine, iba naman yung ipapakita ko," says Jackie Rice.

Photo By: Noel Orsal

Masaya ang StarStruck 3 Ultimate Female Survivor na si Jackie Rice na nabigyan siya ulit ng project ng GMA-7 pagkatapos ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Kasali siya sa cast ng bagong handog ng Sine Novela, ang Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin, na mapapanood na simula sa June 22. Kasama rito ni Jackie sina Patrick Garcia, Maxene Magalona, Glaiza de Castro, JC Tiuseco, Jackie Lou Blanco, Nonie Buencamino, Emilio Garcia, Joanne Quintas, Rich Asuncion, Jace Flores, at Lovely Rivero.

Ano ba ang role ni Jackie sa Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin?

"Ako po rito si Mercedita Andrada, kapatid po ako ni Maxene. Bata pa po kami nang ampunin kami ni Tito Nonie Buencamino kasi hindi sila magkaanak ni Tita Jackie Lou. Kung gaano po kami ka-close kay Tito Nonie, galit naman sa amin si Tita Jackie Lou. Pero magkakaanak din po sila, si Glaiza.

"Noong una po, inaaway kaming dalawa ni Maxene ng half-sister namin na si Glaiza dahil naiingit siya sa amin, kasi feeling niya, mas mahal kami ni Tito Nonie. Lagi niyang ipinamumukha sa amin na mga ampon kami. Hanggang sa magdalaga na kami ay si Glaiza pa rin ang kontrabida sa buhay namin. Pero may mangyayari po na magiging magkakampi kami ni Glaiza against Maxene.

"Abangan po n'yo yung mga mangyayari kung bakit pati kaming magkapatid talaga, si Maxene, ay magkakaroon din ng conflict sa isa't isa," paglalarawan ni Jackie sa kanyang role nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin na ginanap kagabi, June 17, sa 17th Floor g GMA Network.

NOT A BAD GIRL. Marami ang nanghihinayang kay Jackie Rice dahil isa talaga siya sa may potential sa mga alumni ng StarStruck, pero tila hindi umuusad ang career niya dahil balitang may attitude problem daw siya. Nabalita rin na kinastigo siya ng GMA-7 dahil dito. Ano ba ang katotohanan tungkol dito?

"Hindi po ako na-suspend o pinarusahan o kung anuman. Wala pong katotohanan yun," paglilinaw niya. "Bago po itong Kung Aagawin, may Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, at bago pa ito ay may Dyesebel pa ako. Hindi naman po ako nawawalan. Wala lang sigurong naibibigay na tamang project for me."

Ano ang masasabi niya na may mga tao na ang impression sa kanya ay bad girl siya?

"Naku, mas lalo na ngayong nag-pose na ako for a men's magazine, baka mas lalong maging masama yung tingin nila! Hindi, hindi po ako bad girl. Siguro noong dati may mga nagawa lang akong mali, na ngayon mas natuto ako. Binigyan ako ng leksiyon ng network, yun po," sabi niya.

Isa nga sa career move ni Jackie ngayon ang pagpayag niyang magkaroon ng sexy pictorial para maging cover girl sa July issue ng isang men's magazine. Paano siya napapayag na magpa-sexy?

"Gusto ko rin pong mag-try din ng paiba-iba. Wala akong nakikitang masama. Gusto ko kasi natututo ako, e."

Gaano siya ka-sexy rito? Nag-two-piece ba siya?

"Siyempre, dapat bumili na lang kayo ng copy para makita n'yo. Basta ibang klase ito. First time ko pa lang ginawa ito kaya abangan n'yo. Daring po."

Ano ang ginawa niya in preparation sa kanyang sexy pictorial?

"Nag-diet po. Gym. Minsan nga hindi na ako kumakain, e. Buti na lang hindi pa ako hinihimatay."

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

39 Comments

  • 39  veryboyjackie

    01/09/2010 | 12:47 PM
    go jackie.. sobrang ganda mo po talaga!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 38  khiemii

    06/20/2009 | 04:22 PM
    hi guys! thanks for the good comments about jackie :] isa ako sa mga jackielovers tawag s mga fans nya at KILALA NYA KAMI.. parang kaibigan nga lng ang turing nya or nakakabatang kapatid sa amin at super bait nya as in higit pa sa inakala nmin nung mameet nmin sya . KAYA ANG MASASABI KO SA MGA BITTER JAN HINDI PO BAD GIRL C ATE POT OR JACKIE OK? CGURO NDI NYO LANG MASYADO NAIINTINDIHAN PERO DI TALAGA SYA GANUN. :] pero slmat s mga good comments ng iba jan. :] for sure matutuwa c ate pot nya pag nbasa yang mga yan. :] GO ATE POT! thanks sa GMA at binigyan ka ulit U deserve it! SUPER LAKI NG INIMPROVE MO AT SUPER KA GUMANDA kaya GO LANG! :] We love you! :]
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 37  square_round

