Matitindi ang naging pahayag ng legendary singer-composer na si Freddie Aguilar ukol sa ilang kaganapan sa music scene, partikular ang hinggil sa piracy sa music industry, pati ang adhikain niyang pagpapalit ng ilang linya sa Lupang Hinirang, at ang pagiging prominente ngayon ng ilang Pinoy talents sa States tulad nina Charice Pempengco at Arnel Pineda ng Journey.
"Hindi maganda ang masasabi ko, e, gusto n'yo sabihin ko?" tila parang pasintabi niya na may halong paghahamon nang tanungin ng PEP (Phlippine Entertaiment Portal) si Freddie tungkol kina Charice at Arnel noong July 3 sa grand opening ng kanyang Ka Freddie's Music Bar and Restaurant sa Adriatico, Manila.
"E, pinatototohanan lang ang sinabi ni Mariah Carey na tayong mga Filipino ay mga unggoy. Kasi, wala tayong sarili, gaya-gaya lang tayo. Nasa Amerika ka na, binigyan ka na ng pagkakataon na kumanta sa Oprah, bakit kumanta ka pa ng kanta ni Celine Dion? Sinabi ni Mariah na mga unggoy ang Filipino, gaya-gaya lang kayo, e, di napatunayan nga, totoo nga.
"Kasi, di ba, what monkeys see, monkeys do. Dapat ang kinanta niya, bakit hindi 'Dahil Sa Iyo' o kaya ay kahit ano, basta kantang Filipino? O kaya Visayan, Ilocano... lalo siyang sisikat sa buong mundo nun," pahayag ni Freddie.
Pero hindi naman talaga napatunayan na sinabi ni Mariah na "monkey" ang Pinoy.
STAYING FILIPINO. Ano kaya ang dapat gawin nina Charice at iba pang Filipino international artists para masabing proud siya sa kanilang ginagawa?
"Kasi, sasabihin ko na naman, katulad ng ginawa ko, e, puro na lang ako," may himig ng pagkabantulot na paliwanag niya.
"Kasi, inalok ako ng mga Kano noon [1980], noong kasikatan ng Anak," pagpapatuloy ni Freddie. "Inalok nila akong doon na tumira sa Amerika, sampung milyong dolyar, guaranteed na income ko in ten years. Sa madaling salita, one million dollars a year, guaranteed, ilalagay sa akin pagkapirmang-pagkapirma ko ng kontrata. Ang kapalit, kaluluwa ko bilang isang Filipino.
"Hindi ko alam na 'yon ang kapalit dati. Nag-recording ako sa Hollywood. Ang mga musikero ko ay puro puti, ako lang ang Filipino doon. May back-up singer akong tatlo, si Teri DeSario [ kumanta ng 'Fallin'] ang isa sa back-up singer ko, si Teri. Sumikat siya sa buong mundo, back-up singer ko lang 'yon kung tinanggap ko yung kontrata. Hindi ko muna tinanggap, nag-recording muna ako ng sample ng international album sa Hollywood. Maganda, Ingles. Marunong din akong kumanta ng Ingles.
"E, di ang ganda, inuwi ko muna 'yong produktong album sa Pilipinas. Pero hindi ako pumipirma, sabi ko ay tingnan muna natin. Pero ang pagkanta ko ng English ay may kapalit 'yon, papayag akong gumawa ng Hollywood album, pero yung kantang 'Anak' at yung 'Alaala ni Ama,' huwag ninyong pakikialaman. Kung ano yung original recording nun, isasama ninyo, 'ika ko doon sa international album na gagawin ko sa Hollywood. Puwede kang mag-demand, e, hindi ka nila didiktahan dahil kailangan ka nila, e, nagko-compromise."
Patuloy niya, "Inuwi ko sa Pilipinas yung album, ang ganda, ipinarinig ko sa lahat ng mga kababayan natin na kaibigan ko, ipinagyabang ko. Sabi ko, 'Heto na yung international album ko.' Lahat ng nakarinig sinabi nila na, 'Freddie, ayan na 'yan, ayan na ang pinapangarap ng lahat ng Filipino na sumikat sa Amerika, ayan na 'yan. Stateside na ang tunog mo, Freddie.'
"Ako naman, proud na proud ako, 'Tama, international na ako talaga.' Ganoon ang feeling ko. Pero 'pag mag-isa na ako sa gabi at matutulog na ako, ang laki-laki ng question mark sa puso at sa utak ko. Naiisip ko kung tama ba ang ginawa ko, tama ba yun? Isang araw, wala akong inimbitang kaibigan, mag-isa lang ako at pinakinggan ko yung album na ginawa ko sa Amerika. Sabi ko, 'Ay, hindi ko gagawin ito.'
"Alam mo kung bakit? Kasi, hindi na ako 'yon, hindi na Filipino, Amerikano na yung nandoon. Kapag hindi sinabing 'Freddie Aguilar from the Philippines,' hindi mo ako mapapagkamalang Filipino. Pati yung tunog, Amerikano na talaga.
