Kahapon, July 23, nakatanggap ng impormasyon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na magsasampa ng reklamo ang pamilya ni Nomar Pardo, partikular na ang asawa nitong si Lorayne, laban sa aktor na si Richard Gutierrez.
Si Nomar ang personal assistant ng aktor na nasawi sa vehicular accident na naganap noong May 22 sa Silang, Cavite. Si Richard ang nagmamaneho ng Nissan GTR sports car nang mangyari ang aksidente.
Ang biyuda ni Nomar na si Lorayne ay nagsampa ng criminal complaint laban kay Richard for "reckless imprudence resulting to homicide" sa Office of the Provincial Prosecutor sa Imus, Cavite. Pero nakarating na nga kay Annabelle Rama ang balita, at siya na rin mismo ang nagkumpirma nito sa media.
Sa birthday celebration at 40th day ng pagkamatay ng talent manager na si Douglas Quijano kagabi, July 23, sa Club Filipino, Greenhills, San Juan, ay nagbigay ng statement si Annabelle tungkol sa pagsasampa ng reklamo ng mga Pardo laban sa kanyang anak.
Ayon kay Annabelle, "handang-handa" na raw sila kung sakali.
"Alam ko naman na ano lang sa amin, e, parang blackmail," sabi ni Annabelle. "Ang masasabi ko, mahusay ang pag-uusap nila [Richard and Nomar's family]. Actually, wala na kaming karapatan dahil aksidente, di ba? Ang anak ko nag-promise kay Nomar na kung ano ang mangyayari sa kanya in the future, maaalala niya mga anak niya.
"Mahabang istorya, sa korte na lang tayo magkita," pahabol pa ng ina ni Richard.
Nang tanungin siya tungkol sa kanyang nararamdaman, ang nasambit ng ina ni Richard ay: "Traydor! Traydor!"
Dagdag pa niya, "Lalaban ba sila? Lalaban kami. Maski saan, lalaban kami!"
Habang isinusulat ang artikulong ito ay hindi pa raw nakakarating kay Richard ang tungkol sa demanda. Ani Annabelle, "Sasabihin ko pa lang sa kanya."
Matatandaan na sinabi noong May 24 ni Annabelle sa isa sa mga panayam niya sa telebisyon na magbibigay ng tulong pinansiyal ang kanilang pamilya sa mga anak ni Nomar, isang five years old at isang three years old.
Aniya, "Yung dalawang bata, talagang kami ang magpapaaral. Pinapa-issue ko na si Richard ng check for one-year supply ng gatas, mga pagkain nila.
"Yun na nga ang nangyari dun. Sa anumang maitutulong ni Richard sa mga anak niya... Sabi ko nga sa asawa niya [Lorayne], 'Magbibigay si Richard ng tulong, pati ako, sa mga bata lang, hindi sa 'yo...mga bata lang. Mga damit, gatas, pangkain nila... At least, hindi sila magugutom. Nandito naman kaming dalawa, tutulong sa kanila.' Kasi, kawawa naman ang asawa, walang trabaho, tapos maliit pa ang mga bata."
Subalit matapos ang halos dalawang buwan, ang impormasyon na nakarating sa PEP mula sa isang taong malapit sa pamilya ng biktima ay, "hanggang ngayon, walang kasiguruhan ang mga pangakong binitawan."
Samantala, nakatakdang magbigay ng pahayag ang pamilya ni Nomar, sa unang pagkakataon, ngayong araw na ito, July 24.






nung isang araw pa ako na luka sa mga nabasa ko kya lang d ko nlaman agad panu mag post dto hehhe
you go girl,i hope wag kang magpapaareglo sa kasong ito,remember,inalipusta ka,minamata ang nasira mong asawa.dapat lang na maikulong ang may sala at magbayad ng malaki for damages.
anevil [or mga kampon nya, kung sino man ang nagmomonitor ng pep] maybe you can think about this: ang dami dami nang disgusted sa family mo dahil sa mga pinagsasabi nyo, lalo na sayo kase labas na labas na talaga pagiging sagad-to-the bones evil mo. anyone with even half a brain would know na now is the time to shut up and just do what's right. mygosh, kayo na ang nakapatay, kayo pa ang mayabang! wala na ba talaga kayong natitirang hiya?! or takot???
if there really is justice in this world, makukulong si richard at magbabayad kayo ng malaki. sana na lang talaga matino ang judge na mapupuntahan ng kaso na to para magkaron ng justice pagkamatay ng asst na kawawa.
That's where you belong.
Klakalruhin ko rin ito na hindi ako tauhan ni Ms. Galvante...
Ito na ang tamang oras upag pag-isipan mo kung bakit sunod-sunod na ang demanda at gulo sa buhay mo, pati pamilya mo, damay na sa karma na dumarating sa buhay mo.
Ito na rin ang tamang pagkakataong isipin kung lumalabis ka na ba o hindi. DIYOS na ang gumigising sa iyo. Ginamit na niya ang anak mong si Richard sa isang aksidente, iniligtas NIYA upang may maunawaan ka. DIYOS na ang kumakausap sa iyo. Huwag mong hayaang gumawa pa ang DIYOS ng mas masakit na paraan upang ikaw ay magising sa katotohanan. Baka mamaya kunin NIYA ang ugat ng iyong kasamaan.
Aminado kang mukhang pera pero sabi mo, deboto ka ni STO. NINO. Sa totoo lang, isa lang pwede mong sambahin. At alam nating lahat kung ano iyon.
Ang pwedeng maging kinabukasan ninyong mag-anak ay nasa kamay mo na mula ngayon.
..ngayon aksidenteng nakapatay anak niya..mayabang pa siya...ay naku kung ako naman sa inyo wag nio na tangkilikin ang kung anong meron sa pamilyang yan para maranasan ulit ni annabel paano mamuhay ng mahirap....
sobra ka na annabel......
Kaya yumayabang mga gutierez na yan kc laging me pinagbabalingan ng sisi..
The best move for anabel is to shut up. Ngayon, alam mo na feeling ng imbes na makipag-usap magpapapreskon at dumayo sa party ng executives ng rival network at manirang puri.
Pano naman gagaan loob mo dito, wlang remorse. Ang yabang pa din. Tska d ko p nakakalimutan na cnabi niyang nag-eenjoy siyang pumunta sa husgado kc exercise daw.
pasalamat na lang kayo at hindi si RG ang namatay or nagkaroon ng seryosong injury.
wag nio ng alipustain ang naghihirap na pamilya ni nomar.
makonsensya nmn kau.