PEP EXCLUSIVE: Rica Peralejo talks about her upcoming wedding to pastor Joseph Bonifacio

Rose Garcia
Monday, August 03, 2009 @ 12:21PM  |  82623 views

 

"It gets happier and happier pa from this point on. Of course, hindi ko naman sinasabing hindi ako magkakaroon ng problema. But at least, sigurado ako na yung partner ko, will fight it through with me. Sigurado na ako sa kanya. Hindi man ako maging sigurado sa lahat, sigurado na ako sa kanya. So, wala akong problema," says Rica Peralejo, who will wed boyfriend Joseph Bonifacio a few months from now.

Photo By: Courtesy of Rica Peralejo













Sa mga nakaraang interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa actress-TV host na si Rica Peralejo, sinabi niya noon na kapag magkakaroon siya ng bagong relationship—after her almost four-year relationship with actor Bernard Palanca—ay hihintayan niya ang "chosen man" ng Diyos para sa kanya.

At ngayon ngang nakahanap na siya ng panibagong pag-ibig sa katauhan ni Joseph Bonifacio, pastor ng Victory Christian Fellowship, ang kasunod nito ay ang pagpapakasal nila either December of this year or January next year.

THE PASTOR. Sa exclusive interview ng PEP kay Rica noong Biyernes, July 31, sa ABS-CBN compound ay ikinuwento niya kung paano sila nagkakilala ni Joseph.

Kuwento niya, "Actually, three years na kaming magkakilala, pero ang pagkaka-develop naming dalawa, weird. Kasi, pareho lang naman kaming nasa Pilipinas, pero talagang sa Internet kami na-develop—Multiply, church...

"One time, merong service sa church. First time kong maka-attend ng service sa youth. Sabi ko, 'Ay, ang cool naman ng service nila!' Kasi akala ko dati, corny. E, sabi ko, okey pala ito, 'no? At that time, hindi pa 'ko masyadong Christian, tinuturuan pa akong magbasa ng Bible.

"Noong mag-altar call, parang hindi ko maintindihan kung bakit ko itinaas. Sabi ko, 'Itaas ko na nga 'to. Cool naman yata 'to!' Ibig kong sabihin, cool, hindi siya corny, hindi siya yung parang holy, holy...

"Then, after a while, doon ko lang nalaman na siya pala ang nag-altar call. So, ganun...nakikita ko siya [Joseph]. Everytime na makikita ko siya, ang funny niya, pero intelligent. Pero hindi tumatak sa isip ko na magkaka-inlaban kami. Hello, pastor? Tapos ako, artista!  Siya rin, ganoon."

Napapansin din daw ni Rica na nagiging crush na niya si Joseph. Marami na rin daw ang nakakapansin na nagiging bukambibig na niya ang hindi pa naman boyfriend noon at hindi pa rin naman nanliligaw.

"Minsan si Nikki Valdez, natulog sa amin," patuloy na kuwento ni Rica. "Sabi ko sa kanya, 'Uy, may crush ako dun sa church namin!' Ginaganun ko lang. Gusto mo stalk natin? So, tiningnan namin sa Multiply. So, Joseph Bonifacio? Uy, ganda ng pangalan. Ateneo de Manila school... Uy, pareho kami ng school... Birthday?' Pagkita namin ng birthday niya, pareho kaming nagsigawan ni Nikki, pareho kami ng birthday!

"So, parang naging running jokes na sa akin na crush ko siya. Pero feeling ko, at that time, may gusto na ako sa kanya. Pero hindi ko lang ma-imagine, paano ba kami magiging pair? So, parang pareho naming pinipigilan kasi nga, di ba, parang imposible na maging pair kami?"

Noong malaman na raw ng mapapangasawa niya na gusto nga siya talaga nito, tinanong ni Joseph ang counselors and elders nila sa Church.

"Nagulat talaga ako noong sinabi niya sa akin na gusto niya ako. Pagtawag ko sa mga counselors namin, pastors, lahat sila, alam na. At noong sinabi niyang gusto na niya ako, hindi ako makapaniwala. Kasi ako, gustong-gusto ko na siya that time.

"Sabi ko sa best friend ko, 'Alam mo, magkikita kami today, pero hirap na hirap na ako. Hindi na ko nakaka-function. Parang palagi ko na lang siyang iniisip, wala naman siyang sinasabi.' Kaya sabi ko, hindi ko na siguro siya kikitain after this, kasi hindi na maganda. So, yun ang decision ko. 

"E, that day, sinabi niya sa akin na gusto niya ako. Kaya sabi ko, 'Alam mo, isang araw lang na delayed ka, hindi mo na ako makakausap.' Ganoon kasi ako, kapag ayaw ko, ayaw ko na. Kahit gusto ko pa yun, titiisin ko. Ganoon ako, e. Kaya hindi rin ako nagkaroon ng doubt kung gusto ko ba 'to or what, otherwise, God wouldn't allow it to happen," lahad ni Rica.

THE PROPOSAL. On their 10th monthsary, nag-propose si Joseph kay Rica sa Sonya's Garden sa Tagaytay.

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

70 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name