John Lloyd Cruz complains he's on losing end regarding issue with Ruffa and Annabelle

Trisha Alvarez
Thursday, June 18, 2009 @ 07:36PM  |  212 views

 

"Kung ako ang tatanungin, parang dapat nga sumama pa yung loob ko. Kaya lang, para saan pa? Ayoko na lang talagang palakihin. May mga write-ups pa kasi na nabuhay tungkol sa akin na hindi naman nakakatulong. So, in a way, ayoko mang sabihin, sa lahat ng ito, parang talo pa ako, e. Alam mo yun? So, gusto ko lang matapos na,"says John Lloyd Cruz.

Photo By: File photo













Umaliwalas na ng bahagya ang mukha ni John Lloyd Cruz nang humarap siya sa birthday presscon na ibinigay sa kanya ng Star Magic kahapon, June 17. John Lloyd will turn 26 on June 24, araw ni St. John the Baptist, kung saan kinuha ang first name ng aktor.

Hindi kaya may kinalaman ang pagbabati ni Ruffa Gutierrez, na  nali-link kay John Lloyd, at ang ina nito na si Anabelle Rama sa paggaan ng pakiramdam ng aktor ngayon kumpara noong birthday presentation niya sa ASAP '09 last Sunday, June 14?

"Actually, masyado na ngang nadamay ang pangalan ko sa mga pangyayari. Parang ang pinagsimulan lang naman nito ay mga tuksuhan na parang nali-link nga kami ni Ruffa. Ngayon, umabot na sa hindi magagandang write-ups tungkol sa akin.

"Kung ako ang tatanungin, parang dapat nga sumama pa yung loob ko. Kaya lang, para saan pa? Ayoko na lang talagang palakihin. May mga write-ups pa kasi na nabuhay tungkol sa akin na hindi naman nakakatulong. So, in a way, ayoko mang sabihin, sa lahat ng ito, parang talo pa ako, e. Alam mo yun? So, gusto ko lang matapos na," himutok ni John Lloyd sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment press.

Ano ang masasabi niya sa pagbabati nina Ruffa at Annabelle?

"Well, I am very happy na nagkaayos na sila," sambit niya. "Hanggang doon na lang muna yung masasabi ko. Kasi kung nagkaroon man sila ng samaan ng loob, nilinaw naman nila na wala po akong kinalaman doon. At alam ko sa sarili ko na hindi ako ang dahilan.

"I don't want to say more about it, kasi napaka-limited lang ng alam ko. Bilang kaibigan naman ni Ruffa, napag-usapan naman namin. Nagkita kasi kami nung [isa sa mga] birthday party niya. Marami siyang parties, pero hinati-hati niya. Tapos yung I Love Betty La Fea group, dun niya isinama sa party na yun."

Sinabi ni Annabelle na hindi naman daw siya tutol kay John Lloyd. Ang ayaw lang daw niya ay huwag itago o i-deny ang anak niya. Ano ang masasabi ni John Lloyd dito?

"Ayoko lang magsalita na parang ilalagay ko pa yung sarili ko in great danger," maingat na sabi ng aktor. "Kay Tita Annabelle at sa kahit na sinong magulang for that matter, e, kailangan lumabas yung highest respect mo for people. I have the highest respect for Tita Annabelle. Hindi lang bilang siya sa industriyang ito, pero bilang nanay ng kaibigan ko. Kung may sasabihin man ako, huwag na lang, kasi nirerespeto ko si Tita Annabelle."

Pero giit ng marami, si John Lloyd daw talaga ang dahilan ng away ng mag-inang Ruffa at Annabelle.

"Hindi naman kasi ako puwedeng humingi sa inyo ng off the record," nakangiting sabi ng aktor. "Pero sige, para mas maintindihan ninyo... Kagaya nung sinabi niya [Annabelle] na, 'Magpakalalaki ka. Aminin mo at sabihin mo sa buong mundo na mahal mo si Ruffa.' Hindi naman nag-e-exist yung word na 'romantic love' between me and Ruffa. So, paano mo naman sasagutin yun? Ibig kong sabihin, ayoko naman siyang mapahiya.

"Ito nga, sinasagot ko na ngayon... Kaya lang, pasensiya na at kailangan kong sagutin dahil tinatanong n'yo ako. Pero hanggang dun lang. Kapag nagsalita ako, hindi ito matatapos, e. So, gusto ko itong matapos na may respeto sa isa't isa," pakiusap ni John Lloyd.

BEA ALONZO. Sa birthday presscon din ni John Lloyd, bumulaga sa kanya ang seksing picture ng ka-loveteam niyang si Bea Alonzo sa cover ng  bagong isyu ng The Buzz magazine.

"Si Bea 'yan? Whoa!" bulalas ng aktor.

"Well, alam mo, masayang-masaya ako dito sa... Kasi marami na akong naririnig na magandang review about this movie [And I Love You So, Bea's movie with Sam Milby and Derek Ramsay]. I'm very happy, of course, for Bea. I'm very happy kasi produkto 'yan ng hard work ni Bea, e.

1  2  3  Next »

Related Articles

252 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name