Sa unang pagkakataon ay nagkasama sa isang malaking event ang dalawang GMA-7 stars na naging Pinay Thalia—sina Marian Rivera at Carla Abellana.
Si Marian ang kauna-unahang Pinay Thalia nang i-launch siya bilang "next big star" ng GMA-7 sa phenomenal hit series na Marimar. Ngayon ay si Carla naman ang nabigyan ng pagkakataon ng Kapuso network na maging Thalia sa bagong local TV adaptation ng hit Mexicanovela na Rosalinda.
Nagkasama sina Marian at Carla sa 59th anniversary special ng GMA-7 sa Araneta Coliseum na One Glamorous Night: Greater and Grateful at 59 kagabi, June 19, kung saan nakasama rin nila ang halos lahat ng stars ng GMA-7.
Sa backstage ng The Big Dome ay sabay na nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Marian at Carla na kagabi lang nagkasama. Pinagtabi namin ang dalawang Pinay Thalia at masaya sila na nagkasama sa malaking event na iyon ng GMA-7.
Nanggaling kay Marian na nagkakilala silang una ni Carla nang may mag-introduce sa kanilang dalawa sa isang event din ng GMA-7.
Tinanong ng PEP si Marian kung ano ang puwede niyang masabi kay Carla dahil ito na ang bagong Pinay Thalia ngayon.
"Siyempre, natutuwa naman ako dahil nadagdagan na naman ang mga stars ng Kapuso network, at welcome na welcome si Carla sa ating lahat. Na-meet ko na si Carla before pa at okey naman siya. At good luck sa project niya na Rosalinda, kasi alam ko na maganda ang kalalabasan no'n tulad ng nangyari sa Marimar," pahayag ni Marian.
Sa parte naman ni Carla, tila na-starstruck siya nang una niyang makilala si Marian. Ngayon ay nagkakasama pa sila sa malalaking event at shows ng GMA-7.
"It's really an honor to meet Marian in person and hopefully to work with her soon," nakangiting sabi ni Carla. "Siya pa rin naman ang kinikilalang original Pinay Thalia and I am happy to follow in her footsteps. Mabait siya at napakaganda niya."
LOOK-ALIKES. Marami ang nagsasabi na magkahawig silang dalawa. Agree ba sina Marian at Carla sa obserbasyon na ito?
"Oo naman!" sabay tawa ni Marian. "Kita n'yo naman, para lang kaming nananalamin sa isa't isa! 'Tsaka kanya-kanya namang opinyon yan, e. If they think na magkahawig kami, okey lang. It means na pareho kaming maganda, di ba?"
Sumang-ayon naman si Carla at sinabing, "Marami nga ang nagsasabi, and I feel flattered kasi nga Marian Rivera na yan. Masabi lang na may hawig kami, malaking bagay na for someone like me na nagsisimula pa lang sa showbiz. Masaya kong tatanggapin 'yong mga sinasabi nila."
May advice bang maibibigay si Marian kay Carla tungkol sa pagganap bilang Pinay Thalia since marami na siyang experience pagdating sa acting?
"Siguro pinaka-advice ko lang ay mag-enjoy si Carla sa ginagawa niya. At the same time, yung pagiging serious din niya sa pinasok niyang trabaho ay nandoon. Ako kasi noong ibinigay sa akin ang Marimar, pinanood at pinag-aralan ko talaga ang istorya, pati na ang mga kilos ni Thalia. Tapos, nagbigay ako ng sarili kong interpretation. From there, magkakaroon ka na ng sarili mong character na hindi nalalayo sa original. At isa pa, mahalin niya ang trabaho niya para mahalin ka rin nito pabalik," saad ni Marian.
Natuwa naman si Carla sa magandang advice na ibinigay ni Marian sa kanya at nangako ito na susundin ang mga sinabi nito.







GMA, we wanted to know more about her also not just the shadow of Marian.
un ang taong hindi grateful maging s sarili nya. galit s ibang tao na pinagpala ng sobra....
good luck CARLA amp; MARIAN you're both a beautiful amp; have talent.
Way to go Kapuso!!!
gagambala
June 23, 2009
23:10 PM
kelan kya iaannounce ng PEP n ito n ang official website ni Marian Rivera,,,
______
hahaha true! biro mo, june 20 pa itong article na ito pero di pa inaalis. pep naman e you are so so friggin' obvious! napansin ko ang dami nang nag stop mag lagay ng comment dahil sa apparent partiality nyo in favor of gma
sharonbruha
June 24, 2009
07:25 AM oo nga parang iilan lang ang maganda sa gma7. bakit ba parang mahilig magbuild up ng plain face at ordinaryong mukha ang gma7? dami naman nilang makukuha. eto iyong mga girls na parang masasalubong mo lang sa quiapo pag naglakad ka.:
glaiza de castro
sheena halili
katrina halili shocked kami ng una naming makita sa gmapinoytv- eto na ba ang itsura ng artista sa phils?
kris bernal we watched her DKBM bec of the story but she's a good actress.
atbp. pag ganito ang mga artista magsalamin ka na lang.
sayang ang ganda ng iba pa na di nabibigyan ng projects. ang artista dapat iba sa karaniwang mukha at hitsura. ano pa ang dahilan at artista ka kung ordinaryong looks ka lang?
_____________________________________
Simple lang solusyon sa problema mo. Concentrate ka sa mga artistang banyaga. Para sumaya ka. Huwag kang manood ng mga local na palabas. Higit lalo ang magbasa ng mga local showbiz