Natatawa po ako sa issue, kasi the truth is mahirap po ako magbuntis dahil sa endometriosis ko at pagiging polycystic ko. I would have to take ovulatory drug pa and patingin sa ob-gyne for monitoring kung gusto ko na mag-baby. Alam po lahat ng manager ko the reason why I'm on leave. Hindi po totoo na wala ako sa EB dahil buntis ako," says Lian Paz (in photo with boyfriend Paolo Contis).

Photo: Noel Orsal

Last week pa sinusubukan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kunin ang reaksiyon ng EB Babes member na si Lian Paz sa mga kumakalat na balita tungkol sa kanya at sa kanyang boyfriend na si Paolo Contis.

Kabilang sa mga tsismis o balitang lumutang ukol sa magkasintahan ay ang pagbubuntis diumano ni Lian at ang pag-live-in nila ni Paolo. Lalo pang tumindi ang bulung-bulungan dahil matagal-tagal na ring hindi napagkikikita si Lian sa Eat Bulaga!.

Kanina, June 30, ay nag-text na rin sa PEP si Lian upang sagutin ang mga naglalabasang balita sa kanila ni Paolo.

"Hindi po tototo na live-in kami. I live with my family and he lives sa townhouse niya, and lalong hindi po true na buntis ako," sabi ni Lian.

"I am on leave po sa Bulaga, advice po ng doctor sa akin. Natatawa po ako sa issue, kasi the truth is mahirap po ako magbuntis dahil sa endometriosis ko at pagiging polycystic ko. I would have to take ovulatory drug pa and patingin sa ob-gyne for monitoring kung gusto ko na mag-baby. Alam po lahat ng manager ko the reason why I'm on leave. Hindi po totoo na wala ako sa EB dahil buntis ako," paliwanag niya.

Hanggang kailan ang leave niya?

"Naka-leave po ako as long as I finish my medication and frequent check-ups sa ob-gyne ko, kung mawala na po endometriosis ko. Kasi sa situation ko, the doctor advised me not to dance po muna."

Raraspahin ba siya or makukuha naman sa gamot?

"Gamot lang ang kailangan," sagot niya. "Actually, may improvements na. Nag-start ako ng leave noong May pa. Hopefully, kung okey na ako within three months, makakabalik pa ako sa EB before our contract ends."

Sinabi pa ni Lian kung paano niya nalaman ang kanyang karamdaman.

"Nalaman ko siya kasi super grabe ako mag-dysmenorrhea, nagko- collapse na lang ako. Minsan bigla, so nagpa-check-up ako, then yun na pala. Stress-related daw sabi ng doctor. It grows because of my own hormones din. Imbes na lumalabas lahat kapag may menstruation ako, sa situation ko, it goes through different parts of my reproductive system, e.

"Ako, may time na one day lang. Minsan kung magkaroon ng menstruation, pinakamahaba na ang 3 days, tapos kaunti lang," text pa niya sa PEP.