Last Friday, July 31, ay personal na nagpunta sa radio station na DWIZ si Mr. Ramon Pardo upang magpa-interview sa programang Wow! Ang Showbiz ni Ogie Diaz. Si Mang Ramon ang tatay ni Nomar Pardo, ang yumaong personal assistant ng aktor na si Richard Gutierrez.
Nagtungo si Mr. Pardo sa naturang radio program upang ihayag ang nalalaman niya hinggil sa isinampang kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide ng manugang niyang si Lorayne Pardo, biyuda ni Nomar, laban kay Richard. At upang sagutin na rin ang ilang naging pahayag ng ina ni Richard na si Annabelle Rama sa parehong radio program nung nakaraang lingo. (Click here to read related story.)
THE LUMP SUM AGREEMENT. Ang usapin ngayon ay sa pagitan nina Lorayne at Richard. Sa pamilya ba nina Mr. Pardo ay wala nang masasabing may problema pa sila sa mga Gutierrez?
"Nung una, gusto kong magsampa [ng demanda]," agad na pag-amin ni Mr. Pardo. "Nung sabi ni Lorayne. 'Papa, mag-usap muna kami [ng mga Gutierrez].' Okay. Annabelle invited Lorayne for a meeting sa Via Mare, Tomas Morato, kasama si Jun Lalin [publicist ng Gutierrez]. Pumunta din ako. Sabi ni Lorayne, 'Samahan mo ako, Papa.' So, nag-usap. Yung in-offer niya [Annabelle], 'Anong gusto n'yo, ang mabibigay ko sa inyo, yung three years na suweldo ni Nomar or education?"
Patuloy na kuwento ng ama ni Nomar, "Sabi ko, 'Lorayne, you decide, kasi nasa 'yo 'yan. Kung okay ka, okay ako. I will support your decision.' So, sinabi niya, 'Ms. Annabelle, puwede ba na lump sum?' [Sagot ni Annabelle] 'O, sige, bigyan ka niya ng lump sum.'
Ang lump sum na inayunan ni Lorayne ay ang twelve thousand pesos na sahod ni Nomar every month kay Richard for three years, ayon pa kay Mr. Pardo. Pero hindi raw 'yon nasunod.
Kuwento ng tatay ni Nomar, "May text yata si Annabelle kay Lorayne, e. Si Lorayne, sinasabihan din ako. 'Papa, gusto yata, every month ibibigay sa akin.' Sabi ko, 'Akala ko ba, lump sum?' Kung lump sum, e, installment naman, pa'no 'yan?' Sabi naman ni Lorayne, 'Papa, yun ngang three checks nila Ruffa [Gutierrez], Heart [Evangelista], JC de Vera, nagalit sa akin si Annabelle, pinatalbog.' Kaya yung meeting na 'yon, ang sabi ni Annabelle, 'Pumunta ka rito at yung tseke na 'yan, papalitan ko ng cash.'"
Nabanggit ni Lorayne na kaya ipina-stop payment ni Annabelle ang tseke ay dahil nalaman nito na may demanda si Lorayne.
Pahayag ni Mr. Pardo, "Wala pa ngang seguro kung totoo ang salitang 'yon. E, sa akin, hindi totoo 'yon, kasi bakit pa kung nag-uusap na? Di ba? [Sabi ni Annabelle] 'Nagalit ako dahil ganito... gano'n.' Sabi ko, 'Mag-usap kayo.' Kaya nga do'n pumunta sa lump sum."
Dahil installment nga raw ang gustong mangyari ni Annabelle, hindi na sinagot ni Lorayne ang mga text sa kanya ng Gutierrez matriarch.
Ayon pa kay Mr. Pardo, "Nung naging checks na lang, different checks, sabi ko, 'Ikaw, anong gusto mo?' [Sabi ni Lorayne] 'Hindi ko ito sasagutin, Papa.' So, hindi niya sinagot yung text. Tapos, meron na namang text later na another. Education na naman. Sabi ni Lorayne, 'Ayaw kong sagutin 'to, Papa.' Hindi sumasagot si Lorayne, kasi, kung nangyari ganito ang desisyon, tapos iibahin na naman, nagbabago-bago.
"May text siya [Annabelle] na, 'Ako ang nanay at manager ni Richard, ako lang ang puwede mong kausapin, walang iba.' Then finally, sabi niya, 'Ito ang gusto ni Richard, twelve thousand [pesos], tseke for three years.' So, sabi ko, 'Hingin mo yung lump sum, anyway, i-deposit natin 'yan sa mga bata.' Hindi naman siguro na si Lorayne na gagastusin sa iba 'yan. As a mother, kahit na si Annabelle, she has to protect her children. Like what she's doing now, she's protecting her children."
