"Wala na akong pakialam kung ano ang gusto niyang gawin. Karapatan niya 'yon kung gusto niyang makipag-date kahit kanino. Wala na kaming kinalaman sa isa't isa."
Ito ang naging pahayag ni Dennis Trillo nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa napabalitang "date" diumano ng ex-girlfriend niyang si Cristine Reyes at ng Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz sa isang resto-bar sa Katipunan Avenue. (Click here to read related story.)
Nakausap ng PEP at iba pang entertainment press si Dennis sa pocket presscon na ibinigay sa kanila ni Jennica Garcia ng GMA-7 para sa romantic-comedy series nilang Adik Sa 'Yo kaninang hapon, July 16, sa Chocolate Kiss coffee shop sa Roces Avenue, Quezon City.
Any regret na may idini-date nang iba si Cristine? Totoo bang may usapan sila na hindi muna sila makikipag-date sa iba pagkatapos ng breakup nila?
"Wala po akong natatandaan na may pinag-usapan kaming ganoon," naiiling na sagot ni Dennis. "Siguro po kung cool-off lang kami, baka ibang usapan na 'yon. Pero break na po kami talaga, kaya wala po akong regrets."
KAYE, PAULEEN, & JENNICA. Since relationship na rin ang usapan, balitang nag-break na raw si Kaye Abad at ang boyfriend nitong si Chito Miranda ng Parokya ni Edgar. Si Kaye ang sinasabing dahilan ng final breakup nina Dennis at Cristine.
Kung totoong free na ngayon si Kaye, ano ang gagawin ni Dennis?
"Ganun po ba, break na sila?" balik-tanong niya. "Wala po kasi akong alam. After po noong accidentally na nagkita kami ni Kaye sa Starbucks sa Makati, wala na po akong balita ulit sa kanya. Nakakahiya nga po na nadawit pa siya sa intriga," sagot ng aktor.
Ngayon ay kay Pauleen Luna, na kasama niya sa Adik Sa 'Yo, siya nali-link. Paano na si Jennica na kapareha niya sa naturang serye?
"Kami po ni Pauleen, matagal na ring magkaibigan dahil ilang beses na kaming nagkasama sa mga projects namin before sa GMA-7," sabi ni Dennis. "Okey pong kasama si Pauleen, mabait siya at, yes, lumalabas kami, group dates, minsan kaming dalawa. Pero friends lang talaga kami.
"Si Jennica naman, natutuwa ako na hindi na niya ako tinatawag na 'kuya,' na nakasanayan niya noong ginagawa namin ang Gagambino dahil magkapatid ang role namin doon. Masarap din siyang kasama, kalog. Triangle nga kami [Dennis, Jennica, and Pauleen] sa Adik Sa 'Yo kaya maganda ang bonding namin. Yung away-away, sa story lang 'yon. Nakakatuwa nga na kapag nakita ako ng mga fans, tinatanong nila sa akin si Karen [Jennica's character]," lahad niya.
BATANGUEÑO ROLE. Marami ang natutuwa kay Dennis sa Batangueño intonation niya bilang Ruben sa Adik Sa 'Yo.
"Nakakatuwa nga po na kapag nakikita nila ako sa labas, 'Ruben' ang tawag na nila sa akin at ginagaya nila ang intonation ko. Ako rin, kung minsan, nadadala ko 'yon sa bahay.
"Challenge po sa aming lahat na nasa cast ang pagsasalita na may puntong Batangas. Mahirap po kasi kung saan mo ilalagay ang intonation na magiging natural lang ang pagsasalita mo. Salamat po kay Tito Leo [Martinez] na siyang nakabantay sa amin sa set para mag-coach ng proper intonation namin. Taga-Balayan, Batangas, po si Tito Leo.
"Masaya rin po kami sa taping, kasi madalas before midnight, pack-up na kami. Mabilis pong magtrabaho si Direk Joel [Lamangan]. Ayaw po niya na nagkukuwentuhan kapag oras ng trabaho. Puwede kaming magkuwentuhan kapag lunch or dinner break namin.






Hindi na bago na many women ang inaattach sa kanya ngayon.
Wala namang masama diba? He's single.
Plus, napaka-hot and gwapo pa niya, so marami talagang girls ang type na type siya. I just hope na soon enough, mahanap na niya yung right girl for him. Yung malayong malayo sa ugali ni CR at CA. He deserves to be happy. May the good lord bless him even more.
FYI: si richard gutierrez meron kept woman at itago na lang natin siya sa pangalang JEWEL MISCHE.
sensya na if nasira ko ang illusion ng ibang tao dito about richard gutierrez. pero, sooner or later he has to face the truth also about his relationship with jewel mische.
nothing wrong with falling in love with one's leading ladies just like richard did with jewel mische.... abangan ang paglabas ng katotohanan!!
pebbles07
July 19, 2009
07:44 AM Sa lhat ng sikat at gwapong actors si Richard Gutierrez lng tlga ang hinde mhilig manloko ng babae khit alm nyang may gusto s knya mostly ang mga nkkpareha nya di cia nag te-take advantage n ligawan lht.di gya nitong c dennis at dingdong bsta may nalapit n babae ndedevelop agad khit may mga g.f. n sila-mga irresponsable!
-----------------
very well said.
aba, nakakagulat na hindi na pala denial king si dennis. napalitan na ang trono niya bilang denial king nila john lloyd and richard gutierrez kasi jlc continues to deny his relationship with ruffa while chard still denies that jewel is his kept woman/GF.
perhaps, dennis has learned his lessons.everybody deserves another chance na maituwid ang past mistakes nila.
please remember that aga muhlach was a binatang ama also before but look at him now. what a big change kasi he is now a loving family man.
and so, huwag maging makitid. do not judge people and artistas that easily. time has a way of changing people.
natawa ako sa comment mo ah..
bakit galit ka sa mga bansot na sila dennis,jc de vera,jomari at polo..
hahahahahahaha.......