Hindi natutuwa si Annabelle Rama sa desisyon ng Department of Justice (DOJ) na ibasura ang libel case na isinampa ng kanyang anak na si Richard Gutierrez laban sa PEP (Philippine Entertainment Portal). (Click here to read related article.)
Sa exclusive interview ng writer na ito kay Annabelle sa pamamagitan ng cell phone ngayong umaga, July 9, ni-lambast ng ina ni Richard ang desisyon ng DOJ, at nagdeklara siya na "hindi pa tapos ang laban."
"Marami ang tumatawag sa akin kahapon [July 8] para interbyuhin ako, pero wala ako sa mood. Ngayon pa lang ako magsasalita dahil nasa mood na ako. Kailangang isulat mo ang lahat ng sasabihin ko para mauna ka dahil ito rin ang sasabihin ko sa mga mag-iinterbyu sa akin bukas," pauna ni Annabelle sa pakikipag-usap namin sa kanya.
Patuloy niya, "May naglakad sa kaso dahil sa Makati kami nag-file, pero isang araw pa lang ang hearing, biglang nalipat sa DOJ ang kaso. Bakit hindi pinagbigyan ang fiscal ng Makati na maimbestigahan muna niya ang kaso? Wala bang tiwala ang DOJ sa mga prosecutor ng Makati? Bakit kinuha sa Makati ang kaso? Nagulat na lang kami dahil biglang sa DOJ ang hearing. May dumukot sa kaso.
"Sayang ang DOJ Prosecutor na si Sytat [Mary Jane W. Sytat, acting city prosecutor ng Makati City]. Siya ang humawak sa kaso ni Richard. Nagpadala siya sa mga sulsol. Bata pa naman siya. Malayo pa sana ang kanyang mararating. Paano pa siya magiging Justice? Hindi niya ni-review ang kaso dahil kung ni-review niya ang kaso, hindi matatalo si Richard.
"At yung lawyer ng PEP, alam ko na ngayon kung bakit tatawa-tawa siya. Alam niya na madi-dismiss ang kaso dahil nilakad niya. Ayokong banggitin ang pangalan niya. Basta, malaki ang kanyang mata at malalaki ang litid niya sa leeg!
"First round pa lang 'yan. Mag-enjoy sila. Hindi pa tapos ang laban! Sure winner si Richard dahil umamin ang PEP sa kanilang pagkakamali. First round pa lang 'yan. Mag-enjoy sila. Hindi pa tapos ang laban dahil kakampi ko ang Diyos!" pahayag ni Annabelle.
Sa panayam kay Annabelle, sinabi nito na ipinauubaya ni Richard sa kanilang legal counsel na si Atty. Angelica Y. Santiago ang mga susunod na hakbang. Ayon pa sa talent manager, nagulat din daw si Richard nang ilipat sa DOJ ang kaso.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
340 hunkpapa
Yun nga lang walang pupunta kasi pati mga kaidsunan nya mismo ikinahihiya sya.
Baka pati mga milyong fans DAW ni Retsard na CHARDEES hndi rin magsipunta sa malaking kahihiyan.
Syempre mapiktyuran sila. Ayaw nila. LOL!
339 mary_magdalene
338 mario_luigii
337 mhinebaby
336 prettyasian
335 djrw76
334 makoment
333 IrOn_BuTteRfLy
332 datuputi
mag sisi pa ba ng iba kung bakit kayo natalo.
331 BigBirdie1970
330 makoment
329 alimango
shut up... kilabutan ka sa mga pinagsasasabi mo, utang na loob!
328 hunkpapa
Hayan lalong nawasak. Ano pa natira sa inyo? Wala na.
At lalo mo lang inilulubog ang pangalan ninyo kanyo na iniingtan ninyo pag hndi ka pa tumigil sa kadadakdak mo.
Habang binabato mo ng putik at mapanirang salita ang mga taong hndi pabor sau eh lalo mo lang sinisira ang sira nyo ng pangalan. Sige wasakin mo pa. Your move.
327 BigBirdie1970
326 daveraf787
325 hunkpapa
324 paulanne
323 hunkpapa
Sisihin nya lahat ng tao. Malamng masermunan na naman nito si Jun Lalin. Ang kanyang whipping boy.
322 bcube
321 bcube
more comments