In love na nga ba siya?
"Hindi ko masabi kung in love na talaga, pero happy ako," sambit niya.
Anong percentage ng pagiging in love niya?
"Siguro nasa 40 percent siya," sagot ni Jolina. "At least may love na, di ba? From wala, at least, di ba? Sabi ko nga, kapag nagmo-moment ako sa kuwarto ko, hindi ko akalain na ganito pa ulit ako kasaya after ng mga nangyari sa akin."
Ayaw diretsahin ni Jolina kung sino ang lalaking nagpapasaya sa kanya ngayon, basta ito raw ay nasa mundong malapit din sa puso ni Jolina—ang music industry.
"Kasi feeling ko, nag-e-enjoy pa ako, date-date pa lang naman. Wala pa akong masagot kung sino ba siya talaga. Enjoy-in ko na lang muna, enjoy ako na manood ng sine na kasama siya, na hindi ko akalain na magagawa ko ulit.
"Ang pinaka-nakakapagpasaya talaga sa akin, kapag kasama ko yung family ko, tapos kasama siya. Yun yung pinaka-number one happiness ko ngayon. Na-meet ko na din ang family niya. Minsan kumakain kami sa labas, medyo nahihiya pa nga ako, e," kuwento ng Adik Sa 'Yo star.
Mukhang seryosohan na ito dahil involved na ang kani-kanilang pamilya?
"Seryoso man o hindi ang feeling, yun talaga ang rule, dapat ganun talaga. Haharap ka sa parents kahit sino sa inyo. So, yun ang pinaka-nakakapagpasaya sa akin," sabi ni Jolina.






doo wah dee dee dididum dididoom!
yan ang nasa isip ni jolens nung kinukuhanan siya ng picture kaya ganyan ang smile niya.
Sa mga pintasera't pintasero na akala mo mga perpekto, why don't you just be happy for a very nice person like Jolina?
si marc escueta ba? naku...good luck sa yo jolens. sa isang article dinenay ka na niya. and to think 40 percent na siya sa puso mo niyan ha? esmyuskee!!!
hirap din mnsan pag young-lookin ka anoh ?