"Bumalik ako doon [U.S.], tinakot nila ako na, 'Freddie, you will be forgotten. That's it, that's the end of your career, man. Nobody says no to this kind of offer.' Sabi ko, 'Are you kidding me? I did not say no, I said I cannot do it, because I want to be me.' Sabi ko, 'I'm giving you a choice,' ika ko, 'bring me to Nashville and I will make lampaso...' Sabi ko, ilalampaso ko ang mga country singer ninyo sa Amerika, kaya kong lampasuhin 'yan. Sabi ko ay dalhin ako sa Nashville, doon na lang masaya na ako doon, pero huwag na huwag mong papalitan ang kanta ko, Tagalog. Pero magko-compromise ako, kakanta ako ng English, huwag mo lang talaga akong gawing pop. Pop star na ako, e, ginawa akong pop.
"Anong sabi ko, hindi ko kaya, hindi ko sinabing ayaw ko. Sinong may ayaw ng sampung milyong dolyar, ano ako baliw? Gusto ko rin 'yon, pero hindi naman kapalit ng puso ko. Hindi ko lang pinanghinayangan yung sampung milyong dolyar, talagang maluha-luha yung wallet ko. Pero 'yong puso ko ay ayaw pumayag, e.





She has a few now that this junkie did not recognized written by a Filipino. The song is Always you and some other.It is in English but its the songwriter/composer/producer decision what song to sing. Its not Charice who will decide because it is not her creation. She was chosen/paid to interpret the songs created by the songwriter and paid up for by the producer to generate income.
What if Frediie wrote a song for Charice to show his patriotism. I think freddie will be very happy and a lot of people will be too if it suceeded internationally. Unfortunately, this will not happen because Freddie doesnt believe in Charice/Arnel singing talent . See how rude and cruel the way he degraded the talent of this little young promising talent. He is so disgusting and
Seriously, one thing of being proud pinoy, but to openly criticize these guys in public are definitely out of character for someone in your status, manong. I believed an apology should follow, we still love you Fred.....only you can remedy this.
Freddie A, should NOT at all compare Charice and his experience. It's not the same. Pinoys are called monkeys for so many reasons, not only because gaya-gaya tyo.
And guess what? Contestants on varieties of american singing contests do not sing originals. Did it matter to the judges or people? Were they called monkeys? No.
We are monkeys because of our bulok na sistema, corrupt na to, at mga balasubas na mamamayan. Yan ang dahilan kung bakit tyo bulok. Tulad ni Freddie. Di naman sya inaano ni Charice diba? Crab mentality. Si Freddie ang tunay sa example ng unggoy na Pinoy. Hindi si Charice.
si gary v very talented hindi naman copycat. maybe inspired lang with michael jackson. and gary v is brilliant. he writes and composes songs.
Pero you have a point. Kaya lang, wag masyadong harsh.
I think they were made up by OUR OWN journalist in the Philippines... you can just see how self-aware we are about it...
Parang napaka out of character to hear this from him though. Sa headline palang, alam monang this will attract really negative reactions...
On the other hand legend talaga si Mr. Aguiler lets not write him off. KaC my point then naman siya...
Most 'Pilipino Artist' are no doubt talented but shameless at being copy-cat...
I mean masyado tayong ma-pride, we lack in originality naman...
I know more about CHARICE than ARNEl PENEDA, pero yun yatang band niya is called quot;The Journeyquot; so natural English yung mga covers niya...
Leah Salonga has her own identity at kinilala sa buong mundo na TATAK PINOY.But Charice, tatak monkey nga.
Pansin ko nga mga singer nowadays, walang sariling pagkakakilanlan.Kung tenga lang tlg ang gagamtin mo, ang hirap idistinguish sila.Si SARAH dati REGINE V din ang boses, ng naparinggan biglang nagbago ang boses.
Pero ang mga singers natin dati, alam na alam mo kagad kung sino ung kumakanta eh.Even YOYOY VILLAME has his own style. Mga panahon nila Pilita Corales, Dulce, Imelda Papin, si Ka-Freddie nga, asin, even sila TVJ...U could easily say na sila yan.But now...
When Charice sang 'TAYO AY FILIPINO 'na un, ung commercial nia sa TFC/ABS, malayo ako sa TV ky boses lng dinig ko.Diko malaman kung si Sarah G. ba, o anyone kanila Rachel ang kumakanta.Pagcommercial uli, nge, si Charice pala.
I think, KYLA has already established her own identity.Di lang napapasikat.
Leah Salonga has her own identity at kinilala sa buong mundo na TATAK PINOY.But Charice, tatak monkey nga.
Leah Salonga has her own identity at kinilala sa buong mundo na TATAK PINOY.But Charice, tatak monkey nga.