    06/20/2009 | 01:04 AM
    let's give Jackie Rice another chance!
    nobody's perfect....sometimes yung mga bad girl image are just misunderstood...sana wag natin siya lage i judge based doon sa naging problem niya when she just started...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 36  shanghaibabe

    06/19/2009 | 09:58 AM
    high school days p lang naman may attitude na yang si jackie..di ba mga taga st. anne academy
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 35  missworld

    06/19/2009 | 05:56 AM
    Who's this?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 34  man_inda_box

    06/19/2009 | 04:42 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 33  careermuna

    06/19/2009 | 04:25 AM
    SAYANG MGA BATANG IRE!!BATA PA ANO NG GINAGAWA,.PATI SI MARGARET WILSON,..TSK,.ASAN MGA PARENTS NITO,.DI BA SILA NATUTO KAY KATRINA HALILI,??KAY JENNYLYN MERCADO??KAYB ANGELU DELEON??TSK,..ang pagiging star di lang basat sikat kundi may kalakip na silbi as role model,...godbless..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 32  careermuna

    06/19/2009 | 04:23 AM
    sige,..mag deny at maging liar para lalong di umangat ,.sabi ko nga,.gusto ng tao ang decvent at real na stars,..sieg!!si TYRONE PEREZ ,bata pa nag asawa na ,hangang kelan kaya!!umm,..//ang bababta pa nila di nila alm ginagawa nila,.kala ba ninyo madali lang ang marriage at buhay!,.ito ha,.RESPETO SA SARILI BAGO KAYO IRESPETO,..KILLANIN SI GOD BAGO KAYO MAG MHAL,..CONTROL AT DISIPLINA ok,..KAYO DIN!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 31  pabima

    06/19/2009 | 03:05 AM
    Andrew Lopez sa boracay. Tapos nagkikiss.
    Hindi boyfriend?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 30  denskie90210

    06/19/2009 | 02:12 AM
    ANG DAMING MAGAGANDANG ARTISTA SA GMA SAYANG LANG DAHIL HINDI SILA MARUNONG MAG HANDLE KUNG SINO LANG ANG SIKAT DOON SILA FOCUS NOT LIKE ABS NA ALTERNATE YONG EXPOSURES NANG MGA TALENTS NILA SANA GANON DIN ANG GMA BUT IN FAIRNESS MAS SIKAT KA TALAGA PAG NASA ABS KA
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  jhelmmy

    06/19/2009 | 01:57 AM
    sayang sya..... tsk.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  shadow009

    06/18/2009 | 10:47 PM
    i think bagay syang maging BLACK DARNA ni marian, magaling na rin nman syang umarte at nagbago na sya.. pero medyo maamo at sobrang ganda ng mukha nya, hindi sya pangkontrabida, dapat nga sya na lng naging darna dahil mas maganda at sexy sya kay marian lalo na in person grabe.. sna mabigyan nman sya ng right and good project,, bka kc pag lumipat sya sa abscbn, doon makita ang potenyal na at pagsisihan pa yun ng home network nya!! basta i like her face and i think she's the most prettiest young star today!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  12345

    06/18/2009 | 06:01 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  kapuso_ako_kahit_anong_mangyari

    06/18/2009 | 05:06 PM
    maganda xa pero zero sa acting... ndi pa bagay ung kilos nya sa muka nya... sana baguhin nya style nya..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  leonmindoro

    06/18/2009 | 04:46 PM
    Ang ganda ni Jackie! Sana bigyan na siya ng GMA ng launching show niya. Nag-improve na nga acting skills niya sa ABHSAT eh. Sana mas mag-progress pa siya sa Sinenovela na ito. GMA: Give Jackie Rice a lead role kahit sa Sinenovela muna para ma-hone pa lalo ang pag-arte niya. :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  sapphire_j

    06/18/2009 | 04:18 PM
    sa GMA nman kc kung cno lang ung sikat un lang ang pinapaboran di nila binibigyan ng chance ung iba kya tuloy kokonti lng din sumisikat sa knila!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  bataanmatamit

    06/18/2009 | 03:37 PM
    WHATEVER YAYA!!!

    Galingan mo na lang Miss jackie rice!!! Malay mo ikaw na ang isusunod na bigyan ng break ng GMA-7.

    BEHAVE KA LANG!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  pilipino800

    06/18/2009 | 03:34 PM
    Talaga dapat may workshop para naman competent para naman in demand diba....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  AnneWaldorf

    06/18/2009 | 03:10 PM
    Wala ring career.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  yurei

    06/18/2009 | 02:59 PM
    la daw sya boyfren?! andrew lopez,labas! LOLS!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About