Isa na namang "paparazzo photo" nina Ruffa Gutierrez at John Lloyd Cruz ang kumakalat ngayon.
Pagkatapos lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang larawan nina Ruffa at John Lloyd habang pumapasok sa isang "swanky hotel" sa Beverly Hills, California, may iba pang sumulpot na larawan ng dalawa na magkasama. (Click here to read related story.)
Kung sa larawan na inilabas ng PEP, na kuha sa harapan ng SLS Hotel sa Beverly Hills, ay nakatalikod sa camera ang dalawa, sa lumabas na litrato kahapon, July 1, sa Manila Standard, kitang-kita na ang mga mukha nila. Sa larawan, sina Ruffa at John Lloyd ay naglalakad sa linya ng mga high-end boutiques sa Rodeo Drive, Beverly Hills.
Si Ruffa ay nakasuot ng white-petal trimmed dress at may hawak na kulay blue na Goyard bag. Si John Lloyd naman ay naka-short sleeved blue polo at black pants. Parehong naka-shades ang dalawa.
Ayon sa kolum ng beteranong entertainment editor na si Isah Red sa Manila Standard, isang classmate niya noong college na naka-base sa California ang nagpadala sa kanya ng message sa kanyang Facebook account, at matapos ay sinundan ito ng pagpapadala ng litrato. Sa natanggap na message ni Isah noong June 24 (U.S. time), pinahuhulaan sa editor kung sino ang nakita ng kaibigan at ng asawa nito sa Beverly Hills noong araw na 'yon.
June 24 ang kaarawan nina Ruffa, 35, at John Lloyd, 26.
"According to him, the two tried to look discreetly unobtrusive and seemed like two normal human beings in an environment where everyone seemed pretty preoccupied with themselves and their companions," saad ni Isah sa kanyang column tungkol sa pagkakakita ng kanyang dating classmate kina Ruffa at John Lloyd.
Nagpunta si Ruffa sa U.S. para sa kanyang birthday vacation, samantalang si John Lloyd ay naroon para sa world concert tour ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN.
Sa kabila ng pagtanggi nina Ruffa at John Lloyd na may namamagitan sa kanila higit pa sa magkaibigan, ang mga larawang kuha sa kanila sa U.S. ay tila nagkukumpirma sa totoong relasyon nila.






ano kaya ang pagsasabihin ni Kris pagbalik ni Ruffa sa The Buzz. knowing Kris na very taklesa! she doesn't care talaga kung may nasasaktan.
Ako rin hindi ko na kayang makita ang pagmumukha ni Ruffa sa TV. Balik na naman tayo sa dati na puro scandal at lies naririnig galing kay Ruffa. Hindi talaga natututo. At ang pinakamasama pa, sinasali ang mga anak sa kalokohan niya. Anabil, pakibatok nga iyang anak mo!
ginagawa nlang stupida yung mga tao not knowing na mas lalong nabubuwisit ang madlang pipol s pagdedeny nla......
iba na ang showbiz today mas gusto ng tao n totoo ka kahit ano pang baho meron ka basta nagpakatotoo ka matatanggap K.....
basta ngpakatotoo k from the start...kesa mabuking k later......
I think JL is just bored and he wants sumthing different......lilipas din c ruffa.....I don't think hahantong itoh s serious relation.........
I bet d matatagaln ni JL ang magulong buhay ni Ruffa knowing her past...
So sge hayaan n lang natin cla maglaro..........
I just hope Ruffa will realize n in her life this is the last thing that she needs..........kawawa nman yung kids nya............
masyado ng maraming cobwebs. imagine 3 yrs ng bakante
TINGNAN NIYO AT PATI SI JOHN LLOYD CRUZ, NA IMPLUWENSYAHAN NA RIN NIYANG MAGSINUNGGALING.
MAY KARAPATAN SILA SA PERSONAL NILANG BUHAY PERO WALA SILANG KARAPATAN PARA MAGSINUNGGALING SA PUBLIKO.
BOYCOTT NATIN SI RUFFA GUITTEREZ SA THE BUZZ!
BOYCOTT NATIN ANG SHOW NA RUFFA amp; AI!
WALANG CREDIBILITY SI RUFFA AT JOHN LLOYD SA MANONOOD NGAYON!
BOYCOTT SI RUFFA AT JOHN LLOYD!