news

Marian Rivera excited over first taping day of Darna

by Nora Calderon posted on July 10, 2009  STATS: 104109 Views | 2624 Comments

"Naging concerned po ako sa katawan ko. Kung dati kain lang ako nang kain kung ano ang gusto ko, ngayon, nagda-diet na ako. Nag-training po ako ng wushu dahil makakatulong 'yon sa akin sa stretching at sa paggamit ng harness. May mga eksena po kasing habang naka-harness ako, nagta-tumbling din ako kaya kailangang magaan talaga ang katawan ko. Kapag may time, nagdyi-gym din ako dahil kailangan ko rin 'yon," says Marian  Rivera about her preparations for the role of Darna.

Photo By: Courtesy of GMA-7

From her bonding workshop with her co-stars in the upcoming GMA-7 primetime series Darna, tumuloy na si Marian Rivera sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, yesterday, July 9, to meet PEP (Philippine Entertainment Portal) and other select members of the entertainment press for a merienda cena. 

Mula sa Narda ay balik na sa Darna ang official title ng susunod na primetime series ni Marian.

"Maraming salamat po na nagkasama-sama tayo ulit," bungad ni Marian.  "Bukas po kasi [July 10] first taping day ko na ng Darna at hanggang sa Sunday po, diretso ang taping namin."

Napi-pressure na ba siya sa pagganap niya sa papel na Darna?

"Ayaw ko pong isiping napi-pressure ako," sabi ni Marian. "Sabihin na lang po natin, excited na ako dahil three months din po akong walang trabaho. Na-miss ko rin po ang pagte-taping."

Paano niya pinaghandaan ang role niya bilang pinakasikat na Pinay superhero?

"Naging concerned po ako sa katawan ko. Kung dati kain lang ako nang kain kung ano ang gusto ko, ngayon, nagda-diet na ako. Nag-training po ako ng wushu dahil makakatulong 'yon sa akin sa stretching at sa paggamit ng harness. May mga eksena po kasing habang naka-harness ako, nagta-tumbling din ako kaya kailangang magaan talaga ang katawan ko. Kapag may time, nagdyi-gym din ako dahil kailangan ko rin 'yon.

"Sinabi na rin po nila sa akin na ihanda ko ang sarili ko dahil pupuluputan ako ng ahas sa eksena. Hindi naman po ako takot sa ahas, pero sinabi ko sa kanilang totoo at buhay na ahas ang gamitin nila sa akin para mas maramdaman ko ito," lahad ng aktres.

PLAYING DARNA. Sa mga nagsiganap ng Darna, sino ang mas tumatak sa kanya? 

"Hindi ko po napanood yung ibang naunang gumanap na Darna. Pero 'yon pong Darna ni Angel [Locsin], paminsan-minsan po napapanood ko noon dahil that time, may soap ako sa hapon. Pero ang tumatak po sa akin talaga ang Darna ni Governor Vi [Vilma Santos], kasi 'yon po ang gagawin ko sa Darna, 'yong story po niya. Lahat po ay mula sa mga Ravelo [family of Darna creator Mars Ravelo], approved po nila lahat 'yon—costume, script, characters."

Ready na ba siya na mai-compare, tulad ngayon na madalas siyang ikinu-compare kay Angel?

"Hindi naman po mawawala yung i-compare ako kay Angel," sagot ni Marian. "Hindi po kami magkagalit ni Angel. 'Tsaka magaganda naman po ang nababasa ko na binabati niya ako, na ako naman ang gaganap na Darna. Hindi ko po alam kung sinu-sino pa ang ibang gumanap na Darna, pero saludo po ako sa kanilang lahat dahil napakahirap po palang gampanan ang role niya."

Lumabas na ang totoong costume niya bilang Darna, na sabi'y napaka-sexy raw. Totoo bang dahil may pagka-conservative ang rumored boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes ay nagalit daw ang young actor?

"Hindi naman po," paglilinaw ni Marian. "Ang sabi lang sa akin ni Dong, ingatan ko raw ang sarili ko. Pagkatapos ng take, mag-robe daw agad ako para hindi ako magkasakit. Wala naman po siyang sinabi, very supportive po siya sa akin dito sa Darna."


