Maria Isabel Lopez's role as the butchered prostitute in Kinatay has resurrected her career. Up next for her is another film that talks about a different kind of human butchery: organ harvesting for profit.

 

Photo: Noel Orsal

Malaki ang pasasalamat ng actress at former beauty queen na si Maria Isabel Lopez sa pagkuha sa kanya ni Brillante Mendoza para gampanan ang papel ni Madonna, ang "chop-chop" lady prostitute sa Kinatay (The Execution of P). Sa ikatlong post-victory celebration ng grupo nina Direk Brillante, sa Techno Wave Music Bar and Concert Hall (along Timog and Tomas Morato Ave., Quezon City) kamakailan, ay nabanggit niya ang kasiyahan niya, habang naghu-host ng mini-tribute show.

"Being part of Kinatay, I'm thankful, dahil nabigyan ulit ng boost yung movie career ko," sabi ni Isabel nang ma-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Lalo't nanalong best director sa Cannes Filmfest this year si Direk Brillante, para sa Kinatay, mas nagkaroon ng significance ang pagiging bidang aktres ni Maria Isabel Lopez sa pelikula

Tatlong linya lang ang kabuuang dialogue ng character niyang si  Maribel sa pelikula. Most of the time, makikitang may piring siya sa mata at may takip ang bibig para hindi makapagsalita. In the film, she was held captive, gang-raped and brutally slain, and her body mutilated.

"BUKOL QUEEN." Nag-share si Isabel Lopez sa PEP ang ilang memorable experiences niya sa paggawa ng Kinatay.

"Ang pinaka-memorable na experience ko dito, na hindi ko malilimutan... si John Regala, di ba, yun ang bumubugbog sa akin?  John Regala is a very powerful actor, na may tendency siya, minsan, na ma-carried away sa scene," banggit  ng aktres.

Paano naging "carried away" si Regala, sa eksena bang binubugbog siya nito, o sa eksenang kabilang ang karakter nito sa nang-gang rape sa kanya?

"Nasuntok niya [John] yung ulo ko, so bumukol!" pagtatapat ng aktres.  "But then, sinabihan ko lang siya, 'alalay next time, alalay...'

"Eto ngayon ang matindi," patuloy niya. "Nung nasa loob [kami] ng van, pagpasok ng toll gate... siyempre, makikitang may kinidnap sila, inilagay ako sa sahig [ng sasakyan]; e, nagpipiglas ako, kasi nga, gusto kong mai-save yung life ko..."

Kabilang sa miyembro ng gang sina Julio Diaz at Lauren Novero; witness naman sa operation ng grupo ang bagong graduate na police officer, played by Coco Martin.

"Si Lauren Novero, sabi niya kay John Regala, 'Hawakan mo yung ulo, hawakan mo yung ulo!' E, hinawakan yung ulo ko dun sa mismong bukol!"

Hinihintay lang daw niyang sumigaw ng "Cut!" si Direk Dante, at nararamdaman niya ang sobrang sakit ng bahaging nabukulan ang ulo niya.

"Hinihintay ko... 'Shit!  kaya ko pa ba ito?'" nasabi raw niya sa sarili. "'Kaya ko pa ba ito?'  Kasi hindi pa nagka-cut si Direk, e.

"Alam mo, finally, sabi ko, 'Cut!'" natatawang banggit din ni Isabel. "Tapos, paggano'n ko [hawak-hawak ang bahagi ng ulo niyang may kirot]... may dugo ang ulo ko! Kasi, namaga na yun..."