Hayden Kho wants to apologize to Maricar Reyes, but "now is not the right time"

William R. Reyes
Wednesday, July 01, 2009 @ 02:35PM  |  60392 views

"Everytime may lumalabas na videos dun sa Internet, ako din, napapahiya. Kasi ako din, nakahubad do'n. Ako din, tinitingnan ng mga tao dun. Parang... Ewan ko, the message I'm getting from the public, from most people, parang, 'Wala kang karapatang magsabing biktima ka dahil ikaw ang may kasalanan!' says Hayden Kho in his interview with TV Patrol World.

Photo By: Noel Orsal













KATRINA HALILI & DRA. VICKI BELO.  Mariing paglilinaw pa rin ang mga sumunod na pahayag ni Hayden bilang sagot sa kasong isinampa laban sa kanya ni Katrina Halili, ang isa sa mga aktres na nasangkot sa sex video scandal, at isa sa mga pinakahuling pag-uusap nila ng ex-girlfriend na si Dra. Vicki Belo.

Karen: Kaliwa't kanang kaso ang inaatupag niya ngayon, kabilang ang kasong medical malpractice na isinampa laban sa kanya ni Katrina Halili, kung saan puwedeng matanggalan siya ng lisensiya.

Hayden: Sobrang unfair yung ginawa niya [Katrina] 'tsaka nung abogado niya [Atty. Raymund Palad], na kasuhan ako nung sa malpractice, sa liposuction. Hindi raw ako puwedeng mag-lipo... And PMA [Philippine Medical Association] already made a ruling before pa na there's nothing illegal about what I did. Puwede akong mag-lipo talaga.

Nakapatay nga ba si Dr. Hayden Kho Jr. sa ginawa niyang liposuction noon?

Hayden: Hindi ako ang may kasalanan. Namatay yung patient because of asthma—status asthmaticus. Tapos may... mahabang... may istorya 'yan, e, pero hindi ko puwedeng sabihin.

Karen: Tungkol kay Dra. Vicky Belo, totoong tinanggihan daw siya nito nang gusto niyang makipagbalikan sila.

Hayden: I asked her kung she could give me a second chance. Sinabi niya na, 'Hayden, hindi na puwede... kasi iba na, e, the stakes are higher. Pinagbigyan na kita dati, napahiya ako.'"

"ANATOMY" OF SHAME.  Sa mga huling tala ng ulat ay naisatinig ang kasalukuyang saloobin ng lalaking nasa sentro ngayon ng maiinit na usapin.

Karen: Pagkatapos ng lahat ng ito, aminado si Hayden, natatakot siya sa kanyang hinaharap.

Hayden: Tama ka. Hindi na ako makakapag-practice. Hindi ako makakapagtrabaho for the next how many years dahil sa sobrang napahiya ako. Hindi rin ako masyadong makalabas ng bahay, kasi bawat labas ko, bawat ngiti ko sa labas, titirahin ako sa media.

Mangingibang-bansa ba siya, o mananatili na lang sa Pilipinas?

Hayden: Hindi din naman ako puwedeng umalis dahil naka-watchlist din ako. I'm trapped here, and so far, I got nothing to do.

Bilang pang-wakas, ibinalita ni Karen na sa Hulyo 7 naitakda ang pagsagot ng kampo ni Hayden sa isinampang reklamo ni Katrina kaugnay ng sex video scandal.

Hindi pa nga ito ang wakas ng naturang iskandalo.

« Prev  1  2  

Related Articles

210 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name