Nagbigay rin ng kanyang panig ang ama ni Nomar Pardo na si Mr. Ramon Pardo tungkol sa naging desisyon ng kanyang manugang na si Lorayne Pardo. Sinampahan ni Lorayne ng criminal complaint— Reckless Imprudence Resulting to Homicide—si Richard Gutierrez noong Huwebes, Hulyo 23.
Kinabukasan sa press conference na isinagawa ng pamilya Pardo sa opisina ng Abbas Law Firm (humahawak ng kaso), isinalaysay ni Mr. Pardo kung paano niya naobserbahan ang pagbabago ng ihip ng hangin.
Panimula ni Mr. Pardo: "When we found out, magulo yung isip mo, e. Ang iniisip mo yung namatay mo. Wala kang iniisip na demanda, so at that time, wala. Kaya nga nung before the cremation, during the mass, alam mo yung isip ko, pasalamat dun sa mga tao, dun sa mga tumulong to share our grief, di ba?
"I thanked them. GMA, sila ang nagbayad, and also his company [Royal Era Entertainment and Artist Management] which hired Nomar, kompanya nila Richard."
Sa hiwalay na panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Mr. Pardo, sinabi nitong noong simula ay natuwa raw siya sa suporta at pagmamahal na ipinapakita ng mga Gutierrez sa kanyang anak. "Yun kasi, it spoke so much of how he was when he was still alive. Mabait talaga ang anak ko."
Patuloy na kuwento niya, "Alam mo kasi, yung interview kay Richard, nanonood tayo. 'Akong bahala sa ganito...' Parang nung una, sabi ko kay Annabelle, nakita ko umiiyak yung mga artista [mga talents ni Annabelle na naging kaibigan ni Nomar], walang script, e."
Pero nang maglaon, napansin niya na nagkaroon ng pagkakaiba sa tono ng pananalita: "Ngayon, may script na, e. Ayoko yun. Pati si Richard, may script na. Scripted na ng nanay niya. I do not like that. So if Lorayne would decide to file a case, so be it.
"Ayoko yung ano... Kasi kami naman, in our own humble self, pumayag na kami, e. 'Ito [ang] matutulong namin,' hindi naman namin hiningi. I never felt the need to talk. Hindi naman namin hiningi, yun."
Sa press conference, tinanong si Mr. Pardo: Kinonsulta ba siya ni Lorayne tungkol sa halaga ng financial support na balak ibigay ng pamilya Gutierrez?
Sagot ni Mr. Pardo, "Well, that was the offer. 'Ito lang ang kaya namin maitulong sa 'yo, [sabi ni Annabelle]'. Sabi ko, 'Lorayne, it's up to you. Anyway, every now and then, nagkikita tayo, they can help you with the kids, di ba?
"So sabi ko, if you decide to accept it, go ahead. If not, then let's talk about it. Sabi niya, 'Sige na, Pa. Okay na, para wala nang gulo.' Sabi ko, 'Sige.' That was the time nung nag-offer-offer sila. But we never asked."
RICHARD NEVER SAID 'I'M SORRY'. Hindi raw lubos-maisip ni Mr. Pardo na hahantong sa demandahan ang mga pangyayari. Kung pang-unawa ang pag-uusapan, naibigay daw iyon ng pamilyang Pardo, kahit pa sila ang namatayan.
"During the first part, akala mo parang drama ito? I felt they were sincere. Then later on, I felt that they were not sincere. So, nasasaktan ka, namatayan ka na, ganyan ka pa. Di ba, inipit ka pa? Pangit," ang malumanay ngunit madiin na pahayag ng ama ni Nomar.
Maging sa panaginip ay tila inaalala ng kanyang anak ang mga apo niya, lalo na nitong nakaraang buwan, noong hindi niya makontak sina Annabelle at Richard.
Ayon sa kanya, "Napapanaginipan ko yung anak ko, e. Sabi ko, 'O, buhay ka pala.' Nawala. Karga niya yung bunso.





obviously nman WALANG MAMATAY KUNG MAY PAG-IINGAT eh!
I think they are guilty kaya kung anu-anong paninira ang binabato kay Lorayne kesyo humihingi ito ng 4M eh wala nman..abay grabe talaga ah artista kasi kya galing gumawa ng kuwento nitong anabil nato..
Yan tuloy sasabog sa mukha nila.
Let air out of your head Richard and be humble dont go to the evil path of your mother.
Akala nila na basta simpleng tao ay kaya nilang kaya-kayahin.
Para tuloy silang mga dagang karambola na walang mapasukan.
Justice for Nomar.