Richard Gutierrez and Heart Evangelista are set to do a horror film to be directed by international Filipino director Yam Laranas. Richard and Heart first worked together in the GMA-7 action series Codename: Asero.

Photo: Noel Orsal

The Richard Gutierrez-Heart Evangelista reunion will push through, but on the big screen.

Malakas ang usap-usapan na si Heart na ang napiling leading lady ni Richard sa upcoming local remake ng Korean romantic-comedy series na Full House sa GMA-7. Magtatapos na in two weeks time ang current primetime show ni Richard na Zorro, samantalang nasa week eight na ang first Sine Novela ni Heart na Ngayon At Kailanman opposite JC de Vera.

Kung sila nga ang magkakatambal sa Full House, wala pang makapag-confirm nito. Pero tuloy na ang pagbabalik-tambalan nila—ngunit sa pelikula ito mangyayari.

Final scripting na si Aloy Adlawan sa horror movie na may working title na Patient X para sa GMA Films at Viva Films.

Sina Richard at Heart ang magbibida sa pelikula, na ididirek sa balik-Pilipinas na director na si Yam Laranas. Pagkatapos ng huling pelikula ni Yam na Sigaw, na pinagbidahan din ni Richard, naimbita sa Hollywood si Yam para idirek ang American version nitong The Echo, starring Jesse Bradford at si Iza Calzado na nasa local version din.

Set for October 28 ang release ng Patient X. Ito rin sana ang playdate ng Richard Gutierrez-Anne Curtis movie na mula pa rin sa GMA Films at Viva Films. Balitang matutuloy pa rin ang pelikula nina Richard at Anne, pero baka sa February 2010 na ito.

Nag-request si Richard na magbago ng genre sa pinakabago niyang pelikula dahil puro romantic-comedy ang huling dalawang pelikula niyang ginawa—For The First Time ng Star Cinema at When I Met You ng GMA Films, kung saan si KC Concepcion ang naging leading lady ng aktor.

Sa Valentine 2010, isa pang romantic-comedy ang nakatakdang gawin ni Richard.