Isa na namang "paparazzo photo" nina Ruffa Gutierrez at John Lloyd Cruz ang kumakalat ngayon.
Pagkatapos lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang larawan nina Ruffa at John Lloyd habang pumapasok sa isang "swanky hotel" sa Beverly Hills, California, may iba pang sumulpot na larawan ng dalawa na magkasama. (Click here to read related story.)
Kung sa larawan na inilabas ng PEP, na kuha sa harapan ng SLS Hotel sa Beverly Hills, ay nakatalikod sa camera ang dalawa, sa lumabas na litrato kahapon, July 1, sa Manila Standard, kitang-kita na ang mga mukha nila. Sa larawan, sina Ruffa at John Lloyd ay naglalakad sa linya ng mga high-end boutiques sa Rodeo Drive, Beverly Hills.
Si Ruffa ay nakasuot ng white-petal trimmed dress at may hawak na kulay blue na Goyard bag. Si John Lloyd naman ay naka-short sleeved blue polo at black pants. Parehong naka-shades ang dalawa.
Ayon sa kolum ng beteranong entertainment editor na si Isah Red sa Manila Standard, isang classmate niya noong college na naka-base sa California ang nagpadala sa kanya ng message sa kanyang Facebook account, at matapos ay sinundan ito ng pagpapadala ng litrato. Sa natanggap na message ni Isah noong June 24 (U.S. time), pinahuhulaan sa editor kung sino ang nakita ng kaibigan at ng asawa nito sa Beverly Hills noong araw na 'yon.
June 24 ang kaarawan nina Ruffa, 35, at John Lloyd, 26.
"According to him, the two tried to look discreetly unobtrusive and seemed like two normal human beings in an environment where everyone seemed pretty preoccupied with themselves and their companions," saad ni Isah sa kanyang column tungkol sa pagkakakita ng kanyang dating classmate kina Ruffa at John Lloyd.
Nagpunta si Ruffa sa U.S. para sa kanyang birthday vacation, samantalang si John Lloyd ay naroon para sa world concert tour ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN.
Sa kabila ng pagtanggi nina Ruffa at John Lloyd na may namamagitan sa kanila higit pa sa magkaibigan, ang mga larawang kuha sa kanila sa U.S. ay tila nagkukumpirma sa totoong relasyon nila.






sige , ito lang ha, sabi ni JLC close daw siya kay Jodi sta. maria, bakit hindi binibiggyan ng malisya, nakikita ba natin na pumupunta sila ni Jodi sa hotels or nag sashopping together,isa pa si Bea ang tagal tagal niya na na ka labteam, hindi mo man lang yan nakikita silang dalawa na kumakain or nag sa shopping,hindi man lang yan siguro niyaya kumain sa labas kong birthday ni BEA, wala nga daw regalo eh.i mean kahit sa pag kakaibiigan lang nila.naku, bwenas lang si JLC at mabait si BEA at ayaw sa mga intrega, sana matagal na yan lumabas ang mga baho ni JLC.kaya ngayon nakikita na ang TRUE colors ni JLC, si anbil ba naman ang kalaban ni JLC, labas ang mga baho niyan.wala na siyang magawa, sabi ni anabil, kaya niyang pabagsakin ang career ni JLC.
si ruffa nag salita sa BUZZ? naku LIES,LIES and More LIES.and then next month aamin na SILA na. si Ru
magpakatrue
EXACTLY MY POINT! and besides, O's family,i mean, his brothers are based there din.so bat kay ruffa pa? knowing na natsi-tsismis sila. another lie to cover up for a lie.grabe, ganun na ba ka-shunga tingin nila sa fans nila?grabe songrang sinungaling.kaya pala LLoydie has two L's e. yung isa liar, yung isa, censored na dito.pero slowly, parang inaamin na rin ng star magic.sana kung sinabi ni JLC ng mas maaga, inamin niya agad, edi sana dina nila kelangan mag-out of the country pa.yun nga lang, si liz kase eh.
LAX airport has phone and you can call the hotel and the shuttle bus will pick you .
I'm not convinced of Ruffas answer pero cge we'll give them a chance and please prove it .
oi mga jlc-rg fans okey lang na maging sila wag lang magdeny pa sino ba naman matutuwa non, nacondition na kami na wala naman daw relation then all of the sudden me balita na sila pala. sana umamin nalang sa una pa para maka move on na lahat mahirap kasi magisip kung ano ba talaga sila nakakaloka, jlc is a public figure so he owe his fans to tell the truth then its up to us if he will still be supported or not kanya kanyang pananaw lang yan, for me no more na, good riddance jlc.
So many here wanted to PLAY John Lloyd's stage moms. Wake up people, let John Lloyd decides for himself.