Matitindi ang naging pahayag ng legendary singer-composer na si Freddie Aguilar ukol sa ilang kaganapan sa music scene, partikular ang hinggil sa piracy sa music industry, pati ang adhikain niyang pagpapalit ng ilang linya sa Lupang Hinirang, at ang pagiging prominente ngayon ng ilang Pinoy talents sa States tulad nina Charice Pempengco at Arnel Pineda ng Journey.
"Hindi maganda ang masasabi ko, e, gusto n'yo sabihin ko?" tila parang pasintabi niya na may halong paghahamon nang tanungin ng PEP (Phlippine Entertaiment Portal) si Freddie tungkol kina Charice at Arnel noong July 3 sa grand opening ng kanyang Ka Freddie's Music Bar and Restaurant sa Adriatico, Manila.
"E, pinatototohanan lang ang sinabi ni Mariah Carey na tayong mga Filipino ay mga unggoy. Kasi, wala tayong sarili, gaya-gaya lang tayo. Nasa Amerika ka na, binigyan ka na ng pagkakataon na kumanta sa Oprah, bakit kumanta ka pa ng kanta ni Celine Dion? Sinabi ni Mariah na mga unggoy ang Filipino, gaya-gaya lang kayo, e, di napatunayan nga, totoo nga.
"Kasi, di ba, what monkeys see, monkeys do. Dapat ang kinanta niya, bakit hindi 'Dahil Sa Iyo' o kaya ay kahit ano, basta kantang Filipino? O kaya Visayan, Ilocano... lalo siyang sisikat sa buong mundo nun," pahayag ni Freddie.
Pero hindi naman talaga napatunayan na sinabi ni Mariah na "monkey" ang Pinoy.
STAYING FILIPINO. Ano kaya ang dapat gawin nina Charice at iba pang Filipino international artists para masabing proud siya sa kanilang ginagawa?
"Kasi, sasabihin ko na naman, katulad ng ginawa ko, e, puro na lang ako," may himig ng pagkabantulot na paliwanag niya.
"Kasi, inalok ako ng mga Kano noon [1980], noong kasikatan ng Anak," pagpapatuloy ni Freddie. "Inalok nila akong doon na tumira sa Amerika, sampung milyong dolyar, guaranteed na income ko in ten years. Sa madaling salita, one million dollars a year, guaranteed, ilalagay sa akin pagkapirmang-pagkapirma ko ng kontrata. Ang kapalit, kaluluwa ko bilang isang Filipino.
"Hindi ko alam na 'yon ang kapalit dati. Nag-recording ako sa Hollywood. Ang mga musikero ko ay puro puti, ako lang ang Filipino doon. May back-up singer akong tatlo, si Teri DeSario [ kumanta ng 'Fallin'] ang isa sa back-up singer ko, si Teri. Sumikat siya sa buong mundo, back-up singer ko lang 'yon kung tinanggap ko yung kontrata. Hindi ko muna tinanggap, nag-recording muna ako ng sample ng international album sa Hollywood. Maganda, Ingles. Marunong din akong kumanta ng Ingles.
"E, di ang ganda, inuwi ko muna 'yong produktong album sa Pilipinas. Pero hindi ako pumipirma, sabi ko ay tingnan muna natin. Pero ang pagkanta ko ng English ay may kapalit 'yon, papayag akong gumawa ng Hollywood album, pero yung kantang 'Anak' at yung 'Alaala ni Ama,' huwag ninyong pakikialaman. Kung ano yung original recording nun, isasama ninyo, 'ika ko doon sa international album na gagawin ko sa Hollywood. Puwede kang mag-demand, e, hindi ka nila didiktahan dahil kailangan ka nila, e, nagko-compromise."
