"We're thankful, kasi hindi namin inasahan na magiging gano'n kalakas yung show. So, parang talagang ano... We worked hard for it. Di ba, gano'n naman 'yon? Parang to whom much is given, much din yung responsibility. So, sa amin ngayon, since pumatok siya, lalo naming pinagbubuti," says Cherry Pie Picache about the success of Tayong Dalawa.

Photo: Noel Orsal

Patuloy ang pamamayagpag sa ere ng teleseryeng Tayong Dalawa ng ABS-CBN, kung saan isa sa mga bidang gumaganap ang award-winning actress na si Cherry Pie Picache, bilang si Marlene, ang tunay na ina ni Dave (Jake Cuenca) at pati nina JR (Gerald Anderson) at Ramon (Coco Martin). Needless to say, masayang-masaya si Pie sa pangyayari.

"Mabait ang Diyos!" masayang nasambit ni Cherry Pie nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Maraming tagasubaybay ng nasabing primetime drama series ang natutuwa, at the same time, umaasang magtatagal pa ito sa ere. But the actress said nalalapit na rin ang pagtatapos ng kuwento nito.

"May limit talaga [ang kuwento], na ganito lang kahaba. So, hanggang dun lang kami. From the beginning, na-decide na nila [creative team ng Kapamilya network], na ganito lang kahaba. So, kung nagdagdag man, para i-crisp lang yung istorya. Actually kami, hindi namin alam kung anong mangyayari," sabi ni Chery Pie.

Mas lumaki nga ang following ng premyadong aktres sanhi ng pinagbidahang teleserye. Dahilan upang pagtiwalaan siyang muli ng ABS-CBN ng panibagong tatampukang soap opera pagkatapos ng Tayong Dalawa next month.

"Actually, I'm starting another soap," aniya. "Naumpisahan ko na, pero bawal pang sabihin, e.

Bida-kontrabida raw ang magiging role niya sa susunod na teleserye. "Pero kontrabidang mabait," dagdag ni Cherry Pie.

INTERNATIONAL MOVIE. Kung wala mang nagawang pelikula si Cherry Pie sa loob ng pitong buwan, ito'y dahil sa naging kaabalahan niya sa Tayong Dalawa. Na agad ding masusundan, at wala uling puwang ang pelikula sa kanyang schedule.

Pero may magandang balita ang aktres tungkol sa susunod niyang gagawing pelikula.

"Merong dumating [na offer] para sa January, next year. It's by an international group. Nag-audition ako, at pumasa ako. Okey naman," banggit ni Cherry Pie.

Yet untitled, the movie is intended for international release. Silang dalawa raw ni Joel Torre ang mga nakapasang Pinoy actors.

"Yung direktor, kilala siya sa Hollywood, a former Oscar nominee," sabi ni Cherry Pie. "Pre-production will start in November; then shooting starts in January next year."

Between now and early next year, wala ngang gagawing ibang pelikula si Cherry Pie dahil naka-commit na siya sa bagong soap ng ABS-CBN.

"Sobrang nakakapagod, three times a week ang tapings, e," banggit pa ng aktres sa nakagawian nang schedule for Tayong Dalawa at sa susunod na assignment.