news

Maricar Reyes starts working again, but is not yet ready to talk about the sex videos
by Trisha Alvarez posted on June 25, 2009  STATS: 1813 Views | 731 Comments

 

Commercial model turned actress Maricar Reyes has decided to go back to work weeks after her sex videos with former boyfriend Hayden Kho spread on the Internet. She has a special role in the top-rating ABS-CBN primetime series May Bukas Pa, and is part of the cast of Your Song Presents Gaano Kita Kamahal.

Photo By: Noel Orsal

Pagkatapos lumabas sa ASAP '09 last Sunday, June 21, ang baguhan at kontrobersiyal na Star Magic talent na si Maricar Reyes, tuluyan nang nabura ang haka-haka na wala na siya sa bansa at lumipad na sa U.S. kasama ang kanyang pamilya. Ang balita kasi noon ay umalis na ng Pilipinas si Maricar pagkatapos sumabog ang sex videos nila ng ex-boyfriend niyang si Hayden Kho.

Ilang linggo bago lumabas si Maricar sa ASAP '09, isang source ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang nakausap mismo ng controversial commercial model turned actress. Sabi ng aming source, kung payat noon si Maricar sa sex video nila ni Hayden, ngayon daw ay doble ang ipinayat ng baguhang artista and doctor by profession dahil sa sobrang depression.

Nagdadalawang-isip pa rin daw noon ang Star Magic talent kung lilitaw na ba siya in public o mananatili na lamang nakakulong sa kanyang kuwarto at tahanan. Nanahimik lang ang kampo ni Maricar sa gitna ng kontrobersiya.

Nirespeto naman ng ABS-CBN ang desisyon ng pamilya ni Maricar na manatiling tahimik at hindi nagsasalita. Pero pagkatapos makatanggap ng mga magagandang payo mula sa ilang network bigwigs, she finally decided na rumampa na rin sa special segment ng ASAP '09 para sa anniversary ng Star Magic.

Kaya naman todo ang suporta ng Kapamilya network kay Maricar. Sa kabila ng kontrobersya sa buhay niya, hindi siya pinabayaan ng ABS-CBN at Star Magic.

Bilang patunay na sinusuportahan siya ng ABS-CBN, dalawang TV projects ang ibinigay nito kay Maricar. Unang napanood si Maricar sa I Love Betty La Fea bilang si Candy, ang ex-girlfriend ni Armando na ginampanan naman ni John Lloyd Cruz.

Ngayon ay special guest star naman si Maricar sa high-rating primetime series na May Bukas Pa, bilang taong-grasa. Dito pinatunayan naman ni Maricar na worth it ang suporta sa kanya dahil ibinigay niya ang kanyang best sa pagganap sa role.

Sa July 5, isa siya sa mga bida kasama sina Jodi Sta. Maria at Sid Lucero sa bagong episode ng Sunday drama series na Your Song Presents Gaano Kita Kamahal sa direksyon ni Erick Salud, na siya ring direktor ng I Love Betty La Fea.

Todo ang nakuhang suporta ni Maricar mula sa cast hanggang sa production team ng Your Song Presents Gaano Kita Kamahal, na ang kumanta ng theme song ay walang iba kundi ang Divine Diva na si ZsaZsa Padilla.

Puring-puri rin ni Direk Erick si Maricar sa kanyang pagganap sa Your Song.

"She's one new star who is as if not new in the industry. Natural umarte at may lalim. Given more challenging roles, she can be elevated to the status of a seasoned performer. On the set, she is quiet. But once you talk to her, she will not run out of stories to tell. Magaan siyang katrabaho. And she is one person who is unfazed by the problems around her," sabi ni Direk Erick.

Sa ngayon, ang pagte-taping ng mga show sa ABS-CBN ang kaya pa lang harapin ni Maricar. Wala pang lakas ng loob ang controversial new star para ilahad ang kanyang damdamin sa paglabas ng sex videos nila ni Hayden Kho.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

731 Comments

  • 631  mindurown

    06/26/2009 | 06:57 PM
    very refreshing ang look nya sa pic. maaliwalas ang muka.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 630  yukikristine

    06/26/2009 | 05:58 PM
    ang may kasalanan dito si hayden...victims dito ung mga babae. si KH may kaslanan din sya kasi nakipag relasyon sya sa lalaking may GF na...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 629  kuletski

    06/26/2009 | 05:55 PM
    ..for those who have sinned and repented...yes there is light ahead.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 628  baba

    06/26/2009 | 05:45 PM
    utak ang ginamit ng abs kinawawan ang papel niya s amay bukas pa para mas lalong maka kuha ng simpatya unlike gma na kontrabida si katrina me mga galit na nga sa kanya madadagdagan pa dahil sa papel niya sa rosalinda kung wala nga sv ang ang kontrabida maraming nagagalit na mga fans ng bida ano pa kaya na si katrina ang kontrabida di lalong maraming magagalit sa kanay at ang maiisip ng mga tao is ang word na 'mang-aagaw at ang sv nila ni hayden' it only proves na mas me utak ang abs kesa gma.o ayan ha network war ang gusto niyang topic pinag bigyan ko..lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 627  redvixen26

