"E, pinatototohanan lang ang sinabi ni Mariah Carey na tayong mga Filipino ay mga unggoy. Kasi, wala tayong sarili, gaya-gaya lang tayo. Nasa Amerika ka na, binigyan ka na ng pagkakataon na kumanta sa Oprah, bakit kumanta ka pa ng kanta ni Celine Dion? Sinabi ni Mariah na mga unggoy ang Filipino, gaya-gaya lang kayo, e, di napatunayan nga, totoo nga," says Freddie Aguilar (main photo) about Filipino international artists Charice Pempengco and Arnel Pineda (insets).
Freddie Aguilar says Charice and Arnel Pineda prove that Filipinos are "monkeys"
Monday, July 6, 2009
03:08 PM
Rating
Matitindi ang naging pahayag ng legendary singer-composer na si Freddie Aguilar ukol sa ilang kaganapan sa music scene, partikular ang hinggil sa piracy sa music industry, pati ang adhikain niyang pagpapalit ng ilang linya sa Lupang Hinirang, at ang pagiging prominente ngayon ng ilang Pinoy talents sa States tulad nina Charice Pempengco at Arnel Pineda ng Journey.
"Hindi maganda ang masasabi ko, e, gusto n'yo sabihin ko?" tila parang pasintabi niya na may halong paghahamon nang tanungin ng PEP (Phlippine Entertaiment Portal) si Freddie tungkol kina Charice at Arnel noong July 3 sa grand opening ng kanyang Ka Freddie's Music Bar and Restaurant sa Adriatico, Manila.
"E, pinatototohanan lang ang sinabi ni Mariah Carey na tayong mga Filipino ay mga unggoy. Kasi, wala tayong sarili, gaya-gaya lang tayo. Nasa Amerika ka na, binigyan ka na ng pagkakataon na kumanta sa Oprah, bakit kumanta ka pa ng kanta ni Celine Dion? Sinabi ni Mariah na mga unggoy ang Filipino, gaya-gaya lang kayo, e, di napatunayan nga, totoo nga.
"Kasi, di ba, what monkeys see, monkeys do. Dapat ang kinanta niya, bakit hindi 'Dahil Sa Iyo' o kaya ay kahit ano, basta kantang Filipino? O kaya Visayan, Ilocano... lalo siyang sisikat sa buong mundo nun," pahayag ni Freddie.
Pero hindi naman talaga napatunayan na sinabi ni Mariah na "monkey" ang Pinoy.
STAYING FILIPINO. Ano kaya ang dapat gawin nina Charice at iba pang Filipino international artists para masabing proud siya sa kanilang ginagawa?
"Kasi, sasabihin ko na naman, katulad ng ginawa ko, e, puro na lang ako," may himig ng pagkabantulot na paliwanag niya.
"Kasi, inalok ako ng mga Kano noon [1980], noong kasikatan ng Anak," pagpapatuloy ni Freddie. "Inalok nila akong doon na tumira sa Amerika, sampung milyong dolyar, guaranteed na income ko in ten years. Sa madaling salita, one million dollars a year, guaranteed, ilalagay sa akin pagkapirmang-pagkapirma ko ng kontrata. Ang kapalit, kaluluwa ko bilang isang Filipino.
"Hindi ko alam na 'yon ang kapalit dati. Nag-recording ako sa Hollywood. Ang mga musikero ko ay puro puti, ako lang ang Filipino doon. May back-up singer akong tatlo, si Teri DeSario [ kumanta ng 'Fallin'] ang isa sa back-up singer ko, si Teri. Sumikat siya sa buong mundo, back-up singer ko lang 'yon kung tinanggap ko yung kontrata. Hindi ko muna tinanggap, nag-recording muna ako ng sample ng international album sa Hollywood. Maganda, Ingles. Marunong din akong kumanta ng Ingles.
"E, di ang ganda, inuwi ko muna 'yong produktong album sa Pilipinas. Pero hindi ako pumipirma, sabi ko ay tingnan muna natin. Pero ang pagkanta ko ng English ay may kapalit 'yon, papayag akong gumawa ng Hollywood album, pero yung kantang 'Anak' at yung 'Alaala ni Ama,' huwag ninyong pakikialaman. Kung ano yung original recording nun, isasama ninyo, 'ika ko doon sa international album na gagawin ko sa Hollywood. Puwede kang mag-demand, e, hindi ka nila didiktahan dahil kailangan ka nila, e, nagko-compromise."
Patuloy niya, "Inuwi ko sa Pilipinas yung album, ang ganda, ipinarinig ko sa lahat ng mga kababayan natin na kaibigan ko, ipinagyabang ko. Sabi ko, 'Heto na yung international album ko.' Lahat ng nakarinig sinabi nila na, 'Freddie, ayan na 'yan, ayan na ang pinapangarap ng lahat ng Filipino na sumikat sa Amerika, ayan na 'yan. Stateside na ang tunog mo, Freddie.'
"Ako naman, proud na proud ako, 'Tama, international na ako talaga.' Ganoon ang feeling ko. Pero 'pag mag-isa na ako sa gabi at matutulog na ako, ang laki-laki ng question mark sa puso at sa utak ko. Naiisip ko kung tama ba ang ginawa ko, tama ba yun? Isang araw, wala akong inimbitang kaibigan, mag-isa lang ako at pinakinggan ko yung album na ginawa ko sa Amerika. Sabi ko, 'Ay, hindi ko gagawin ito.'
