FHM sex columnist and Zorro cast member Paloma endorses a drug for erectile dysfunction. Although she admits she's currently single, Paloma says she is never without a sex partner. "Siyempre, meron. Hindi naman ako papayag na wala, 'no!"

Photo: Noel B. Orsal

Nang magdesisyong iwanan ni Asia Agcaoili ang posisyon niya bilang FHM Philippines sex columnist dahil sa pagbubuntis, courtesy of her Dutch boyfriend, hindi nagdalawang isip ang editorial staff ng FHM na piliin si Paloma Esmeria bilang kapalit ng nag-exit na Sex Guru.

Unang lumabas sa FHM si Paloma last year. Sa April 2009 issue naman nitong  leading men's magazine, siya ang cover girl at binigay pa sa kanya ang iniwanang sex column ni Asia.

"Maybe because I'm very open and I'm very comfortable with my sexuality," dahilan nga ni Paloma sa interbyu sa kanya noon ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung bakit sa kanya ibinigay ang iniwanang puwesto ni Asia (watch this interview).

Bukod sa pagiging sex adviser-columnist ng FHM, gumawa na rin ng pelikula si Paloma under the direction of acclaimed director Gil Portes, ang sexy movie na Pitik-Bulag. Sa TV naman, nakilala si Paloma bilang si Pakita Pakwan sa Zorro.  Isa ang character na ito ni Paloma sa mga upahang babae ng bahay aliwan na madalas pasyalan ng mga  Kastilang opisyal na kalaban ni Zorro.

Sa tingin ni Paloma, malaki rin ang naitulong ng movie at TV exposures niyang ito, pati na rin ng sex column niya, kung bakit kahit paano'y nakarating siya sa number 27 spot ng FHM Philippines 100 Sexiest Women 2009 list.

"Ang inaasahan ko nga, at least nasa 50 lang ako, pero nagulat ako nung nasa 27 na ako. Siyempre, malaking tulong yung pagkakaroon ko ng movie at yung sa Zorro, 'saka may column nga ako. Kaya mas mataas sa inaasahan ko yung spot ko.

"Hindi nga ako nakapag-text brigade,  e. Kasi I switched [cell phone] numbers from post-paid to pre-paid [plan]," dagdag pa ni Paloma.

Kasama rin sa pag-okupa niya sa iniwanang lugar ni Asia sa FHM ay ang pagtanggap niya rin bilang endorser ng condom brand na dati ring ini-endorse ni Asia. At ngayon, nadagdagan pa ang endorsement niya sa pagdating ng Robust Sexual Enhancement Formula for Men.

Okey naman kay Paloma na parehong related to sex ang dalawang endorsement niya.

"Actually, nakakatulong sila sa column ko. At saka, ginagamit ko talaga sila. Yung sa condom, ginagamit ko siya. Ito naman [Robust], pinasubok ko talaga sa friend ko. Ang sabi ko sa kanya, sabihin mo sa akin kung ano ang effect. Ang nangyari, kapag nati-trigger lang, 'tsaka lang siya tumitigas. Pero kapag hindi naman, hindi. Hindi katulad ng Viagra na talagang buong time na nainom mo siya, e, naka-erect siya. And this is much safer than Viagra because this is all natural," pagmamalaki pa ni Paloma sa latest na produktong ini-endorse niya.

Tinanong ng PEP sa kanya kung ire-recommend din kaya niya ang Robust sa kanyang boyfriend. 

"I don't have a boyfriend. Sex partner, siyempre meron. Hindi naman ako papayag na wala, 'no!"

Nabanggit ni Paloma na kahit walang masyadong effort from her ay naka-place pa rin sa mataas na puwesto ang pangalan niya sa FHM Phils. 100 Sexiest Women list. Paano kaya next year, mag-e-effort na kaya siya nang husto para makapasok sa top 10 o makuha niya ang number one spot?

"Sobra naman kung number one. Hindi naman. Wala naman akong gagawing sobrang effort. Yung tama lang. Nasa mga tao naman 'yan, e. Kung sino talaga ang gusto nilang mailagay sa top 10."