Sen. Bong Revilla speaks up about new issue with Rosanna Roces over their grandson

Trisha Alvarez
Thursday, July 23, 2009 @ 02:08PM  |  87426 views

 

"Kung ang hangad ni Osang ay maging maganda rin para kay Gab, e, siguro ganun din kami. Parehas lang kami. Wala namang ano. Kaya ang mas maganda, pag-usapan lang nang maganda. Hindi dapat paratingin sa ano, hindi dapat magtakutan. Dahil kung tatakutin kami, matagal na kaming takot, e," says Senator Bong Revilla about actress Rosanna Roces (inset).

Photo By: Noel Orsal













Nalalagay na naman sa sentro ng mga intriga ang pamilya ng actor-politician na si Ramon "Bong" Revilla Jr. at ang aktres na si Rosanna "Osang" Roces.

Binalaan ni Osang ang anak ni Bong na si Jolo Revilla na ibalik sa kanya ang apong si Gab, na nasa pangangalaga ngayon ng mga Revilla. Si Gab ang anak ni Jolo kay Grace Adriano, ang panganay na anak ni Osang. Kung hindi raw ibabalik ni Jolo ang apo at nagbanta si Osang na abogado na niya ang susunod na makikipag-usap sa kanila.

Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Bong ay ipinaliwanag nito kung paano napunta sa poder ng mga Revilla ang kanyang apo.

"Kaya naman napunta sa amin si Gab, di ba, nagkaroon ng primary complex? Pero mas maganda... Ayoko na lang magsalita," pagpipigil ni Bong sa sarili.

Ang primary complex ay "typical lesions of primary pulmonary tuberculosis, consisting of a small peripheral focus of infection, with hilar or paratracheal lymph node involvement."

Mismong ang ina raw ni Gab na si Grace ang nagbigay kay Jolo ng anak nila para maalagaan.

Ayon kay Bong, "Kay Jolo muna. 'Tsaka katulad ngayon, habang nagpapagaling, pinag-aaral niya ngayon doon sa Learning Child sa Alabang si Gab kung saan nag-aaral din yung bunso ko, si Ram. Doon din nag-aaral si Gab. It's a very good school.

"Ang masakit lang, yung hindi naman dapat magbangayan. Hindi dapat magsiraan. Nabibingi na kami doon, e. Bingi na kami doon. Masyado na kaming nasasaktan sa mga paratang na hindi naman kami lumalaban. Wala naman kaming  binibitiwan sa side namin. Sa amin lang, gusto namin mapaayos lang yung bata, gumaling si Gab. Kahit ano ang sabihin natin, dugo namin yun. Dugong Bautista yun.

"Mahal namin yung bata," patuloy niya. "Gusto namin maganda ang kinabukasan niya. Yun lang. Kung ang hangad ni Osang ay maging maganda rin para kay Gab, e, siguro ganun din kami. Parehas lang kami. Wala namang ano. Kaya ang mas maganda, pag-usapan lang nang maganda. Hindi dapat paratingin sa ano, hindi dapat magtakutan. Dahil kung tatakutin kami, matagal na kaming takot, e.

"Hindi kami dapat takutin. Sa bala nga hindi ako natakot, e, sa bibig pa? Ibig kong sabihin, wala tayong ano doon, hindi dapat. Pag-usapan ang kinabukasan ng bata. Bata ang nakataya dito, yun ang pag-usapan natin."

NO NEED TO GO TO COURT. If worse comes to worst, posible ba na umabot sila sa korte para sa custody ng bata para hindi na sila laging nagkaka-isyu kung kanino ba talaga dapat manatili si Gab?

"Kung kinakailangan siguro. Kung hindi talaga magbibigayan. Pero sa akin, hindi naman sana. Huwag na. Huwag nang umabot sa korte," saad ni Bong.

Kailan nila balak isoli kay Osang si Gab?

"Hindi kami, hindi ko desisyon yun, e. Desisyon ni Jolo yun. Kung ano ang desisyon niya, susuportahan namin."

Definitely, aware daw si Grace sa nagaganap na "kaguluhan" sa pagitan ng kanyang ina at ng pamilya Revilla.

1  2  Next »

Related Articles

177 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name