"Naging concerned po ako sa katawan ko. Kung dati kain lang ako nang kain kung ano ang gusto ko, ngayon, nagda-diet na ako. Nag-training po ako ng wushu dahil makakatulong 'yon sa akin sa stretching at sa paggamit ng harness. May mga eksena po kasing habang naka-harness ako, nagta-tumbling din ako kaya kailangang magaan talaga ang katawan ko. Kapag may time, nagdyi-gym din ako dahil kailangan ko rin 'yon," says Marian  Rivera about her preparations for the role of Darna.

Photo: Courtesy of GMA-7

From her bonding workshop with her co-stars in the upcoming GMA-7 primetime series Darna, tumuloy na si Marian Rivera sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, yesterday, July 9, to meet PEP (Philippine Entertainment Portal) and other select members of the entertainment press for a merienda cena. 

Mula sa Narda ay balik na sa Darna ang official title ng susunod na primetime series ni Marian.

"Maraming salamat po na nagkasama-sama tayo ulit," bungad ni Marian.  "Bukas po kasi [July 10] first taping day ko na ng Darna at hanggang sa Sunday po, diretso ang taping namin."

Napi-pressure na ba siya sa pagganap niya sa papel na Darna?

"Ayaw ko pong isiping napi-pressure ako," sabi ni Marian. "Sabihin na lang po natin, excited na ako dahil three months din po akong walang trabaho. Na-miss ko rin po ang pagte-taping."

Paano niya pinaghandaan ang role niya bilang pinakasikat na Pinay superhero?

"Naging concerned po ako sa katawan ko. Kung dati kain lang ako nang kain kung ano ang gusto ko, ngayon, nagda-diet na ako. Nag-training po ako ng wushu dahil makakatulong 'yon sa akin sa stretching at sa paggamit ng harness. May mga eksena po kasing habang naka-harness ako, nagta-tumbling din ako kaya kailangang magaan talaga ang katawan ko. Kapag may time, nagdyi-gym din ako dahil kailangan ko rin 'yon.

"Sinabi na rin po nila sa akin na ihanda ko ang sarili ko dahil pupuluputan ako ng ahas sa eksena. Hindi naman po ako takot sa ahas, pero sinabi ko sa kanilang totoo at buhay na ahas ang gamitin nila sa akin para mas maramdaman ko ito," lahad ng aktres.

PLAYING DARNA. Sa mga nagsiganap ng Darna, sino ang mas tumatak sa kanya? 

"Hindi ko po napanood yung ibang naunang gumanap na Darna. Pero 'yon pong Darna ni Angel [Locsin], paminsan-minsan po napapanood ko noon dahil that time, may soap ako sa hapon. Pero ang tumatak po sa akin talaga ang Darna ni Governor Vi [Vilma Santos], kasi 'yon po ang gagawin ko sa Darna, 'yong story po niya. Lahat po ay mula sa mga Ravelo [family of Darna creator Mars Ravelo], approved po nila lahat 'yon—costume, script, characters."

Ready na ba siya na mai-compare, tulad ngayon na madalas siyang ikinu-compare kay Angel?

"Hindi naman po mawawala yung i-compare ako kay Angel," sagot ni Marian. "Hindi po kami magkagalit ni Angel. 'Tsaka magaganda naman po ang nababasa ko na binabati niya ako, na ako naman ang gaganap na Darna. Hindi ko po alam kung sinu-sino pa ang ibang gumanap na Darna, pero saludo po ako sa kanilang lahat dahil napakahirap po palang gampanan ang role niya."

Lumabas na ang totoong costume niya bilang Darna, na sabi'y napaka-sexy raw. Totoo bang dahil may pagka-conservative ang rumored boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes ay nagalit daw ang young actor?

"Hindi naman po," paglilinaw ni Marian. "Ang sabi lang sa akin ni Dong, ingatan ko raw ang sarili ko. Pagkatapos ng take, mag-robe daw agad ako para hindi ako magkasakit. Wala naman po siyang sinabi, very supportive po siya sa akin dito sa Darna."


DINGDONG DANTES. Speaking of Dingdong, madalas daw ipagluto ni Marian ang aktor. Ano ang paborito niyang lutuin for Dingdong?