Bungad pa lamang ng pelikulang Bente ni Mel Chionglo, naka-focus na ang frame kay Aldred Gatchalian. Maski hanggang sa katapusan ng pelikula, markado siya. Malinaw na biggest break ito ni Aldred, isang Star Magic artist, na sa pagkakataong ito ay lumabas sa pelikula ng independent prodyuser na si Tony Tuviera.
Si Tony Tuviera—maverick producer na siya ring gumawa ng animated film na Urduja, ngunit mas kilala bilang prodyuser ng Eat Bulaga, ang longest-running noontime show sa telebisyon—ang nag-bankroll ng Bente. Ito ay kasama sa Sine Direk series, na binubuo ng anim na digital films, kung saan anim na batikang direktor, imbis na bigyan ng assignment ni Mr. Tuviera, ay binigyan ng layang pumili ng kani-kanilang project.
Liban kay Mel Chionglo, ang iba pang direktor sa series ay sina Soxy Topacio (Ded na si Lolo), Joel Lamangan (Fucshia), Lore Reyes (Litsonero), Peque Gallaga (Agaton and Mindy), Mario de los Reyes (Kamoteng Kahoy).
Sinasabing risky venture ito para kay Tuviera—na mas madalas tawaging Mr. T—dahil ang Pinoy audience ay nasanay na sa mga pelikulang ma-love story, ma-pakilig, at malabnaw. Ang Bente, na isinulat ni Ricky Lee, ay maiksi at mabilis ang pacing, at tungkol sa mga tinatawag na extra-judicial killings, a.k.a. salvagings, at forced disappearances. Ngunit binigyan din ito ng iba pang dimension sa pagkakalagay ng crime of passion. Sa setting na ito, ipinasok si Aldred.
Hindi tuloy maubos ang pasasalamat ni Aldred sa mga nagtiwala sa kanya, lalo na kay Direk Mel Chionglo.
"Sobrang honored ako dahil malalaking artista ang mga kasama ko rito," sabi ni Aldred sa PEP (PhilippineEntertainment Portal). "Masaya ako at nabigyan ako ng ganitong klaseng role. Hindi naman ako na-intimidate. Pinaghandaan ko ang mga eksena namin ni Senator Jinggoy [Estrada]. Na-pressure talaga ako dahil malalaking stars ang kasama ko rito sa movie. Hindi ko na lang inisip yun para maging maganda ang kalabasan ng performance ko."
Alam ni Aldred na unang naipagkatiwala sa StarStruck winner na si Marky Cielo ang role na napunta sa kanya. Sa kasamaang-palad, pumanaw si Marky.
"It's God's will na rin talaga. Kasi, hindi ko naman ginusto rin na ganoon yun, e. Para mapunta sa akin yun, divine intervention na lang," sabi pa ni Aldred. "Nagpapasalamat din siyempre ako kay Marky. Kung nasaan man siya, sana maging masaya rin siya kung paano ko na-handle ang role."
Ang mga nakapanood ang mukhang naging masaya. Maraming ginulat si Aldred nang mai-premiere ang Bente sa Podium noong Huwebes ng gabi, July 2.
Una, may daring scenes si Aldred dito. Nasa kama siya, kasama ang girlfriend, na ginampan ni Glaiza de Castro.
"Nang ibigay sa akin ang script, alam ko nang may eksenang kailangang ipakitang naka-underwear lang ako. Kinausap ko lang si Direk Mel, kasi may mga bawal na gawin ko. Nagtiwala ako na hindi niya ako pababayaan. At saka yung magawa lang maayos ang mga eksena, at nagawa namang maayos.
"Happy ako. In good taste talaga lumabas. At saka okey si Glaiza na katrabaho. Simple lang siya sa mga eksena namin. Nag-uusap kami sa set at masaya naman," sabi pa ng binata.
Pangalawa at mas mahalaga, maraming big scenes dito si Aldred as a student activist, gaya ng mga pagtatalumpati sa mga protest rallies at pakikipagkiskisan sa mga government agents. Dito, kapanipaniwala ang kanyang facial expressions at kilos ng kanyang katawan. Mababakas ang tapang, galit, at sinseridad na kailangan sa role ng isang aktibistang galit sa katiwalian at may pagmamahal sa bayan. Sabi nga ng ilang nakausap ng PEP, hindi raw uma-acting si Aldred, mukhang totoong-totoo.
"Hinihingi agad sa akin yun, kasi nasa script," aniya. "In-imagine ko agad kung paano ko gagawin, at naroroon si Direk Mel na hindi naman kami pinabayaan, kung paano ang atakeng gagawin. Open siya sa suggestions. Kapag may gusto siyang ipagawa, ipinapaliwanag niyang mabuti. Kung may babaguhin, ipinapaalam niyang mabuti kung paano gagawin."
Kahit sa iba pa niyang big scenes—gaya ng mga pagtatalo nila ng kanyang girlfriend (Glaiza de Castro), ng pagtakas niya mula sa mga tumutugis na government agents (kasama si Mikee Lee), at ng pagtatagpo nila ng isang tinutugis ding radio commentator (Jinggoy Estrada)—hindi siya nagkulang. Hindi halatang baguhan siya.





best frend nya dun s house si KIM!
weLL mas hamak nman n mas magaLing k nman s ibang star s dos nakkainis dapat bgyan k ng break!
gustong gusto kita sobra ahihihi!
congratss!
tuberong_taga
log
papalipatin mo pa sa kabila eh kulang na nga kayo sa tunay na lalaki jan.
- nagbabasa kb?? nakita mo puring-puri tapos sasabihin mo di sisikat di ka ata nanood ng tv eh, or wla kayong tv kya hanggang internet kn lng.. di k aasenso nyan puro ka bitterness!!
mag-tinda ka na lang iho ng kahit ano.
congratulationsssss!
Congratulations Aldred! Star Cinema will be so proud of you. Even though we are very dissapointed when you left early in PBB teens. You are a very promising wannabe then and we can see in your facial expression that you are one of the very exciting actors to be. Your long wait stay in the limelight will now be recognized. Keep focus and be kind hearted. And the most important of all keep your feet on the ground and don't let other people destroy you. You just have to keep watch of your parents. No matter how good you are on the screen if the people sees how greedy your parents. Your downfall will start. So we hope that everything good will start from your own backyard. ALDRED'S PARENTS WATCHOUT!
Nd nya kbatch si r0bi.sina mikee lee, gerald at kim ung kbatch nya.