Freddie Aguilar says Charice and Arnel Pineda prove that Filipinos are "monkeys"

Nonie V. Nicasio
Monday, July 06, 2009 @ 03:08PM  |  183271 views

 

"E, pinatototohanan lang ang sinabi ni Mariah Carey na tayong mga Filipino ay mga unggoy. Kasi, wala tayong sarili, gaya-gaya lang tayo. Nasa Amerika ka na, binigyan ka na ng pagkakataon na kumanta sa Oprah, bakit kumanta ka pa ng kanta ni Celine Dion? Sinabi ni Mariah na mga unggoy ang Filipino, gaya-gaya lang kayo, e, di napatunayan nga, totoo nga," says Freddie Aguilar (main photo) about Filipino international artists Charice Pempengco and Arnel Pineda (insets).

Photo By: Summit Library (Freddie) & Noel Orsal (Charice & Arnel)













"Masyado na kasing high-tech ang pamimirata, pero ang batas natin ay low-tech pa rin. Kaya dapat bigatan ang parusa talaga sa mga pirata," pahayag niya.

Di ba't may ginagawa naman ang Optical Media Board chairman na si Edu Manzano upang puksain ang piracy rito sa Pilipinas?

"Wala namang ngipin ang hawak ni kasamang Edu, e," sagot ni Freddie. "Kahit itanong mo sa kanya, aaminin niya sa iyo na wala naman silang ngipin, wala silang police powers. Kaya dapat ay bigyan sila ng police powers para may kapangyarihan talaga sila."

Pero ngayon may napasa na rin daw bill ukol dito mula kay Senator Bong Reviila?

"Dapat naman. Pero let's see, kasi mayroon na rin tayong intellectual property protection, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin namin natitikman, wala pa rin dahil nga pinipigilan ng pagbenta ng plakang legal, puro pirata ang kumikita. So, ano pa rin ang makukuha mo sa pagiging intellectual property owner mo kung wala kang bentang legal? Ganoon pa rin.

"Tuwang-tuwa rin kami noon nang magkaroon ng intellectual property protection, pero wala ring saysay dahil hindi nga bumebenta yung mga legal."


"BUHAY AY LANGIT SA PILING MO." Kung i-request siyang kumanta ng ating National Anthem, papayag ba siya?

"Hindi ako kakanta," sagot ni Freddie. "E, malaki ang singil ko, mababayaran ba nila iyon? Kung babayaran nila ako, kakanta ako, bakit hindi?"

Susundin ba niya yung tamang kanta ng "Lupang Hinirang"?

"Hindi ko masasabi, kung ano ang pakiramdam ko pagtayo ko doon, ako lang ang nakakaalam nun. Yun ang lalabas sa bunganga ko, hindi ko puwedeng planuhin. Kasi artist ako, e. Ang artist kasi, pagtayo ko doon at heto na, napakiramdaman ko na ngayon na, 'Teka, niloloko ninyo kaming mga Filipino, 'etong para sa inyo.' Hindi ba? Iyon yung sinasabi kong damdamin kong lalabas. Hindi mo puwedeng gitarahan yung National Anthem, mas maganda na acapella.

"Pero hindi n'yo alam ang sinasabi ko ukol sa 'Lupang Hinirang' natin, 'no?" balik-tanong niya. "Hindi n'yo alam na kini-criticize ko 'yan, 'no? Kaya magkakampi kami ni Julie Yap Daza sa pag-criticize ng 'Lupang Hiirang.'

"Okay, sasabihin ko sa inyo na kung masusunod lang sana ako, ang gusto kong ending ng 'Lupang Hinirang' ay ...buhay ay langit sa piling mo, hanggang doon lang at wala na yung .... ang mamatay ng dahil sa iyo. E , di kayo na lang ang mamatay, ako ayaw ko. Gusto ko, buhay ay langit sa piling mo. Kasi, bakit? Papatayin ko yung kalaban ko at hindi ako magpapapatay sa kalaban ko. Bakit? Kaya api-apihan ang mga Filipino, inaapi tayo kahit saan tayo pumunta. Dahil doon, may kinalaman din 'yon sa mga pinaggagagawa natin sa sarili natin, sa buhay natin. Kailangang ipakita mo rin na hindi ka ganoon.

"Hayun na nga, isinulat ko na 'yan sa kanta, pero hindi rin nangyari. Naglabas ako ng album, ang title ay Juan dela Cruz. Kung sinunod ng buong Pilipinas at ng gobyerno natin yung buong plaka kong Juan dela Cruz, wala nang nangungurakot ngayon at wala nang tumatawid sa di tamang tawiran at wala nang nakalagay doon na, 'huwag tatawid, nakamamatay.' Pero mayroon pa ring tumatawid, dala-dala pa yung anak, nakikipagpatintero sa sasakyan. Kita mo? Damay-damay yun kaya hindi tayo umuunlad. Yung mga kaunti-unting ugali natin na ang tingin natin ay nakakalusot naman tayo, kasama lahat 'yon, e. Pati yung pagkanta ng kanta ng kung kani-kanino, e, binigyan ka na ng tsansa, e.

"Mayroon pa akong napanood sa Las Vegas," patuloy niya, "dahil pinilit ako ng promoter ko na manood dahil libre raw at naipangako raw niya na, 'Kapag nandito si Freddie, hihilahin namin, dahil kilala naman ni Ka Freddie ang mga artist na 'yan.' Sa madaling-salita ay hindi ko na tinapos ang show. Pero hindi ko na sasabihin kung sino dahil ang mga kinanta niya... Ang dami nating kanta na sikat sa mga milyun-milyong Filipino, pero kung ang kanta ay wala namang kapili-Filipino sa kinakanta, sabi ko ay niloloko tayo ng mga ito. Nandito pa naman ako, naglolokohan tayo. Kaya umalis kami in the middle of the show," tuluy-tuloy na esplika pa niya.

SOCIAL CONSCIOUSNESS IN ENGLISH. Lahat ba ng nasulat niyang kanta ay puro Tagalog, walang English?

"Kapag sinabi ko namang ganyan, magsisinungaling naman ako niyan," sabi niya. Kasi tayong mga Filipino, ipinanganak tayong dalawa ang language natin—Tagalog, English at pati pa yung dialect natin. Kasi second language na natin ang English dito, kaya noong una akong nagsusulat ng mga kanta ay puro English ang isinusulat ko. Kasi, wala akong inspirasyon sa TV at radyo na Tagalog.

« Prev  1  2  3  4  Next »

Related Articles

999 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name