Cristalle Henares on mom Dra. Vicki Belo: "I know that my mom is innocent and the truth will come out."

Rose Garcia
Friday, July 17, 2009 @ 03:56PM  |  19567 views

 

"Yung mga complaints po na yun, wala pang case. Actually, funny nga, hindi pa sila pumupunta sa amin to complain. Parang pumunta muna sila sa media bago sila nagpunta sa amin. Yun lang ang mali, so parang wala pa namang case," says Cristalle Henares about the complaints against Belo Medical Group.

Photo By: Noel Orsal













Bukod sa ilang artistang naimbitahan at nagpaunlak para mag-cameo role sa launching movie ni Eugene Domingo, Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme, namataan din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng pelikula sa Antipolo City kagabi, July 16, ang anak ni Dra. Vicki Belo na si Cristalle Henares.

"Ano po, extra ako dito sa movie ni Ms. Uge [Eugene Domingo]!" natatawang sabi niya. "Party-goer. Si Direk Joyce [Bernal] ang tumawag sa akin. So, kahit nasa Antipolo at umuulan pa, siyempre nag-commit ako noong tinawagan niya ako noong Wednesday [July 15]."

Dugtong niya, "I believe in this movie. Sobrang ganda ng concept nila. So, yun... Pati ang Belo, meron siyang scene sa Belo rin. I think both Kimmy and Dora, may scene sila. At saka gusto kong i-support ang movie na ito kasi tingin ko, papatok talaga siya. Si Uge, sobrang galing! Nakakatawa talaga at excited ako."

BELO MEDICAL CLINIC UNDER FIRE. Si Cristalle ang spokesperson at image model ng cancer prevention for women sa kanilang Belo clinics, at very proud nga niya itong ikinuwento sa amin at in-encourage niya rin ang ibang mga kababaihan na mag-take nito.

Speaking of Belo, we asked her kung kumusta na ba ang Belo Medical Group sa gitna ng mga kontrobersiyang pinagdadaanan nito ngayon.

"Okey naman," sagot ni Cristalle. "Sobrang happy lang ako dahil nadi-differentiate ng tao yung isyu ng Medical Group at saka yung sa mom ko [Dra. Belo], mas naging close siya sa patients. Mas ipinapakita ng mga pasyente ang support nila for mommy, kaya thankful talaga kami sa lahat ng suporta."

May mga complaints against Belo Medical Group na naglalabasan ngayon, gaya ng isang businesswoman na nagreklamong palpak daw na butt surgery sa kanya ng isang dating doktor ng Belo Medical Clinic. Paano nila hina-handle ang mga insidenteng ganito?

"Yung mga complaints po na yun, wala pang case," paglilinaw ni Cristalle. "Actually, funny nga, hindi pa sila pumupunta sa amin to complain. Parang pumunta muna sila sa media bago sila nagpunta sa amin. Yun lang ang mali, so parang wala pa namang case."

KATRINA HALILI. Tungkol naman sa complaints na nai-file ng aktres na si Katrina Halili laban kay Dra. Belo at sa Belo Medical Group, buo ang paniniwala ni Cristalle na malinis ang kanyang ina sa bagay na ito.

"I know that my mom is innocent and the truth will come out," sabi niya. "So, sana talaga ma-end na lang lahat 'to. You know, they are all friends before. Sobrang sad lang na, you know, friendship can go to this direction. Parang hindi siya healthy. So, I just pray na lang, countinous prayer na sana mag-ayos na lang."

Personally, naging magkaibigan din ba sila ni Katrina?

"Acquaintance lang. Kumbaga, hindi kami masyadong close. 'Hi' and 'hello' lang, ganyan," sabi niya.

Hindi itinanggi ni Cristalle na na-shock siya sa naging turn of events, lalo na ang pagkakadawit ng pangalan ng mommy niya sa pag-a-upload ng sex videos ng dating boyfriend nito na si Dr. Hayden Kho sa Internet.

"Medyo na-shock talaga ako noon. Kasi yung mommy ko naman, very supportive siya of Katrina before. And even after na nangyari yung nalaman ni Mommy na ganito ang nangyari, parang naging mabait pa rin siya sa tao. So, hindi ko akalain na magagawa niya ito sa mommy ko," sabi ni Cristalle.

Diretso rin daw niyang masasabing walang kinalaman si Dra. Belo sa uploading ng sex videos.

1  2  Next »

Related Articles

56 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name