Nagkainitan sina Aljur Abrenica at Baron Geisler sa shooting ng pelikulang I'll Be Waiting For You, ang launching movie nina Aljur at Kris Bernal sa Regal Entertainment.
Ayon sa napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal), nangyari ang insidente kaninang bandang 4:30 ng madaling-araw sa Bohol habang kinukunan ang fight scene ng dalawang aktor.
Ito ang kuwento ng PEP source na nakasaksi sa buong pangyayari:
"Tatadyakan at itutulak ni Baron si Aljur ang eksena then lalaban si Aljur. Susuntukin niya si Baron at aawayin siya ni Lloyd Samartino. Tinotoo ni Baron ang pagtadyak kay Aljur kaya nadala rin ang huli sa eksena.
"Nag-init si Baron dahil kinanti siya ni Aljur ng suntok. May mga sipaan at bunuan na nangyari, pero naawat sila nina Lloyd at Ana Capri na mga kaeksena nila.
"Nag-lecture pa si Baron kay Aljur na ayusin ang pag-arte bago ang stunts. Nagbanta pa siya na, 'Do that again and I will punch your face!'"
Idinagdag ng PEP informer na naging mahinahon si Aljur dahil hindi nito pinatulan ang init ng ulo ni Baron.
Ayon pa sa aming source, "Nalaman ni Mother Lily [Monteverde, producer ng project] ang nangyari at nagalit siya. Kakausapin daw niya si Baron at bibigyan ng sanction."
SECOND VERSION. Samantala, may pangalawang version na nakalap ang PEP kaugnay ng encounter nina Aljur at Baron.
Isang eyewitness ang nagsabi sa PEP na gabi-gabing lasing daw si Baron sa set. Mainit din daw ang ulo ng aktor at sinuntok niya si Aljur kaninang madaling-araw dahil ito ang kanyang napagdiskitahan.
May kuwento pa na ipinaihaw pa raw ni Baron ang isang parrot at ginawang pulutan. Pero napag-alaman later on na ang sinasabing "parrot" ay parrotfish, isang klase ng isda na kinakain daw talaga.






hindi naman foul sinabi ko
mas marAMi pa ngang foul post ang nandito
i suport aljur
kapapanood ko lang ng SNN, ininterbyu in Mario Dumaual si Baron tungkol dito.
si Baron pala ay nakaupo lamang sa tabi ng dagat at inienjoy ang tanawin ng bohol na may isang bote ng beer sa tabi.
ang tsismis na kinalat, si Baron nagpaihaw ng parrot at pinagbubuntal si aljur.
pasalamat kayo kay Baron pinalalampas niya lagi ang mga tsismis niyo. marami rami na rin yan ha! puro kasiraan, mas matindi pa nga ang tsismis kay Baron keysa kay Richard.
pasalamat kayo hindi siya mahilig magsampa ng 25 million pesos na kaso.
kawawa ang mga artistang maliliit na d makalaban ng dahil sa inyo nata trial by publicity agad ng dahil sa walang accurate na balita..
Bad influence xa!!!
nananahimik bglang nat0sta,pinulutan! na-PEP pa..
pkikuha na rin ang side ng nag-aalaga sa kaawa-awang parrot!! o di kaya un familya ng parrot hehehe,