Usap-usapan na pagkatapos daw ng insidenteng pagkikita ng dating magkasintahan na sina Jericho Rosales at Heart Evangelista ay madalas na raw nagde-date ang dalawa, na maaaring hudyat na nagkabalikan na ang dalawa.
Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jericho last Monday, July 20, sa Extra Joss Gintong Kamao Awards, nilinaw ng aktor na walang balikang nangyari sa kanila ni Heart. Sinabi rin niya na hindi coincidence ang pagkikita nila kundi siya mismo ang gumawa ng paraan para makapag-usap sila at klaruhin ang mga bagay-bagay sa kanilang naging relasyon.
"Kung anuman ang sinabi ko few months or maybe a year ago, yun pa rin yun. The goal is para ma-check namin ang isa't isa, mawala yung mga questions, yung galit kung may galit man, to have peace sa aming dalawa. Para masagot din ang mga tanong. Kasi hindi nga kami nakapag-usap, natapos nang ganun lang.
"Yung pagkikita namin, hindi coincidence o aksidente lang yun. Nagkita kami talaga, we need time to fix a lot of things between us, sa mga nangyari. At least, nalinaw namin. Mahirap naman na pabayaan mo na lang ang mga bagay na hindi maayos, na ang daming 'what if'. Ano na lang yun kung ganun? Talagang nagkita kami, I asked her, 'Gusto mong makipag-usap? Gusto mong makipagkita?' And enjoy naman," lahad ni Jericho.
Hindi naman itinanggi ng aktor sa PEP na espesyal pa rin talaga para sa kanya si Heart sa kabila ng matagal-tagal na rin nilang paghihiwalay, at marami na rin siyang babaeng na-meet at naging ka-close.
"I'll be very honest with you, she's very special," sambit niya. "She'll always be special to me. But I don't want people na bigyan na naman ng ibang anggulo kung anuman ang espekulasyon nila. Gusto ko lang ayusin ang buhay ko, ang estado ng puso ko, estado ng puso niya. Alamin kung paano siya, para at least we can live our lives to the fullest para maging mapayapa."
Sa sinasabing walang balikang nangyari, bukas din si Echo sa posibilidad na maaaring magka-boyfriend ng iba ang ex-girlfriend, gaya na lang na nangyaring isang non-showbiz guy ang sumunod na relasyon ni Heart na nauwi rin sa breakup.
"Depende 'yan sa set-up nila," sabi ni Jericho. "Depende kung okay lang ba sa kanila na makipagkaibigan ka sa ex mo. Ako kasi, cool lang naman ako, e. Sa akin, kahit na ano. Basta ako, ayoko lang kunwari na nag-stumble na yung isa, huwag na kung nakakapagsanhi ka na ng gulo, pagdududada, sakit, pagkailang. Respeto na lang 'yan."
Kinuha rin namin ang reaksiyon ni Jericho sa napabalitang pakikipag-date diumano ni Heart sa Kapuso actor na si Dennis Trillo. Tinanong ba ni Jericho si Heart tungkol dito?
"Who I am to ask her about it?" balik-tanong niya. "No, that's none of my business anymore. My business is to wish her happiness, to give her advice, just to be there for her as a good, good friend. I have no comment on that kasi wala talaga akong alam."
DAHIL MAY ISANG IKAW. Sa kasalukuyan ay abala si Jericho sa taping ng bago niyang primetime series sa ABS-CBN, ang Dahil May Isang Ikaw, na magsisilbi ring reunion project nila ng dating kapareha at girlfriend na si Kristine Hermosa.
Marami ang nakakapansin sa kakaibang closeness nina Jericho at Kristine. May ilan tuloy na nag-iisip na baka magkabalikan ang dalawa, lalo't free naman pala ang aktor at hindi naman inaamin ni Kristine na sila na nga ni Oyo Sotto.
"Ako, hindi ako nagsasarado ng pintuan. Kaya lang, relax lang ako," sabi ni Jericho. "Ayokong paghaluin ang trabaho sa personal. Marami kaming pinagdaanan ni Kristine. This time, I'm very excited kasi yung working relationship namin, kakaiba. Mas kumportable kami, hindi nawala yung chemistry. This time, mas maganda pa nga kasi walang pressure. Parehong mature na kami sa ginagawa namin and we're supporting each other."
Masaya ring ibinalita ni Jericho na malapit nang maipalabas ang Dahil May Isang Ikaw, na tiyak na ikatutuwa ng Tin-Echo fans, maging mga tagahanga nina Ms. Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, John Estrada, Karylle, Sid Lucero, at iba pa.
"Huling balita ko, binigyan na kami ng date. Hindi ko lang alam kung tuloy yung date na yun. Pero bago ako umalis ng Singapore, yun na nga raw yun. Basta malapit na siya, nabubuo na sya, nagkakaroon na siya ng katawan.






at bakit mo pinagpipilitan si dennis na sumisingit kay heart. eh, dennis already admitted that he is daitng pauleen and he said that he has never dated heart in a previous article... besides, wala na tayong magagawa kung ano ang nasa puso ng mga artista.
kung ayaw na ni heart kay jericho eh huwag niyo na din pagpilitan.... heart is now dating a rich businessman.... sayang lang pag-comment mo dito na si ganyan o ganito ang gusto mo kay heart. hindi ka si heart evangelista... lol.
kelangan natin suportahan ang lahat ng artistas specially those who show great acting talents. for me, parehong magagaling na actors si dennis and echo. we need to support actors like them.
eh ano kung meron silang past mistakes kung nakikita naman natin na itinutuwid nila ang kanilang buhay. all of us learn from our past and we grow and mature in the process. we should not be narrow minded and judgemental.
whether si jericho or dennis ang gusto niyo kay heart eh useless din kasi hindi kayo si heart evangelista.
besides, madami din past mistakes ang pinagpipitagan niyong si jericho rosales at hindi kayo dapat magmalinis. nagcocomment pa ang iba na ang sobrang layo na ni echo kay dennis... nakup! mag-isip isip nga kayo mabuti.
anuman ang pinagdaanan nila in the past, huwag nating husgahan kasi nakikita naman natin that presently, itinutuwid na nila ang landas nila.
specially to solidaridad -- huwag ng pagpilitan ang past issues ni dennis trillo na parang walang past issues na pinagdaanan si jericho rosales. mag-isip sana mabuti.
sino ang nag-aral sa ateneo de manila ng gradeschool up to high school and sino ang nag-graduate ng college sa miriam college? si dennis trillo yan. he is well educated and nagpapa-humble lang siya na di inilalabas that he can very well speak fluent english.
mas cheap yung nagpumipilit magpa-sosyal and pa-english english pa di ba? lol
imbento lang yung date nila heart at dennis ng snn reporter, for whatever reasons kung bakit, guess na lang kayo. dennis is dating paulene. echo ask heart for a date kasi friends na sila sa ngayon.
masyado kasing yumabang kala nya yung showbiz eh mamatay pagnawala cya ....
ayun yung career nya ang namatay.....hehehe
hwag mgviolent reaction..that's what i notice lng nman..di sila bagay at di na mgkakabalikan yan//for sure