Asked which celebrity he would love to give him a body scrub, he replied, "Pops Fernandez!... Siguro hindi siya papayag. Ha! Ha! Ha!"

 

Photo: Noel Orsal

Ang R&B Prince na si Jay-R ang latest male celebrity endorser ni Dr. Manny Calayan.

Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jay-R, tinanong namin kung bakit pinili niya ang Calayan Surgicenter bilang isa sa mga endorsements niya.

"Well, definitely Calayan is one of the biggest companies in the Philippines and they're everywhere as far as promotions are concerned. They offered me to be in their promotion and they've offered me to endorse Calayan. For one thing it would be great for my career, another thing is they're very nice people, they can help me as well in taking care of my skin. I think it will be a good move for me," umpisang sinabi ni Jay-R.

"So far, walang specific campaign ngayon, but if I were to get a treatment it would be body scrubs and facials, mga ganun. Just to maintain it para hindi ma-damage or something like that, kasi siyempre investment din namin ito sa entertainment business, kailangan you have to look your best at all times."

Sanay mag-pictorial nang sexy si Jay-R. Sa pagiging Calayan endorser ba niya ay gagawin niya rin yun, lalo pa't skin care ang linya ng Calayan na ini-endorso niya?

"You know I'm not sure. Hindi pa kami nag-pictorial, but if that's what is required of me, most definitely gagawin ko."

Kahit maghubu't hubad, para ipakita na makinis ang balat niya all over? "No, ayoko nang mga ganun, siguro mga topless lang siguro."

Sky-high nga ba ang talent fee niya bilang Calayan endorser? "They're very generous actually, and I'm very happy with that actually."

"POPS IS GREAT." Halimbawang may isang artistang babae na mag-ba-body scrub kay Jay-R, sino ang pipiliin niya? "Pops Fernandez! Ha! Ha! Ha! "Siguro hindi siya papayag. Ha! Ha! Ha!"

All praises si Jay-R kay Pops na kasabay niyang  ni-launch bilang Calayan celebrity endorser.

"She's single now and she's very, very sexy. Pops is great! We have the same manager so we spend a lot of time together."

Pops is great in what sense? "Great is a lot of things actually. She's very sexy, beautiful, very talented, most of all she's really very down to earth, chill lang. Hindi maarte."

Noong wala pa si Jay-R sa showbiz, ina-admire na ba niya si Pops?

"Oo naman, definitely. Before sa States, before I entered show business, we used to watch their movies na, so kilala ko na si Pops even before I went to the Philippines. Kasi yung mga ate ko, yung mommy ko, we used to rent mga Tagalog movies dati."

Nagkasama na rin sila sa isang tour ng Divalicious concert ni Pops. "It was really, really fun."