Nova Villa demystifies urban legend that she has a kid by the late FPJ


 
Nova Villa was discovered by no less than the late King of Philippine Movies Fernando Poe, Jr. At age 18, she signed a contract with his production outfit. But was their relationship more than just a talent-manager thing?

Nova Villa demystifies urban legend that she has a kid by the late FPJ

Trisha Alvarez

Rating

Puring-puri ng veteran actress na si Nova Villa ang bida ng Tiagong Akyat  na si Gerald Anderson. Ang young actor ang siyang magbubuwena mano sa mga characters na ginampanan ni dating Senador Ramon Revilla, Sr., na siyang mga tampok sa bagong serye ng ABS-CBN na Agimat: Ang Mga Alamat ni Ramon Revilla.  Mapapanood na ito sa August 15.

 

Si Gerald ang gaganap sa modernong bersyon ng Tiagong Akyat. Ina-inahang umampon naman kay Gerald ang papel na ginagampanan ni Nova.

 

"Ang comedy ko, very, very light. Kasi ako yung nanay ni Jayson [Gainza] na isang pari. And then, adopted ko si Gerald nung mamatay ang parents niya nung na-murder. So, masaya kami sa bahay, ganun. So, yun ang comedy roon," panimula muna ni Nova nang makausap  ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

 

GERALD FAN. Hindi pa raw niya nakakaeksena ang lahat ng kasama sa cast. Mas madalas raw niyang kaeksena si Gerald na nasubaybayan niya ang career mula nang nasa Pinoy Big Brother Teen Edition pa lang ito hanggang sa Tayong Dalawa.

 

"Up to now, ang pinapanood ko yung Tayong Dalawa. Itong sina Arron [Villena], nakikita ko na sumasayaw sa TV. So, yun ang recall. And then, natutuwa ako sa kanya. Maliit pa siya noon. Ngayon binatilyo na."

 

Sa palagay ba niya nag-improve na si Gerald sa pag-arte?

 

"Ah, yes. Malaki ang in-improve because, as I've said, nasundan ko yung umpisa niya noon.  Hirap pa 'yang mag-Tagalog kasi Amerikano 'yan, e. English-speaking 'yan. Kita mo nga ngayon, medyo slang-slang pa. But naka-focus yung bata. Talagang he wants to be an actor siguro. Nag-aral. Magaling nang mag-Tagalog. And even yung kanyang akting mas may lalim. Malalim na."

 

45 YEARS AND COUNTING. Umabot na sa 35 taon si Nova sa paglabas sa mga shows ng ABS-CBN. Dati raw ay may exclusive contract siya sa Kapamilya network. Pero ngayon nakakontrata na raw sila per show. Pero kung tutuusin, mahigit na sa apat na dekada si Nova bilang artista.

 

"Ano...45 years, since 1964. Kasabayan ko?

 

"Actually, parang sina Gina Pareño. Pero nauna pa ako roon. Kasi una, nag-Sampaguita ako, mga supo-supporting and then, kinontrak na ako ni FPJ, ke Fernando Poe Jr. 'Tapos after one year or two years...or one year? Yun  namang Stars 66, sina Gina sa Sampaguita, Shirley Moreno, Sarah Calvin...

 

"Ni-launch ako ng FPJ Productions sa Daniel Barrion my first movie with FPJ. Daniel Barrion, Baril  na Ginto...ganyan. Ang FPJ kasi tatlo ang company niyan. Merong Dlanor, si Ronald 'yan."

 

Ronald Allan Poe ang tunay na pangalan ni FPJ.

 

"Nakalimutan ko pa yung isa. Merong ginagawa ang Dlanor like yung Mahiwagang Daigdig ng Pantasya. Kami ni Dolphy yun."

 

Tinapos ni Nova ang kontrata niya sa FPJ Productions sa loob ng tatlong taon.

 

"And then I became a freelancer. 'Tapos television na, ABS-CBN. Doon pa sa Roxas Boulevard. Panahon pa ng mga Mahiwagang Daigdig ni Doray. Kami ni Nida Blanca...Buhay Artista [TV show nina Dophy at late comedian Panchito]."

 

DISCOVERED BY FPJ.  Paano nga ba siya na-discover ni FPJ?

 

"Nasa Premiere Productions ako noon. Kasama ko si Chichay, nagpasama. Bata ako noon, 17. Neighbor ko si Chichay, kalaro ko yung anak. Sabi niya, 'Halika, sama ka sa akin.' So, sumama naman ako.

 

"E, hindi ko pa napapasok yung mga Premiere Productions na 'yan. So, sabi ni Chichay, 'Hintayin mo ako dito sa canteen."

 

Habang naghihintay sa canteen at nag-aabang ng mga artistang papasok sa malaking gate ng Premiere Productions, isang puting Cadillac ang pumasok sa gate. Napahanga si Nova sa kotse at sinipat kung sino ang sakay niyon.

 

"Sino kaya 'yun?" kuwento ni Nova. "'Tapos nakita ko, may nagda-drive. E, di kunyari nakayuko ako sinisipat ko kung sino yun. 'Tapos siya rin pala nakatingin sa akin. Pareho kaming nagtitinginan. Eye-to-eye. 'Tapos nung tinitigan ko, 'Inay!' Sa loob-loob ko, 'Inay! Si FPJ!'

 


Join us on Facebook


Pages: 1  2  3  4  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
42 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement