Live na nag-guest sa Showbiz Central kahapon, June 28, si Marian Rivera, ang cover girl ng YES! 100 Most Beautiful Stars 2009.
Tatlong Kapuso male stars ang nagbato ng katanungan sa kanya sa pamamagitan ng VTR. Sa studio naman ay live siyang nakausap ng Showbiz Central co-host na si John "Sweet" Lapus.
DENNIS TRILLO. Ang unang nagtanong kay Marian ay si Dennis Trillo, na maituturing na kapatid ng aktres sa manager nila na si Popoy Caritativo. Ayon kay Dennis, for the past three years, si Marian ang pinagkakatiwalaang maging cover girl ng glossy magazines. Ano ang pakiramdam niya na siya ang naging cover ng 100 Most Beautiful Stars ng YES! magazine?
"Halo-halo, pero isa na yun sa pinakamasarap na pakiramdam," sagot ni Marian. "Kasi kung hindi nila... Alam ko, hindi pa po nila nalalaman. Pero hindi pa po ako artista, e, pangarap ko na talagang maging cover girl.
"Hangga't maaari, ngayong artista na ako, binibigyan ko talaga ng time yung mga taong nagtitiwala sa akin. Lalo na yung mga taong kinukuha ako para maging cover ng mga magazines nila. So, hangga't maaari, lahat yun pinagbibigyan dahil isa yun sa mga pangarap ko."
Kaya naman, sabi ni Sweet, sa mga publication hindi raw mahirap kausapin si Popoy sa mga cover shoot ni Marian.
Naman! Kami pa!" natatawang pagsegunda ni Marian.
Ayon kay Sweet, bukod sa magazine covers, nandiyan pa ang commercials ni Marian. In less than three years, meron nang more than 20 endorsements ang aktres. Hindi ba nalilito si Marian sa dami ng ine-endorse niya?
"A, hindi, talagang hindi naman!" natawang sagot niya. "Kasi ang sarap siguro na maraming kumukuha sa 'yo sa iba't ibang projects. Pero siyempre, kung anuman ang kasagutan dun kung bakit nila ako kinukuha, e, sila na ang makakasagot doon. At naniniwala ako sa lahat ng produktong ine-endorse ko at ginagamit ko at nagtitiwala ako."
DINGDONG DANTES. Ang sumunod na Kapuso male star na nagtanong ay walang iba kung hindi ang rumored boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes. Pagdating sa personal na buhay, masasabi kaya ni Marian na "most beautiful" din siya, at bakit?
"Para sa akin, masasabi kong oo dahil simula nang magsimula ako sa showbiz, ipinakita ko na talaga kung sino ako. Ano ang kakayahan ko at alam ko rin na hindi ako perpektong tao at marami rin akong kapintasan. Pero nagagawa ko nang maayos ang trabaho ko at higit sa lahat, napapasaya ko ang mga taong nagtitiwala sa akin."
Kaya naman follow-up ni Sweet, tutal ay si Dingdong naman ang nagbato ng tanong, isa ba ang aktor sa nagpapaganda sa kanya ngayon?
"Oo naman," mabilis na sagot ni Marian na nakangiti.
Hindi halos matigil ang tilian sa loob ng studio ng Showbiz Central at maging si Sweet ay humirit na kinikilig daw siya. Follow-up question ni Sweet: Ano na nga ba sila ni Dingdong?
"Sabihin na lang natin na sa ngayon, si Dingdong ang pinakamahalagang lalaki at pinaka-importanteng..."






waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa
so its means fiancee nya na si marian o asawa haahhahaha
go lang dongyan.
built ng body niya very feminine
maliit ang balikat hindi malapad
tapos sexy pa maliit ang baywang na may laman ang legs..wow sexy talaga..
go MARIAN GO DARNA!!!
di tulad ng isang bagong di pa nakikila trying hard sa lahat ng bagay.. pilit ginagaya ang ngiti ng idol namin... eh di naman bagay, halatang pilit, pag close up kainis tingnan halatang trying hard.... feeling sikat at laging ginagamit ang name ni MARIAN
pwede ba.... ang shadow hanggang shadow lang, di pwedeng mauna yan.... laging last yan ... ha ha ha, proud nga lola niyan eh...kaso pangit naman umarte yung apo niya....
Love you Marian.
Ang totoong minamahal ni DD ay si Antoinette at si MARIAN.
at
Di ba yung Only You remake rin hahaha.
Then may paparating na Lovers in Paris remake rin. Then yung Agimat i remake rin hahaha.
Sympre like Batman, Superman na magkaiba ang story, so ganun din sa Darna.
at
Di ba yung Only You remake rin hahaha.
Then may paparating na Lovers in Paris remake rin. Then yung Agimat i remake rin hahaha.
Sympre like Batman, Superman na magkaiba ang story, so ganun din sa Darna.
Cant wait!!
exciting na kami sa paglipad ni Darna
yung mga bittered dyan na hate si darna so sorry na lang kayo dahil di nyo mapapataob ang kasikatan ng idol ko.
bukod sa well-education na cya, marami pa cyang na accomplishment sa loob ng 3 taon sa kanyang dancing career
tsk tsk tsk
typical marian fanatic
nice of you,.that's truly what a true person means.
hapee!