Patuloy niya, "Inuwi ko sa Pilipinas yung album, ang ganda, ipinarinig ko sa lahat ng mga kababayan natin na kaibigan ko, ipinagyabang ko. Sabi ko, 'Heto na yung international album ko.' Lahat ng nakarinig sinabi nila na, 'Freddie, ayan na 'yan, ayan na ang pinapangarap ng lahat ng Filipino na sumikat sa Amerika, ayan na 'yan. Stateside na ang tunog mo, Freddie.'
"Ako naman, proud na proud ako, 'Tama, international na ako talaga.' Ganoon ang feeling ko. Pero 'pag mag-isa na ako sa gabi at matutulog na ako, ang laki-laki ng question mark sa puso at sa utak ko. Naiisip ko kung tama ba ang ginawa ko, tama ba yun? Isang araw, wala akong inimbitang kaibigan, mag-isa lang ako at pinakinggan ko yung album na ginawa ko sa Amerika. Sabi ko, 'Ay, hindi ko gagawin ito.'
"Alam mo kung bakit? Kasi, hindi na ako 'yon, hindi na Filipino, Amerikano na yung nandoon. Kapag hindi sinabing 'Freddie Aguilar from the Philippines,' hindi mo ako mapapagkamalang Filipino. Pati yung tunog, Amerikano na talaga.
"Bumalik ako doon [U.S.], tinakot nila ako na, 'Freddie, you will be forgotten. That's it, that's the end of your career, man. Nobody says no to this kind of offer.' Sabi ko, 'Are you kidding me? I did not say no, I said I cannot do it, because I want to be me.' Sabi ko, 'I'm giving you a choice,' ika ko, 'bring me to Nashville and I will make lampaso...' Sabi ko, ilalampaso ko ang mga country singer ninyo sa Amerika, kaya kong lampasuhin 'yan. Sabi ko ay dalhin ako sa Nashville, doon na lang masaya na ako doon, pero huwag na huwag mong papalitan ang kanta ko, Tagalog. Pero magko-compromise ako, kakanta ako ng English, huwag mo lang talaga akong gawing pop. Pop star na ako, e, ginawa akong pop.
"Anong sabi ko, hindi ko kaya, hindi ko sinabing ayaw ko. Sinong may ayaw ng sampung milyong dolyar, ano ako baliw? Gusto ko rin 'yon, pero hindi naman kapalit ng puso ko. Hindi ko lang pinanghinayangan yung sampung milyong dolyar, talagang maluha-luha yung wallet ko. Pero 'yong puso ko ay ayaw pumayag, e.





And quot;ang mamatay ng dahil sa iyoquot; in context is all about going ALL OUT in defending MY motherland EVEN if it means DYING for it.
in the context of music what is pinoy? music supposedly has no boundaries; you can't claim who really started what.
I can tell you that FA didnt invent anything musical just because he sings using the native language doesnt make him more patriotic and NOT a copy-cat himself; look at his picture again what is pinoy there? Let's pretend that he invented his music style, but the guitar his using already contradicts that.
Pop music is what Charice and Arnel chose to aspire to. Tell me what is the matter with that? FA can stick to his music style as much as he wants to but dont make silly comments that has negative effects.
Charice amp; Arnel is known around the world now think of what other countries would say if they know of this comment
Freddie Aguilar's voice, style, and image are unique. The lyrics of his songs make sense and has plenty of substance. He is no longer young and his singing career may not be as great but to many Filipinos, his songs are inspirational and will live forever. He is a Filipino icon.
kung tama ang pinagsasabi mo, bakit walang singer na magcomment para kampihan ka. Kung talagang maginoo ka, at mayroon respeto sa sarili, alam mo na ang dapat mong gawin kay Charice at Arnel, tawagan mo sila para mag=sorry, kung ipipilit mo yung nasimulan mong mali dahil sa taas ng pride mo, ikaw lang din ang maapektohan. ang simpatiya ng tao ay kay charice, hindi mo siguro akalain ma ganito karami ang kakampikay charice.
buti pa si ogie alcasid magaling.