John James Uy is alive.
Nakatanggap ng isang text message ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na nasangkot daw ang model turned actor sa isang major car accident noong isang gabi sa EDSA-Ayala Avenue.
Sabi din sa text, "He was with an unknown girl and they were rushed to Makati Medical Center.
Ipinadala ng PEP ang text message kay Tess Gubi ng Star Magic at mabilis naman ang naging sagot nito: "Nope. Not True. Spoke to him kanina, he's okay resting after Your Song taping. May nag-text brigade ng ganyan, di niya alam kung saan nanggaling."
Si John James Uy ay ang male second runner-up sa kaisa-isang reality model search show ng Bench in cooperation with ABS-CBN, ang Be Bench kung saan nanalo si Carlo Guevara. Miyembro rin siya ng all-male group na Coverboys.