    06/26/2009 | 05:42 PM
    maricar, quiet muna yan ngayon. Pag dehado na c HK sa kaso tyak magsasampa na rin c MR. as of now busy pa sya sa projcts nya.mali c Belo sa paratang nya na Don't still the boyfriend if he has gf na...sabihin nya rin yan ky HK na wag mang agaw ng gf sa bestfren nya. Parang tele novela...ano kya ending??!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 626  callcentergirl

    06/26/2009 | 05:31 PM
    oo nga ABS din pumatay kay Michael Jackson.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 625  skyward

    06/26/2009 | 05:28 PM
    ABS nga ang nagpalabas ng mga sex videos, strategy lahat to ng ABS.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 624  callcentergirl

    06/26/2009 | 05:26 PM
    kung gusto nilang nag publicity bkit wlang news about Maricar? ABS respects her silence and they are also helping her rebuild and redeem herself. Just like what GMA is going to do by giving Katrina projects. Pampataas din ng rating. May puhunan n ang GMA kay katrina si Maricar wala pa. ABS can just let her go.. di pa nga sya pinakikinabangan.. nagbibigay n ng kahihiyan but that's not how you treat a family. Nood ka ng May Bukas Pa. See how ABS can turn this nightmare into something hopeful. There is a light at the end of the tunnel even for those who have sinned.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 623  kuletski

    06/26/2009 | 05:20 PM
    Likas kasi sa ating Pinoy na pinuputakti ang article pag mga artista..entertainment nga eh..pag so and so na ang article lalangawin yan...saka me purpose sila bakit etong mga artista me article...tingin mo di ba natutuwa ang ABS dito? Publicity of course ke good or bad...publicity pa din yan. And PEP is doing Maricar a very good favor...I could sense it too!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 622  malditangadik

    06/26/2009 | 05:17 PM
    teknik ito ng ABS! ige-guest sya sa iba-ibang show PANG PATAAS NG RATING. shempre maraming mag aabang kay maricar on tv.. STYLE NIO HA!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 621  dopamine_19

    06/26/2009 | 05:13 PM
    ang may kasalanan ng lahat si hayden, kunan ba nman ng video ang private moments nya every girl na kasama sa kama!!!at sira ulo ang nagpakalat ng videos, malaki ang galit at inggit kay hayden...sino kaya yun?hehehe

    si maricar at katrina may carreer na babalikan, e si hayden wala kasi malamang matanggalan ng lisensya...pero oks pa din dyan nman si sugar belo...peace!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 620  callcentergirl

    06/26/2009 | 05:11 PM
    network war I mean. Don't you notice si Maricar at Katrina lang ang may article among the women involved in the article.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 619  callcentergirl

    06/26/2009 | 05:09 PM
    exactly.. bakit hindi nagkka-article yung Brazilian, si princess velasco? Kasi wala silang mother network. Network lang naman ito db? na-sense mo b? Sense na sense namin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 618  kuletski

    06/26/2009 | 05:06 PM
    callcenter...

    Simple lang yun ....kasi me article sya dito eh...si Brazilian wala naman article just like pag si Katrina me article, marami din reaction....and not because ABS talent sya...common sense not always common huh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 617  somarad

    06/26/2009 | 05:04 PM
    at ang kakapal ng mukha ng mga taong humuhusga sayo at pati na rin kay katrina... sex is a natural thing... ginagawa yan ng 2 consenting adults... yun nga lang ang mali, na-video kayo... at ang mas mali, kumalat yung video...

    am sure sa showbiz, maraming mga nangyayaring chuk-chukan... so wag natin siyang husgahan...

    ngayong lumabas yan, that doesn't mean na wala na siyang karapatang ituloy ang buhay na gusto niya... i thing she's doing a good job in moving on... i so admire you girl...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 616  skyward

    06/26/2009 | 04:59 PM
    ABS ang ngpalabas ng mga sex videos.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 615  somarad

    06/26/2009 | 04:56 PM
    i still admire this lady... for me, her silence does not mean she was a coward... iba ang tapang na pinakita niya... at iba rin ang pinakitang tapang ni katrina... kanya-kanyang pakikipaglaban lang yan... yun nga lang, looks like maricar got more sympathy than katrina... mas naging karespe-respeto ang ginawa ni maricar... at para sa akin, she does not have to go through the agony of talking about the video over and over again sa mga hearings... iisa ang malinaw dito... biktima siya at hindi na kailangan pang ipaglandakan yun sa harap ng mga senador... so go ahead girl, hayaan mo silang mamatay sa kakaantay ng sasabihin mo... you are doing so well!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 614  akoyisangpinoy

    06/26/2009 | 04:50 PM
    manonood ako nang may bukas pa , goodluck maricar!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 613  callcentergirl

    06/26/2009 | 04:47 PM
    ewan ko ba si iba dito.. sa dami ng mga babaeng involve.. di naman lahat nagsasalita like Maricar. Pero si maricar pa rin ang dinidiskitahan nila simply because she's an ABS talent.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 612  kuletski

    06/26/2009 | 04:43 PM
    Sinner or Saint???
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About