Vhong Navarro opens up about split with actress Desiree del Valle

Rose Garcia
Friday, July 17, 2009 @ 03:28PM  |  34616 views

 

"Ayokong sabihing time. Pangit yun, e, napakababaw nun. Pero siyempre, umabot sa puntong naging busy rin siya at saka ako. So, huwag na lang nating sabihin na yun. Naging maganda naman, naging magkaibigan kami," says Vhong Navarro about his breakup with Desiree del Valle.

Photo By: Noel Orsal













May panahong hindi pa open ang versatile performer na si Vhong Navarro sa interviews, noong fresh pa ang balitang nag-break na sila ng girlfriend niyang si Desiree del Valle after almost three years.

Pero kagabi, July 16, sa shooting ng pelikulang Kimmy Dora: Kambal Sa Kiyeme, kung saan mayroon siyang cameo role, nagsalita na si Vhong tungkol sa naging relasyon nila ni Desiree at kung bakit ito nauwi sa hiwalayan.

"Sobrang maayos naman ang naging breakup. Ang ganda ng pinagsamahan namin kaya nga noong time na yun, ayokong umabot sa magkasakitan pa kami. Kaya maganda rin kaming nag-end," sabi ng comedian-dancer sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). 

Ayon kay Vhong, nauwi naman sa pagkakaibigan ang naging breakup nila.

"Yes, magkaibigan pa rin kami," sambit niya. "Hindi na nga lang kami nagkikita, pero nagkakausap kami, kumustahan. Kaya nga itong huli nga, medyo hindi maganda ang nangyari sa kanya dahil namatay ang daddy niya. Siguro three weeks or one month ago na rin."

Si Vhong na rin ang nagsabing old age siguro ang ikinamatay ng ama ni Desiree, bukod sa may sakit ito kaya may mga kumplikasyon na rin.

"Siya mismo ang nagsabi sa akin noong nagkausap kami na nasa hospital. Medyo matagal na dun. So, noong namatay, itinawag din niya sa akin," kuwento niya.

Paano niya ipinakita ang suporta niya kay Desiree sa ganoong sitwasyon?

"Sinabi ko sa kanya na, 'Tutulungan kita sa pag-alis mo.' Kasi, may mga kailangan akong tawagan sa Immigration na mga kaibigan natin para mas makatulong, mas mapabilis ang alis niya," sabi ni Vhong.

THE BREAKUP. Sa mga salita ni Vhong, tila naging maganda at maayos naman ang relationship nila ni Desiree. So, bakit nga ba kailangan nilang tapusin ang kanilang samahan kung okey naman silang dalawa?

"Yun nga, sinabi ko nga na mas maganda na magtapos kami na maganda pa rin. Ayokong umabot sa magkakasamaan pa kami ng loob kasi sayang, e. Napakaganda ng relasyon namin. Wala kaming naging problema," paliwanag niya,

Wala pa lang silang naging problema, so, ano ang dahilan ng breakup nila?

"Heto kasi, magiging busy na... Ayokong sabihing time. Pangit yun, e, napakababaw nun. Pero siyempre, umabot sa puntong naging busy rin siya at saka ako. So, huwag na lang nating sabihin na yun. Naging maganda naman, naging magkaibigan kami."

May "bago" na ba on his part?

"Wala, puro trabaho lang."

1  2  3  Next »

Related Articles

29 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name