"Alam mo kung bakit? Kasi, hindi na ako 'yon, hindi na Filipino, Amerikano na yung nandoon. Kapag hindi sinabing 'Freddie Aguilar from the Philippines,' hindi mo ako mapapagkamalang Filipino. Pati yung tunog, Amerikano na talaga.
"Bumalik ako doon [U.S.], tinakot nila ako na, 'Freddie, you will be forgotten. That's it, that's the end of your career, man. Nobody says no to this kind of offer.' Sabi ko, 'Are you kidding me? I did not say no, I said I cannot do it, because I want to be me.' Sabi ko, 'I'm giving you a choice,' ika ko, 'bring me to Nashville and I will make lampaso...' Sabi ko, ilalampaso ko ang mga country singer ninyo sa Amerika, kaya kong lampasuhin 'yan. Sabi ko ay dalhin ako sa Nashville, doon na lang masaya na ako doon, pero huwag na huwag mong papalitan ang kanta ko, Tagalog. Pero magko-compromise ako, kakanta ako ng English, huwag mo lang talaga akong gawing pop. Pop star na ako, e, ginawa akong pop.
"Anong sabi ko, hindi ko kaya, hindi ko sinabing ayaw ko. Sinong may ayaw ng sampung milyong dolyar, ano ako baliw? Gusto ko rin 'yon, pero hindi naman kapalit ng puso ko. Hindi ko lang pinanghinayangan yung sampung milyong dolyar, talagang maluha-luha yung wallet ko. Pero 'yong puso ko ay ayaw pumayag, e.
"Sabi nila ay malalaos na ako, pero natsambahan ulit natin sa 'Magdalena' at hindi naman pala totoo na malalaos na ako. Sumikat ulit 'yong 'Magdalena,' sa buong mundo ulit. Kung na-promote ko lang iyang 'Magdalena,' baka tinalo pa ng 'Magdalena' 'yang benta ng 'Anak.'
"So bakit hindi ko pinromote? Iyan dapat ang susunod na tanong, di ba? Kasi pinatay si Ninoy Aquino. Sumikat ang 'Magdalena' sa buong mundo at imbes na mag-promote ako sa buong mundo, nandiyan ako sa rally, kumakanta ako ng bagong version ng 'Bayan Ko,' na later on, naging international ulit. So, mali pala 'yong mga sinabi ng mga Kano na malalaos na ako, na makakalimutan na ako ng buong mundo. Dahil lalo akong minahal ng buong mundo, dahil nanindigan pa ako, hindi ko ibinenta yung soul ko at hindi ako naging unggoy. So, hindi ako unggoy na Filipino at maraming hindi unggoy na Filipino.
"So, sabi ko rin, si Gary Valenciano, hindi siya sisikat kung gagayahin niya lang si Michael Jackson. So, 'ika ko, kung gusto niyang sumikat sa buong mundo, iyong energy niya, iyon ang ilagay niya sa plaka niya. Kasi, nakita n'yo naman si Gary, kahit nakaupo lang sa isang sulok ay may energy talaga yung tao.
"And isa pang masasabi ko, napatunayan natin na kaya pala nating gumawa ng kantang pang-universal, nandiyan yung Anak, e," mahaba niyang kuwento.
ANAK. Thirty one years ago na nang pasikatin niya ang awiting "Anak," pero ano kaya ang maituturing niyang pinakamalaking kontribusyon sa music industry?
- Freddie Aguilar rails against NBI for bloody shootout during nephew's arrest
- Freddie Aguilar turns deaf ear to politicians who want him to run for office
- Glee stars, fellow celebrities, and fans condole with Charice via Twitter
- Charice on finding her musical identity: "Gusto ko pong ma-recognize as a singer from Asia, not an Asian singer trying to be an American artist."
- Aiza Seguerra reveals greatest frustration about local music industry; recalls rooting for Charice when the now-international sensation joined a local talent search and lost
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Katrina Halili on Hayden Kho's return to showbiz: "Ow? That guy? He's coming back? Oh, good luck to him!"
- Lea Salonga compares professionalism of teen stars then and now: "It just seems to be a different culture, it just seems to be a very different showbiz..."
- Barbie Forteza walkout on the set not true, says mom; they were given permission to leave early because they had a plane to catch
- Erik Santos: "Pwede ko bang i-try maging Martin Nievera?"
- Manny Pacquiao a changed man since he started reading the Bible
- Former child actress Miles Ocampo finally introduced as teen star
-
Health and Beauty
Dimples Romana's fuss-free beauty regimen
The Kapamilya actress believes that preparation is the key to fight ageing.
-
Television
AKTV and PBA heighten "Kampihan Na!" campaign for Commissioner's Cup
PBA continues its campaign of asking fans to be more vocal about their support for their favorite basketball teams.
-
Controversies
Alice Dixson denies separation rumors anew
Alice Dixson says she and her husband have agreed not to have a baby.
-
Events
David Archuleta to perform at Pyropalooza event
Zia Quizon, Indios, Never The Strangers, and JAMICH will join David Archuleta in serenading the crowd.
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Part 2 Dolly Anne Carvajal on Carmina Villarroel-Claudine Barretto issue: "I stand by my story."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
Advertisement