DINGDONG DANTES. Speaking of Dingdong, madalas daw ipagluto ni Marian ang aktor. Ano ang paborito niyang lutuin for Dingdong?

"Iba-iba po. Masipag po talaga akong magluto kapag wala akong ginagawa. Kung minsan, kesa lumabas pa kami, nagluluto na lang ako at sa bahay na lang kami kumakain. Paborito niya ngayon sa luto ko, chicken curry. Pero gusto pa rin niya ang sinigang at menudo," nakangiting sabi ni Marian.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

2624 Comments

  • 84  kimo0320

    07/10/2009 | 06:20 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 83  akoyisangpinoy

    07/10/2009 | 06:18 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 82  pinagpalang_ganda_supertalino

    07/10/2009 | 06:17 AM
    Ewwwww.

    I don't like her.

    Good bye!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 81  DOS_LAOS

    07/10/2009 | 06:15 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 80  amang

    07/10/2009 | 06:13 AM
    marian rivera is the best darna ever in tv
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 79  blackdiamond0206

    07/10/2009 | 06:12 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 78  akoyisangpinoy

    07/10/2009 | 06:12 AM
    wag namang magalit fans ni MR, maganda siya pero di siya sexy ... di proportion katawan ni MR ...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 77  dayang2

    07/10/2009 | 06:11 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 76  dayang2

    07/10/2009 | 06:09 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 75  hossamandlen

    07/10/2009 | 06:09 AM
    MARIAN is the most beautiful DARNA i ever seen..GOODLUCK!! aabangan namin yan dito..God Bless always!!!we love you so much!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 74  prettydoc

    07/10/2009 | 06:06 AM
    Hoy Dos Laos, know your facts first, hindi ikinakahiya ni Angel ang ina nya. It just so happened na hiwalay ang daddy nya sa ina nya at daddy nya nagpalaki sa kanya kaya doon sya close just like your idol Marian na lola ang nagpalaki kaya di nababanggit at nakakasama nanay at tatay nya. Yung GMA ang nagsabing itago nya ina nya noon. Pero nung bago pa si Angel sa ABS naisama nya nanay nya sa studio nung sumali sya sa game show. Up to now si Angel nagsusustento sa nanay nya kaya masakit din sa kanya kung me mga nanloloko at nananamantala sa kanyang ina, kaya minsan eh napaiyak sya nung nagbigay sya ng message sa nanay nya. Itigil nya na pagbanggit kay Angel at article ni Marian to, dapat igoodluck nyo na lang ang idol nyo para mag rate ang show nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 73  MASMAGANDAKO

    07/10/2009 | 06:05 AM
    ang nire-remake yung SIKAT...

    yung mga ndi nire-remake..yung LOBOG...

    heheheh
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 72  hossamandlen

    07/10/2009 | 06:05 AM
    Hopefully aug.10 na lipad DARNA!!!SWEET NILA SOBRA..dongyan forever!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 71  kapusong220

    07/10/2009 | 06:05 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 70  dayang2

    07/10/2009 | 06:04 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 69  chatelaine_0712

    07/10/2009 | 06:04 AM
    shes so pretty flawless DARNA, b4 i like Angel kc kala ko me pure heart za yun pla ingrata..well well well Marian rules. 5x sikat now ke angel..CHEERS

    truth hurts mga amiga i mean kapams...
    Pinoy TV rules
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 68  MASMAGANDAKO

    07/10/2009 | 06:02 AM
    wow...astig ang kaseksihan mo MR...

    naku for sure may naka ready ng intriga ang mga taga kabila..heheheh

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 67  happygolucky

    07/10/2009 | 06:01 AM
    Pepsters, at least hindi siya umiiwas about DD topic. She does not reply with stereotyped and corny remarks na WE ARE JUST FRIENDS. She tackles the questions about their togetherness head-on. Buti naman.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 66  naruto

    07/10/2009 | 06:00 AM
    wala na yan. laos na si marian khit mag paublicity pa ng sangkaterba..hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 65  r21

    07/10/2009 | 06:00 AM
    ayoko nang maging bitter...wala ng nag-ccoment dito..


    bye....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About