LORAYNE'S "SUPPORTERS." Sinasabi ni Annabelle na may taong "sumusuporta" kay Lorayne kaya ito nagsampa ng demanda.
Paliwanag ni Mr. Pardo, "Meron akong kaibigan na abogado, taga-Mindanao, si Atty. Firdausi Abbas, very well-known 'yan. Sultan namin 'yan. [Sabi ko] 'May problema anak ko, pati ako.' Sabi niya, 'Paano?' Sinabi kong lahat. [Sabi niya] 'Hahawakan kong lahat 'tong kasong ito. Gusto kong makausap si Lorayne.'
"So, kinausap niya si Lorayne. Sabi [niya], 'Lorayne, 'pag sinampa namin 'tong kasong 'to, ayaw kong aatras ka. 'Wag mong gagawin na leverage ito para makakuha ka ng pera. 'Pag ikaw nakipag-areglo, magbabayad ka sa amin, papipirmahin kita.' Pumirma si Lorayne. [Sabi ng abogado] 'Kung matalo ka, wala kang isang pera, pero sa amin, 'wag kang magbabayad.'"





di ko carry mga katulad mo.sinu ka ba para sabihin kawawa si lorayne.
mukhang datung,nyahhahahha
The whole thing has been solemn and executed with dignity. Add that to the fact that there was no sight at all of Ruffa G, Annabelle Rama, and family, Boy Abunda, sbz tramps na puro plastic. There is a God!!! Id rather see all the pols in one room any day than them. Buti naman pinagtrabaho lang sila. Kris, please keep doing The Buzz but pls wthout Ruffa..i can tolerate abunda but maybe as a recurring guest. Choose someone fresh and i'll watch you till the day you are not on the show anymore. Enough of your annoying, emptyheaded co-hosts..u inform us, they expound as if we are d u m b. I p u k e everytime i see them. I know this is inappropriate but i couldn't resist it.
panchang810
August 5, 2009
07:09 AM
Dito sa States such incident will always be considered as a crime. Precisely why the son of Hulk Hogan was put to prison in Florida because of the same incident. Namatay yung friend ng son ng wrestling superstar in an auto accident where the son was the driver.
The ticket that RG got for reckless driving can be an admissive evidence in the court. Anyway, sobrang baba naman pala ng suweldo ni Nomar, nakakabuhay pa ba ng pamilya sa Pinas ang Ph12,000 a month? Grabe!
------------
namatay ba?..alam ko na coma..di ko alam namatay na pala..yan din yung sinasabi ko eh..dito sa states hindi na kailangang hintayin ng nga kapulisan ang pamilya para mag demanda..yung katwiran din ni hulk parang katriwan din ni anabel..na kesyo itinuring na pamilya yung namatay, kesyo doon kumakain sa kanila..pero ganon pa rin nakapatay yung anak ni hulk kaya nakulong plus nagbayad pa si hulk sa family nong namatay...
Yang mga ganyang favor sa mga assistants ng mga milyonaryong celebrities dapat hindi na yan pinatatanaw ng utang na loob kung kusang loob na ibinigay lalo na kung sobrang baba naman pala ng suweldo.
Yang mga ganyang favor sa mga assistants ng mga milyonaryong celebrities dapat hindi na yan pinatatanaw ng utang na loob kung kusang loob na ibinigay lalo na kung sobrang baba naman pala ng suweldo.
The ticket that RG got for reckless driving can be an admissive evidence in the court. Anyway, sobrang baba naman pala ng suweldo ni Nomar, nakakabuhay pa ba ng pamilya sa Pinas ang Ph12,000 a month? Grabe!
The ticket that RG got for reckless driving can be an admissive evidence in the court. Anyway, sobrang baba naman pala ng suweldo ni Nomar, nakakabuhay pa ba ng pamilya sa Pinas ang Ph12,000 a month? Grabe!
RG-Own up to your mistakes and be responsible enough as a man and as a person. Deny pa kasi kayo ng deny at naninisi
froxz_123
August 4, 2009
05:48 AM
I SALUTE ATTY. ABBAS FOR HELPING NOMAR FAMILY...... YOUR OBJECTIVE IS TO HELP NOMAR'S FAMILY AND THE POOR FILIPINO PEOPLE WHO WANT JUSTICE AND CAN'T PAY FOR ATTY'S FEES.
----------
Me too...sana lahat ng abugado natin sa pinas o kahit manlang kalahati katulad ni atty. abbas...wish ko lang hindi sya magbago sa pagtulong sa mahihirap nating kababayan..ang taong bayan po mr. abbas ay sumasaludo sa inyo..Ipinagkakapuri po ang isang katulad nyo..sumasaludo po ako sa inyo!