Sexbomb's Evette Pabalan will represent the Philippines at the 13th WCOPA in L.A.

Rose Garcia
Saturday, June 27, 2009 @ 11:16PM  |  98 views

 

The plucky Sexbomb singer-dancer entered five categories of the talent championships for world-class performers.

 

Photo By: Noel B. Orsal













Sa 13th World Championships of Performing Arts (WCOPA) to be held at the Westin Bonaventure in Los Angeles, California on July 11-18, ilan sa mga celebrities natin ang nag-audition at pinalad na makasama sa 28 participants na ipadadala ng Pilipinas sa taong ito.

Isa sa mga ito ay ang Sexbomb girl na si Evette Pabalan who asked permission from her manager, Joy Cancio, na masubukan ang luck niya sa WCOPA.

Ayon kay Evette, kailan lang daw kasi siya naging aware about the said contest na may 13 years na ngang ginaganap sa L.A.

"Pumayag naman po si Ate Joy, kaya hayun, nagtuloy-tuloy. Ngayon ko lang din po kasi nalaman yung sa WCOPA, pero kung dito lang po sa bansa, dati pa akong nakakasali sa mga contest, even before pa po akong mag-Sexbomb.  Sa ganito po talaga ako nag-start, mga competition."

"FEVER" AT THE PRESS LAUNCH. Ayon pa kay Evette, nakasabay rin niya before sa mga contest tulad ng Metropop Young Singers Competition noong 1997 sina Toni Gonzaga at Kyla. Isa si Evette sa mga nag-perform among the participants present during the press launch at Moomba Bar last Thursday, June 25, at hindi maitatangging isa siya sa nag-shine nang husto with her one-minute performance of "Fever," na plano niyang kantahin din for the Broadway category.

"Mahirap pong magsalita, e. Pero gagawin ko rin lahat ng magagawa ko. Siyempre, isa pong karangalan yun kung magiging representative ka ng Philippines, di ba?  Yun lang po... gagawin ko lang po ang lahat ng makakaya ko, basta, ayoko lang pong magsalita nang patapos."

Hindi rin maitatanggi na among the participants from the Philippines, siya yung masasabing kilala na rin at may pangalang dadalhin in their group kahit mag-isa lang siyang lalaban.  Kaya naman hindi itinanggi ni Evette na may takot siyang nararamdaman.

"Meron po... hindi po mawawala yun. Kanina lang po, noong mag-perform ako, ninenerbiyos ako," aniya. "Kasi po, siguro, normal yun. Iba po kasi 'to, e. Iba po kasi ang sasabakan namin kaya hindi mawawala ang nerbiyos."

EVETTE IN FIVE CATEGORIES. Limang category ang sasalihan niya sa WCOPA.  Maliban sa Open category, nakaplano na kung ano ang kanyang kakantahin per category.

"Yun nga, sa Broadway, yung "Fever." Sa pop, "I'm An Angel," sa gospel, "I Believe," for rock, yung "You Oughta Know," sa Open naman, pinag-iisipan ko pa yung isa ko pang kanta."

Sa "Fever" at "I Believe,"puwede rin niyang ipakita ang husay naman niya sa pagsayaw bilang isang Sexbomb dancer.

Kahit exposed na siya for the longest time sa pagpe-perform, matinding preparasyon pa rin daw ang ginagawa niya.

"Kailangan pa rin po ng practice po talaga. Natutuwa nga po ako sa suporta ng Sexbomb. Like yung "Fever," pinagtulung-tulungan namin ang steps kahit papaano. Kasi, nagkataon lahat may ginagawa. Gusto ko pong magpaturo kay Aira (Bermudez), kaso, walang time."

Bakit si Aira at hindi ang leader ng grupo nila na si Rochelle Pangilinan?

"Kasi, siya po talaga ang pinakamagaling na dancer, given na po talaga yun. Iba po naman kasi si Ate Rochelle. Iba rin si Aira.  Siguro po, kaya ko rin napiling Aira kasi, sa sayaw mas ano siya palagi, mas active siya.  E, si Ate Rochelle, palaging sa acting na, kumakanta rin."

1  2  3  Next »

Related Articles

68 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name