Kanina, July 23, ay nag-guest sa morning program ng ABS-CBN na Umagang Kay Ganda ang ina ni Manny Pacquiao na si Mommy Dionisia.
Sa interview ni Pinky Webb kay Mommy Dionisia, tinanong nito kung totoong magge-guest siya sa noontime show ni Willie Revillame, ang Wowowee, sa darating na Sabado, July 25.
"Oke," sagot na narinig namin na sagot ng tinaguriang "Pac Mom."
Totoo ba na magiging co-host siya ni Willie?
"Oke," sagot nito ulit.
Maliban sa paghu-host, sinabi rin ni Mommy Dionisia na "magda-dancing" siya sa Wowowee. Yun naman daw kasi ang gusto ng mga tao sa kanya—ang makita siyang nagsasayaw.
Gaano ba kahusay magsayaw si Mommy Dionisia? "Marunong naman akong sumayaw, kasi sa GenSan [General Santos City], tuwing Biyernes ay lagi akong nagsasayaw, nagbu-ballroom," aniya.
Totoo bang kinuha siya ng Star Cinema na maging artista sa pelikula nina Ai-Ai delas Alas at dating Presidente Joseph Estrada?
"Oke," sagot nito. "Basta ang sabi ko, huwag lang sa 28, kasi magge-guest ako kay Manny. Twenty-six, 27, 29, at 30 ang shooting ko."
Gaganap si Mommy Dionisia na ina nina Ai-Ai at Sam Milby sa naturang pelikula. Ang tinutukoy naman na guesting ni Mommy Dionisia ay sa sitcom ni Manny sa GMA-7, ang Show Me The Manny.
Pumayag naman daw ang world-class fighter niyang anak na mag-artista siya.
Tinanong din si Aling Dionisia kung totoo bang gusto niyang makapareha si Piolo Pascual kung sakaling gagawa siya ng pelikula.
"Oo," diretsong sagot ni Mommy Dionisia.
Maliban kay Piolo, sino pa ang gusto niyang makapareha? Si Jericho Rosales daw, na gumanap sa life story ni Manny Pacquiao, ang gusto niya.
Pero kung papipiliin siya, sino kina Piolo at Jericho ang gusto niyang makapareha sa pelikula?




CALLED OUT
ALL COMMENTS
54 madam01
53 MASMAGANDAKO
52 tvpetra
51 dosperados
50 silverdoor
Nakakatuwa.
Anyway, sana hindi nalang sa Wowowee.. hay naku.
49 kuletski
48 chjichjisback
47 bloody_elliot
Pacman,
46 glen
45 pinagpalang_ganda_supertalino
WOW!BONGGA!
Swerte ni Papa P!!!!
Hinde ata kilala ni Mommy Dayonezia c DD. lol
haha
44 jevin2
43 celinski
second childhood na ba to?
42 wiseguy888
41 totallyfab
40 wiseguy888
i don't think na nakakahiya ang ginagawa ni mommy dionisia. siyempre hindi mo agad maaasahan na magaling agad sumagot sa tv interviews si mommy dionisia kasi biglaan naman ang pagsikat nya galing sa sobrang kahirapan. Pero nagiging inspiration siya sa lahat ng tao at she remains down to earth despite her status as the mother of Pacman. I just love her!!! Napaka-prayerful pa niya. Ramdam na ramdam mo talaga ang sincerity nya sa bawat salita na binibitawan nya. At least hindi siya nag-prepretend. Pinapakita nya sa tao kung ano ang totoo sa kaniya. Go! go! go! mommy dionisia!
39 USAsmile
38 morningglory
37 potskieduddles
36 kokoroko
35 pepato
more comments