May kaba si Janice de Belen nang pumunta siya sa press conference ng first indie film niya, ang The Last Viewing ng Davis Entertainment Productions, na ginanap kahapon, July 21, sa Kaboom restaurant, Timog Ave., Quezon City.
"Hindi na kasi ako sanay mag-attend ng press conference. Ang tagal ko na kasing hindi gumawa ng movie," paliwanag ng aktres nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
Bakit indie film ang napili niyang comeback movie?
"Wala na talaga akong balak gumawa ng pelikula until dumating ang offer sa akin," sabi ni Janice. "Pero nag-isip pa rin ako kung kaya ko bang maibigay ang time at commitment ko tulad noong araw. Last movie ko, Annie Batungbakal ni Jolina Magdangal in 2004. Pero maikli lang ang role ko doon.
"Inisip ko rin kung kaya ko pa bang mag-memorize ng lines, marunong pa kaya akong umiyak? Isa pa, indie film, may slight akong kaba, baka bold ito. Pero nang ikuwento na sa akin ang story, nagustuhan ko. Pero sinabi ko pa rin sa mga anak ko, kasi kahit papaano, malalayo ako sa kanila kapag nagsu-shooting na kami. Okey naman sa kanila para raw makita naman nila akong umaarte sa movie. Sa SiS na lang kasi nila ako napapanood.
"Pero bago ko tinanggap ang offer," patuloy niya, "tinanong muna ako ni Direk Ronaldo [Bertubin] kung hindi raw ba ako takot sa patay. Kasi nga, isang crematory supervisor ang role ko. Sabi ko, hindi. Kaya nang nagsu-shooting na kami, sila na ang nag-adjust sa schedule ko. Kasi that time, may classes din ako ng Culinary Arts sa Cafe Ysabel at nagte-taping din ako once a week ng cooking show ko sa Net 25, ang Spoon. Wednesdays and Thursdays naman, live kami sa SiS."
Kumusta naman ang first shooting day niya?
"Okey pa rin pala," sabi niya. "Parang riding a bike. Kahit matagal ka nang hindi sumasakay, puwede pa rin pala."
It seems, tuluy-tuloy na rin ang pag-arte ni Janice. And with a new manager, si Popoy Caritativo, tinanggap niya ang role na nanay ni Valentina sa Darna. Si Marian Rivera ang gaganap na Darna at si Iwa Moto naman ang gaganap na Valentina.
"Biro ko nga sa mga nagtatanong kung ako raw ba si Darna. Sabi ko, 'Ako sana si Darna, pero bago ko nalulon ang bato, may nakaagaw na. Kaya naging nanay na lang ako ng kaaway ni Darna, si Valentina!'" natatawang kuwento niya.
KEEPING IT PRIVATE. Tulad ng dati, masarap kausap si Janice. Lahat ng mga tanong, kahit personal, sinagot niya—maliban lang sa kanyang lovelife.
"Biggest pride ko na siguro na maitago ko ang private life ko," paliwanag niya. "Gusto ko kasi tahimik lang talaga ang lovelife ko. I may be alone, but not lonely. Siguro, natuto na rin ako. Umasa ako sa kaligayahan noon na bigay ng ibang tao, pero nawala rin naman. Happiness should come from yourself. Nagkaroon ako ng buhay na naka-depend sa kanya, pero after ten years, wala pala.
"Lagi naman akong masaya, I'm always happy and in love. Hindi ko kailangan ng lalaki para ma-in love. Mayroon akong five dogs na kasama ko sa bahay!" natatawang wika ni Janice.
Bakit balita noon na magpapakasal na siya, pero hindi natuloy?
"Every year naman may tsismis na ikakasal ako. Bahala na, if it's going to happen, it will happen," maikli niyang tugon.





Isang Pogi at 2 ex nyang mataba.
careermuna
July 26, 2009
22:46 PM
nasa US si makating vanessa and yes, negra pa rin sya
Wala pa naman siyang 40 para mahirapan.
Disiplina lang at determinasyon...
Iba yata ang mentality ni Janice after mahirapan siyang magpapayat.. Binibigyan na lang nila ng justification ang sobra sa timbang dahil feeling nila, past na sila sa stage na yun.
Which hindi dapat ganyan ang attitude. Yan din kasi ang hirap pag sobrang introvert at nawawala sa social life. Masyado niyang ininjoy ang private life nun binigay na niya kay John ang limelight ng showbiz.
She is more of a homebody. Nasa showbiz lang yata siya ulit para dagdag income para sa mga anak.
Siguro kasi, bata pa yan, madalas sumuko siya sa intriga dati to the point na gusto na niyang give-up ang celebrity status. I remember during her relationship with Gabby...
Nung kay Aga... Papa's boy naman... ever since mas enjoy ni Janice ang private life.
Kasi, dahil sa seksing babae, pinagpalit niya ang wife at mga anak niya.
Kasi, dahil sa barkada niyang babaero sa tv show niya dati, madali siyang naimpluwensiyahan.
Di naman siya ganyan kababaero kahit kagrupo niya si Joey at Richard under Douglas Quijano before, to the point na iwan niya ang pamilya niya after na makilala at mabarkada siya sa tv host na yun na ultimong siya ay napakagulo din ng relationship. Mga pumapatol yatang mga babae sa kanya ay dahil sa pera lang niya, kaya wala na siya ginawa kung hindi umiyak araw araw sa show niya ng mga kanta niya. Burong buro na ako pag naririnig ko na siyang umiiyak sa show niya. Is he really happy?
Dun sa BlackOut... Mukha ng matandang malapit ng makalbo si John samantalang ang gf ay nagaantay na lang ng ilang panahon at handa na siyang palitan ng bago...
Babalikan ka rin ng ginagawa mo JOHN, Magsumikap ka, para kahit Willie na ang itsura mo, lapitan ka pa rin ng mga babae because