Deretsahang tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang Concert Queen na si Pops Fernandez sa launch niya bilang latest female endorser ng Calayan Surgicenter kung ano ang reaksyon niya nang masangkot ang pangalan niya sa Hayden Kho video scandal.
"That's so not true, oh my God! Unang-una hindi ko masyadong kakilala si Hayden. Nakikita ko lang siya kapag may mga events and all but I don't really know him," bungad ni Pops sa PEP.
Ang una niyang reaksyon nang makarating sa kanya ang intriga, "Natawa ako! Nasa States ako, nanonood ako ng movie, may nag-text sa akin. Sabi ko paanong nangyari yun, ano yun, magic? Hindi totoo yun."
Hindi naman raw inisip ni Pops na magdemanda. "Siyempre kung na-affect ako and na-affect siguro yung work ko. Right now alam ko namang hindi totoo, unless someone claims or whatever. It's sobrang not true."
In a way ba, flattering ba sa kanya na maraming nagkaroon ng interes na mapanood ang video nang pumutok ang balita?
"No, it's not. When I first heard about the issue naawa ako dun sa mga kababaihan, kasi what they do in their own time is really none of our business. It's something that I think is very private and I think very personal.
"Let's face it, when it comes to women it's really double standard sa Pilipinas so parating kawawa yung mga babae. As a woman, naawa siyempre ako."
FROM BELO TO CALAYAN. Bakit siya umalis sa Belo Medical Group?
"Wala lang, we felt na it was time to move on. Maganda naman ang paghihiwalay namin, until now we're still friends. Matagal na actually kami nag-pirmahan ni Dr. Calayan but because madami din siyang artists na ni-launch siguro, na meron silang plano, so inuna niya muna yung pag-launch ng iba niyang artists."
May sexy pictorial ba si Pops sa Calayan endorsement niya?
"Actually hindi ko pa alam, pero alam mo, a sexy pose or a sexy shot really depends on the way it's taken. Sa pag-e-emote, siyempre sa projection, I believe that lalo kami, sa skin naman kami. I don't mind the sexy billboards if it's done in a very classy way."
Sky-high daw ang talent fee niya with Calayan. "Hindi naman. Tama lang."
Hindi nagkaroon ng conflict ang Calayan endorsement ni Pops sa Mikaela? "With Calayan, sa skin ako, kami ni Jay-R. Sa Mikaela is slimming."
May ii-slim pa ba si Pops? "Actually nagkalaman na nga ako, e. There was a time siguro sa sobrang work, tapos stress, personal life stress. Ako rin, nung napanood ko yung sarili ko sa isang interview, sabi ko, 'Shucks parang ang liit-liit na ng face ko!'
"Hindi din ako nagandahan, so tamang-tama nag-tour kami sa States, kumain ako nang kumain para magkalaman yung face ko."






unlike others n mahilig kumain ng ampalaya at walang salapi!
kahit naman ngumawa ka jan, hindi naman nyan mababago ang katotohanan na maganda si pops, inside and out, at blessed siya sa buhay.
baltazar123 - buntot ka ng buntot kay pops dito sa pep. isa ka pang saksakan ng INSECURE..yun idol mo na lang ang asikasuhin mo ok..napaka ligalig mong FAN. don't hate pops because she's beautiful, ok?! LOL
e ang seksi seksi na nya!
Cosmetic surgeons usually project a good image, that's how they sell their expertise...
POPS as endorser with her FAKE POUTY LIPS??? She would fit better with some cartoon character I can't remember right now!!!